AFP, susuporta sa PNP sa pagbuwag ng Private Armed Groups

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar ang buong suporta ng militar sa Philippine National Police sa pagbuwag ng Private Armed Groups (PAG) sa bansa. Ito’y para masiguro na magiging mapayapa at maayos ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30. Ayon kay Aguilar, handa silang… Continue reading AFP, susuporta sa PNP sa pagbuwag ng Private Armed Groups

326 na kaso ng dengue, naitala sa lungsod ng Makati

Patuloy na pinag-iingat ng Makati City local government ang mga residente laban sa dengue. Sa ngayon, 326 na ang nagka-dengue sa Makati simula January 2023 na lahat naman ay naka-recover na. Pinakamaraming nagkasakit noong January na may 114 na na-dengue, habang pinakamababa naman ngayong buwan ng Mayo na mayroong pitong kaso lamang. Una nang, ipinag-utos… Continue reading 326 na kaso ng dengue, naitala sa lungsod ng Makati

SILG Abalos, pinatututukan sa BFP ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office

Inatasan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang Bureau of Fire Protection (BFP) na gawing prayoridad ang pag-iimbestiga sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office. Matatandaang inabot ng mahigit 30 oras ang sunog sa makasaysayang gusali bago naideklarang fire out nitong Martes ng umaga. Ayon… Continue reading SILG Abalos, pinatututukan sa BFP ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office

DOT, pinapurihan ng European businessmen sa post-pandemic recovery efforts nito sa sektor ng turismo

Hinangaan ng mga negosyante mula sa Europa ang mga ginagawang hakbang ng DOT o Department of Tourism para makatulong sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa matapos itong padapain ng COVID-19 pandemic Ito’y matapos mag-courtesy call kay Tourism Sec. Ma. Christina Frasco ang mga kinatawan ng EU-ASEAN Business Council (EU-ABC) gayundin ng European Chamber of… Continue reading DOT, pinapurihan ng European businessmen sa post-pandemic recovery efforts nito sa sektor ng turismo

Modernisasyon ng Bureau of Immigration, iniakyat na sa plenaryo

Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang panukala para sa modernisasyon ng Bureau of Immigration. Ang House Bill 8203 o Immigration Modernization Bill ay kasama sa LEDAC priority measures ng Marcos Jr. administration. Sa sponsorship speech ni House Committee on Justice Chairperson Juliet Ferrer, binigyang diin nito ang kahalagahan na imodernisa at palakasin ang BI… Continue reading Modernisasyon ng Bureau of Immigration, iniakyat na sa plenaryo

Pagtataas ng red alert sa bagyong Mawar, pag-uusapan ng NDRRMC

Tatalakayin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang posibleng pagtaas ng red alert status bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, ito’y pag-uusapan sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting ngayong araw. Sa isang statement ngayong umaga, sinabi ni Alejandro na kasalukuyang nakataas ang blue alert status… Continue reading Pagtataas ng red alert sa bagyong Mawar, pag-uusapan ng NDRRMC

Mga paliparan na posibleng daanan ng Super Typhoon “Mawar”, nakahanda na — CAAP

Handang-handa na ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa posibleng epekto ni Super Typhoon “Mawar”. Sa pagtaya ng PAGASA, ang Super Typhoon “Mawar” ay posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa araw ng Biyernes (May 25) o Sabado (May 26). Ayon kay CAP Spokesperson Eric Apolonio, nagkaroon na ng mga pagpupulong bilang paghahanda… Continue reading Mga paliparan na posibleng daanan ng Super Typhoon “Mawar”, nakahanda na — CAAP

Panukalang extension ng estate tax amnesty, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng senado ang panukalang batas na layong palawigin ang deadline para sa estate tax amnesty. Ito ay matapos ipresenta sa plenaryo ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang Senate Bill 2219. Sa ilalim ng panukala, layong amyendahan ang Republic Act 11213 o ang Tax Amnesty… Continue reading Panukalang extension ng estate tax amnesty, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Panukalang pagbuo ng Magna Carta para sa Pinoy seafarers, tatalakayin na ng Senado

Nagpahayag ng suporta ang mga senador sa panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers para maitaguyod ang kapakanan at patuloy na pag-eempleyo ng mga Pinoy seafarer. Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo para sa Senate Bill 216, ipinunto nitong mahalaga ang Magna Carta para ipaalam sa mga marino ang… Continue reading Panukalang pagbuo ng Magna Carta para sa Pinoy seafarers, tatalakayin na ng Senado

Senate Inquiry para maprotektahan ang cultural properties ng Pilipinas, isinusulong ng mambabatas

Nais ni Senador Robin Padilla na magkaroon ng senate inquiry patungkol sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office para makahanap ng mga paraan para mapangalagaan ang cultural properties ng bansa. Sa paghahain ng Senate Resolution 628, giniit ni Padilla na ang insidente ay nagpapakita ng vulnerability ng national cultural heritage sa sunog at iba… Continue reading Senate Inquiry para maprotektahan ang cultural properties ng Pilipinas, isinusulong ng mambabatas