Regional public hearing para sa economic cha-cha, ikakasa

Inilatag na ni Senate Sub-committee on Constitutional Amendments ang skedyul para sa regional hearings nila ng panukalang pag-amyenda sa economic provision ng konstitusyon. Ayon kay Senate Sub-committee Chairperson, Senador Sonny Angara na sa susunod na dalawang linggo ikakasa ang mga regional public hearings. Sa Biyernes, May 17, gagawin ang eco cha-cha public hearing sa Baguio.… Continue reading Regional public hearing para sa economic cha-cha, ikakasa

Panukala vs. electronic na pagbili, pagbebenta ng boto, itinutulak sa Senado

Isinusulong ni Senadora Grace Poe ang pagpapasa ng isang panukalang batas na layong sugpuin ang vote buying at pagbebenta ng boto electronically. Inihain ni Poe ang Senate Bill 2664 kasabay ang ika-20 anibersaryo ng ‘Hello Garci’ scandal at bago ang 2025 midterm elections. Ayon sa senadora, nananatiling problema sa bansa ang ‘vote buying’ kahit pa… Continue reading Panukala vs. electronic na pagbili, pagbebenta ng boto, itinutulak sa Senado

LGUs, pinaghahanda ng Pangulo sa pagpasok ng La Niña

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na maging handa para sa pagpasok ng La Niña sa Pilipinas. Sa distribusyon ng financial aid sa Zamboanga ngayong araw (May 9), sinabi ng Pangulo na humaharap sa matinding pagsubok ang buong mundo, bunsod ng climate change. ‘Extreme weather’ na aniya… Continue reading LGUs, pinaghahanda ng Pangulo sa pagpasok ng La Niña

Zubiri, iginiit na dapat aprubahan ang ₱100 wage hike

Ikinalungkot ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang tungkol sa panukalang P100 legislated wage hike. Sa naging pahayag ng kalihim, nagbabala ito na posibleng mawalan ng trabaho ang ilang manggagawa, tumaas ang presyo ng ilang bilihin at magresulta sa pagbaba ng GDP ang… Continue reading Zubiri, iginiit na dapat aprubahan ang ₱100 wage hike

PBBM, pangungunahan ang pamamahagi ng tulong sa libu-libong benepisyaryo sa Zamboanga

Libu-libong mga magsasaka, mangingisda at mga pamilya na higit na naapektuhan ng El Niño phenomenon ang inaasahang makakatangap ng tulong mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw sa Zamboanga City. Pangungunahan ng Pangulo ang aktibidad na tinatawag bilang “Distribution of Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families impacted by El Niño” sa Universidad… Continue reading PBBM, pangungunahan ang pamamahagi ng tulong sa libu-libong benepisyaryo sa Zamboanga

Kahalagahan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept, binigyang diin ni Sec. Teodoro

Binigyang diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang kahalagahan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) para sa seguridad ng bansa. Sa mensahe ni Teodoro sa Maritime Security Symposium 2024 ng Philippine Navy kahapon, sinabi niyang partikular na mahalaga ang CADC dahil kasalukuyang nahaharap ang teritoryo ng bansa sa banta mula sa… Continue reading Kahalagahan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept, binigyang diin ni Sec. Teodoro

NEDA, kumpiyansang maaabot ng Pilipinas ang 6 to 7% target growth rate ngayong 2024

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaabot ng Pilipinas ang 6 to 7% target growth rate para sa taong ito. Iyan ang inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan makaraang iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo sa 5.7% ang GDP growth ng bansa sa unang bahagi ng 2024. Ayon kay Balisacan,… Continue reading NEDA, kumpiyansang maaabot ng Pilipinas ang 6 to 7% target growth rate ngayong 2024

Panukala para gawing mandatory ang paglalagay ng CCTV sa mga business establishment, inihain sa Kamara

Itinutulak ng isang mambabatas ang pag-apruba sa panukalang mag-aatas sa mga establisyimento na magkabit ng Closed-Circuit Television (CCTVs) Cystems. Salig sa House Bill 8068 ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan, ang mga negosyo na may 20 o higit pang empleyado at may mga transaksyon na hindi bababa sa P50,000 kada araw ay dapat maglagay… Continue reading Panukala para gawing mandatory ang paglalagay ng CCTV sa mga business establishment, inihain sa Kamara

Higit 900 bagong benepisyaryo ng TUPAD, tumanggap ng payout

Panibagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers o TUPAD ang tumanggap ng payout sa bayan ng Bayambang, Pangasinan. Pinangunahan ng Public Employment Services Office (PESO) ang isinagawang payout ng programa mula sa pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE). Isinagawa ang payout sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Kabilang… Continue reading Higit 900 bagong benepisyaryo ng TUPAD, tumanggap ng payout

Pilipinas, patahak na sa ninanais na ‘Bagong Pilipinas’ — Pangulong Marcos

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tama ang tinatahak ng administrasyon upang makamit ang ‘Bagong Pilipinas’. Bahagi ito ng naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang paglagda ng alyansa sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at LAKAS- CMD. Ayon sa Pangulo, papunta na ang bansa sa pinapangarap na ‘Bagong Pilipinas’ at malaki ang… Continue reading Pilipinas, patahak na sa ninanais na ‘Bagong Pilipinas’ — Pangulong Marcos