Sen. Bong Revilla, pinapanagot ang Maynilad para sa sinkhole sa Pasay

Nais ni Senate Committee on Public Works Chairperson, Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na pagmultahin ang maynilad at ang mga kontraktor nito dahil sa malaking ‘sinkhole’ na lumabas sa gitna ng Sales Road sa Pasay City nitong linggo. Base sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang sinkhole ay resulta ng tagas… Continue reading Sen. Bong Revilla, pinapanagot ang Maynilad para sa sinkhole sa Pasay

DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng Pinoy seafarers na sakay ng MSC Aries na sinalakay ng Iranian authorities

Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs ang kaligtasan ng Filipino seafarers na napabilang sa MCS Aries na nasamsam ng Islamic Revolution Guard Group sa Hormuz Strait. Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, nasa mabuting kalagayan ang mga naturang marino at inaasahan na papakawalan na ito sa mga susunod na… Continue reading DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng Pinoy seafarers na sakay ng MSC Aries na sinalakay ng Iranian authorities

BuCor, pinasinayaan ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operation Center

Pinasinayaan ng Bureau of Corrections ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operations Center na susugpo sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Kapwa lumagda ng memorandum of agreement ang BuCor, PNP at PDEA at NBI upang magsama-sama sa pagsupo ng iligal na droga hindi lamang sa New Bilibid Prison maging sa iba’t ibang… Continue reading BuCor, pinasinayaan ang bagong barracks at opisina ng Inter-agency Operation Center

‘Gentleman’s agreement’ na pinasok ni ex-PRRD at China ‘constitutionally void’ —House Leader

Sinabi ni Deputy Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na walang bisa ang “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte at China. Ayon kay Gonzalez., gaya ng pagkagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y “secret agreement” maging siya ay natakot sa ideyang may kasunduan na naglalagay sa alanganin sa… Continue reading ‘Gentleman’s agreement’ na pinasok ni ex-PRRD at China ‘constitutionally void’ —House Leader

Sen. Grace Poe, iminungkahi ang paglalabas ng travel advisory sa Iran at Israel

Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na maglabas ng travel advisory kontra sa pagbiyahe sa Israel at Iran. Ito ay sa gitna ng pagpapadala ng Iran ng drones at missiles sa Israel. Nanawagan rin si Poe sa embassy officers ng Pilipinas sa dalawang bansang ito na patuloy na i-monitor ang… Continue reading Sen. Grace Poe, iminungkahi ang paglalabas ng travel advisory sa Iran at Israel

Bicolano solon, kinilala bilang “Outstanding Public Servant” ng RPMD

Nagpasalamat si Bicol Saro party-list Representative Brian Raymund Yamsuan sa natanggap na pagkilala mula sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) bilang “Outstanding Public Servant” para sa taong 2023. Tumanggap din ng award o Laurel trophy ang mambabatas dahil sa kanyang dedikasyon na ihatid ang tulong ng gobyerno sa komunidad partikular sa mga marginalized sector.… Continue reading Bicolano solon, kinilala bilang “Outstanding Public Servant” ng RPMD

Konkretong solusyon sa mga problema sa PUV modernization, pinanawagan ni Sen. Imee Marcos

Umaapela si Senadora Imee Marcos sa pamahalaan na maglatag na ng konkretong solusyon para sa mga isyung kinakaharap ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program. Ginawa ng senadora ang panawagan sa gitna ng pagkakaroon ng nationwide transport strike ngayong araw. Ayon kay Senadora Imee, ang susi sa pagresolba ng mga problema sa PUV Modernization program… Continue reading Konkretong solusyon sa mga problema sa PUV modernization, pinanawagan ni Sen. Imee Marcos

Kasunduan ni ex-PRRD sa China, walang bisa — Sen. Koko Pimentel

koko pimentel press con may 21. Photo by Angie de Silva/Rappler

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi binding o walang bisa ang anumang kasunduan na maaaring pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China. Ayon kay Pimentel, maaaring ginawa ng dating pangulo ang kasunduan para hindi na tumaas pa ang tensyon. Dagdag pa ng minority leader, maikokonsiderang personal agreement ang naganap kaya matapos… Continue reading Kasunduan ni ex-PRRD sa China, walang bisa — Sen. Koko Pimentel

Nasa 6,000 pulis ipinakalat sa Metro Manila kasabay ng isinasagawang tigil-pasada ng ilang transport groups

Umaabot sa anim na libong mga pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police sa kalakhang Maynila kasabay ng isinasagawang transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA simula ngayong araw. Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajard,o kasama na sa 6,000 ang Civil Disturbance Management, police visibility, mobile and foot patrol gayundin ang traffic management… Continue reading Nasa 6,000 pulis ipinakalat sa Metro Manila kasabay ng isinasagawang tigil-pasada ng ilang transport groups

SAICT, muling nagsagawa ng operasyon sa EDSA busway sa Mandaluyong City

Tila natuto na ang mga motorista hinggil sa mga panuntunang ipinatutupad kaugnay ng pagdaan sa EDSA Busway. Ito’y dahil walang nahuli ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa kanilang ikinasang operasyon sa bahagi ng EDSA-Ortigas sa Mandaluyong City ngayong araw. Ayon sa SAICT, welcome development ito para sa kanila… Continue reading SAICT, muling nagsagawa ng operasyon sa EDSA busway sa Mandaluyong City