300 barangay, lilinisin ng AFP sa impluwensya ng NPA para sa BSK elections

Binabantayan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 300 barangay sa buong bansa na posibleng maimpluwensyahan ng NPA sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, ito ay mga lugar na dati nang na-clear sa NPA pero tinatangkang muling pasukin ng teroristang grupo. Sinabi ni… Continue reading 300 barangay, lilinisin ng AFP sa impluwensya ng NPA para sa BSK elections

Security pact na bubuuin sa pagitan ng PH at Japan, kakailanganin ng ratipikasyon ng senado — Sen. Tolentino

Giniit ni Senador Francis Tolentino na kakailanganin ng pag-apruba ng senado ang posibleng defense agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Sinabi ito ni Tolentino sa gitna ng napapaulat na paghahanda ng dalawang bansa na masimulan ang consultations bago magkaroon ng pormal na negosasyon para sa Reciprocal Access Agreement (RAA) o panukalang visiting forces agreement… Continue reading Security pact na bubuuin sa pagitan ng PH at Japan, kakailanganin ng ratipikasyon ng senado — Sen. Tolentino

Pagmamandato na isuot ang body cam sa lahat ng police operations, ipinapanukala ni Sen. Raffy Tulfo

Naghain si Senador Raffy Tulfo ng panukalang batas na mag-oobliga sa mga operatiba na magsuot ng body-worn cameras sa special police operations at iba pang aktibidad para mas palakasin ang kalidad ng ebidensya sa anumang operasyon at siguraduhin ang transparency. Sa ilalim ng Senate Bill 2199, ang pagsusuot ng body worn cameras ay imamandato sa… Continue reading Pagmamandato na isuot ang body cam sa lahat ng police operations, ipinapanukala ni Sen. Raffy Tulfo

EDSA Greenways Project, target tapusin ng DOTr sa 2027

Binigyang-diin ng Department of Transportation na napapanahon nang bigyan ng prayoridad ang pedestrians sa usapin ng mobility. Sa paggunita sa Road Safety Month, ibinida ng DOTr ang konsepto ng “EDSA Greenways Project” para sa most vulnerable road users. Layon ng proyekto na gawing ligtas, komportable at magbigay ng accessible network sa mga pedestrian habang isinusulong… Continue reading EDSA Greenways Project, target tapusin ng DOTr sa 2027

Peace 911, napagtagumapayan ang terorismo na dulot ng NPA sa Davao — VP Sara

Malaki ang naging kontribusyon ng anti-terrorism campaign na “Peace 911” upang makamit ng Davao City ang kalayaan mula sa insurgency na dulot ng New People’s Army. Ito ang inihayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa unang taong anibersaryo ng pagiging insurgency-free ng Davao ngayong araw. Ayon kay VP Sara, tuluyang nawakasan ang… Continue reading Peace 911, napagtagumapayan ang terorismo na dulot ng NPA sa Davao — VP Sara

Umano’y tinorture na suspek sa Degamo case, hinamon ng PNP na maglabas ng pruweba

Hinahamon ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na patunayan ang kanyang alegasyon na tinorture siya ng mga pulis. Ito ay makaraang sabihin ni Jhudiel Rivero alyas Osmundo Rivero, 1 sa 10 mga dating sundalo na dawit sa… Continue reading Umano’y tinorture na suspek sa Degamo case, hinamon ng PNP na maglabas ng pruweba

QC LGU, naghahanda na rin sa epekto ng paparating na bagyo

Puspusan na rin ang paglilinis at pagtatanggal ng mga bara at basura sa mga kanal at daluyan ng tubig sa Lungsod Quezon. Isinasagawa ito ng pamahalaang lungsod bilang paghahanda sa epekto ng bagyo na inaasahan nang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend. Sabay-sabay nang ipinatutupad ng Quezon City Engineering Department ang declogging operations… Continue reading QC LGU, naghahanda na rin sa epekto ng paparating na bagyo

Pagbibigay ng body cam sa bawat pulis, aabutin ng 20 taon kung hindi aayusin ang procurement process — mambabatas

Umapela ang isang mambabatas sa pamunuan ng PNP na ayusin ang kanilang procurement process, partikular sa pagbili ng body cameras. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na kung susumahin, ang 43,000 na backlog sa body camera ay aabutin ng 20… Continue reading Pagbibigay ng body cam sa bawat pulis, aabutin ng 20 taon kung hindi aayusin ang procurement process — mambabatas

Mga iconic at historical landmarks sa bansa, pinasasailalim sa evaluation

Nanawagan si Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante na agad isailalim sa evaluation at pagsusuri ang iba pang iconic landmarks at historical sites sa buong bansa. Kasunod ito ng pagkasunog ng National Post Office Building. Sa privilege speech ni Abante, sinabi nito na bagama’t walang balak na magturo o manisi kung sino ang may sala,… Continue reading Mga iconic at historical landmarks sa bansa, pinasasailalim sa evaluation

Ilang batang inampon sa Gentle Hands, nakitaan ng ‘disruptive behavior’ ng NACC

Kinumpirma ng National Authority for Child Care (NACC) na may ilang kaso ng ‘disruptive behavior’ ang naiulat sa ilang mga batang naampon mula sa sa Gentle Hands Inc. (GHI). Ayon kay NACC Executive Director Undersecretary Janella Ejercito Estrada, may tatlong disruption cases na silang nahawakan kaugnay ng mga batang naampon sa naturang orphanage. Tinukoy nito… Continue reading Ilang batang inampon sa Gentle Hands, nakitaan ng ‘disruptive behavior’ ng NACC