Luzon Grid, muling isasailalim sa yellow alert status

Muling ilalagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente. Ipatutupad ang yellow alert status simula mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi. Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,409 megawatts ang grid dahil nasa 20 planta ang naka-forced outage habang dalawa… Continue reading Luzon Grid, muling isasailalim sa yellow alert status

Mambabatas, iminungkahi na bawasan ang mga wage board para sa mas mabilis na pagtugon sa wage gaps

Nais ng isang mambabatas na pasimplehin ang national minimum wage structure. Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, mula sa 17 wage boards kada rehiyon ay gawin na lamang itong anim na cluster. Sa ganitong paraan aniya ay mas madali ang pamamahala, pag-regulate at pagpapatupad ng wage increases at liliit ang wage gaps at poverty gaps… Continue reading Mambabatas, iminungkahi na bawasan ang mga wage board para sa mas mabilis na pagtugon sa wage gaps

PBBM, nanawagan sa regional wage board na repasuhin ang minimum wage rate sa kani-kanilang lugar

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board na magsagawa ng rebyu sa tinatanggap na minimum wage ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga lugar. Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagdiriwang ngayong Araw ng Paggawa, inihayag nitong dapat gawin ang hakbang bilang konsiderasyon na din sa epekto ng… Continue reading PBBM, nanawagan sa regional wage board na repasuhin ang minimum wage rate sa kani-kanilang lugar

Ilang aplikante, hired on the spot sa Labor Day Job Fair sa Caloocan

Sulit ang maagang pila sa SM Grand Central ng ilang aplikante na agad hired on the spot sa ikinasang Mega Job Fair ng Caloocan City government kasabay ng Labor Day. As of 11am ay umabot na sa 21 ang HOTS at tuloy-tuloy ang nakakakuha agad ng trabaho. Kasama rito si Erica na nakuhang cashier sa… Continue reading Ilang aplikante, hired on the spot sa Labor Day Job Fair sa Caloocan

3 Chinese research vessel, na-monitor ng AFP sa bisinidad ng Ayungin Shoal

Na-monitor ng AFP ang tatlong Chinese research vessel sa bisinidad ng Ayungin Shoal. Ito’y bukod pa sa unang na-monitor na Chinese research vessel na “Shen Kou” sa silangan ng Catanduanes. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, iniulat sa kanila nitong April 29 ang presensya ng tatlong barko… Continue reading 3 Chinese research vessel, na-monitor ng AFP sa bisinidad ng Ayungin Shoal

Proteksyon para sa mga biktima ng krimen, aksidente at suicide mula sa unauthorized media exposure, ipinapanukala

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para bigyang proteksyon ang mga biktima ng krimen, aksidente o kaya ay suicide mula sa hindi awtorisadong media exposure. Ang House Bill 10277 o Victim’s Privacy Protection Act ni Camiguin Rep. Jesus Jurdin Romualdo ay hango sa foreign law gaya sa Estados Unidos kung saan itinuturing na krimen… Continue reading Proteksyon para sa mga biktima ng krimen, aksidente at suicide mula sa unauthorized media exposure, ipinapanukala

Imbestigasyon hinggil sa “gentleman’s agreement”, para sa kapakanan ng mga Pilipino — mambabatas

Binigyang diin ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na para sa kapakanan ng mga Pilipino ang itinutulak nilang imbestigasyon kaugnay sa “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating administrasyon at ng China. Sa paghahain ng House Resolution 1684, nais ni Khonghun na mabigyang linaw ang umano’y kasunduang pinasok ni dating Pangulong Rodrigo… Continue reading Imbestigasyon hinggil sa “gentleman’s agreement”, para sa kapakanan ng mga Pilipino — mambabatas

40-year high annual income ng PAGCOR, ‘on track’ ngayong 2024

Naniniwala si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson at CEO Alejandro H. Tengco ‘on track’ ang kanilang ahensya na makapagtala ng P100 billion annual income ngayong 2024. Paliwanag ni Tengco, sa unang tatlong buwan pa lang ng 2024 ay nakapagrehistro na agad ang state gaming firm ng P25.24 billion kung saan mas mataas ito… Continue reading 40-year high annual income ng PAGCOR, ‘on track’ ngayong 2024

Teacher solon, pinalilinaw sa DepEd ang posibleng overlap ng graduation day ng pampublikong mga paaralan sa 2025 elections

Pinalilinaw ngayon ng isang mambabatas sa Department of Education kung magkakaroon ba ng overlap ang graduation day para sa mga pampublikong paaralan sa 2025 midterm elections. Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education ang Culture, ipinunto ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro na kung pagbabatayan ang DepEd Memorandum No. 3, s. 2024-2025 magtatapos… Continue reading Teacher solon, pinalilinaw sa DepEd ang posibleng overlap ng graduation day ng pampublikong mga paaralan sa 2025 elections

Dalawang magkasabay na job fair para sa Araw ng Paggawa, ikinasa ng pamunuang lungsod ng Las Piñas

Dalawang malaking malls sa lungsod ng Las Piñas ang pagdarausan ng Labor Day Job Fair . Base sa anunsyo ng Las Piñas City, gagawin ang kanilang job fair sa SM South Mall at sa Robinsons Las Piñas simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. May tema ang naturang job fair na ‘Bagong Pilipinas: Mangagawang… Continue reading Dalawang magkasabay na job fair para sa Araw ng Paggawa, ikinasa ng pamunuang lungsod ng Las Piñas