Mas matibay na kolaborasyon, target sa makasaysayang trilateral meeting ng Japan, Pilipinas at US

Umaasa si Trade Sec. Alfredo Pascual na magkakaroon ng mas maganda, maayos at malakas na ugnayan ang mga nabanggit na bansa pagdating sa kalakalan. Sa opening statement ni Pascual, binigyang diin nito ang malalim na pagkakaibigan ng Amerika, Japan, at Pilipinas kabilang na ang malakas na ugnayang pang-ekonomiya at ang pagkakaisa pagdating sa ‘democratic values’.… Continue reading Mas matibay na kolaborasyon, target sa makasaysayang trilateral meeting ng Japan, Pilipinas at US

Pagiging “probinsyudad”, binigyang diin ni Taguig Mayor Lani Cayetano sa katatapos lang na Melon Festival

Pinasalamatan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Melon farmers nito matapos ang isa nanamang matagumpay na ani. Ayon kay Cayetano, natutuwa siyang isipin na kasabay ng modernong panahon ay nananatiling buhay ang mga tradisyon na aniya ay hinding-hindi dapat makalimutan. Sinabi ng alkalde ang naturang pasasalamat sa mismong Melon Festival kung saan ipinagdiwang ang… Continue reading Pagiging “probinsyudad”, binigyang diin ni Taguig Mayor Lani Cayetano sa katatapos lang na Melon Festival

Senior Filipino-Canadian, arestado dahil sa ‘bomb joke’ sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng PNP-AVSEGROUP ang isang 65 taong gulang na Filipino-Canadian citizen na nagbiro na “granada lang naman ang laman niyan” sa check-in counter ng kaniyang bagahe na patungo sana ng Canada. Dahil sa biro na ito nabahala ang mga personnel ng paliparan at nagpatawag ng awtoridad kung saan dito na dumating ang… Continue reading Senior Filipino-Canadian, arestado dahil sa ‘bomb joke’ sa NAIA

Senador Sherwin Gatchalian, hinikayat ang taxpayers na maghain ng ITR bago ang April 15 deadline

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga taxpayer na maghain ng kanilang Income Tax Returns bilang papalapit na ang Abril 15 na deadline para sa filing. Ayon kay Gatchalian na pangunahing may-akda ng Ease of Paying Taxes Act (EOPT), ngayong naisabatas na ang EOPT ay kumpiyansa siyang magiging mas madali ang proseso ng paghahain ng… Continue reading Senador Sherwin Gatchalian, hinikayat ang taxpayers na maghain ng ITR bago ang April 15 deadline

Taguig LGU, nakaani ng halos 2k metriko tonelada ng melon

Ipinagmalaki ng pamunuan ng lungsod ng Taguig ang ani nitong melon. Nagbunga na kasi ang nasa 66 ektarya na taniman nito ng melon kung saan umabot sa halos dalawang libong metriko tonelada ang na ani o kabuuang 1,669 metric tons. Dahil dito ay nagdiwang ang pamahalaang lungsod ng Melon Festival sa kanilang lugar sa pamamagitan… Continue reading Taguig LGU, nakaani ng halos 2k metriko tonelada ng melon

Tulong pangkabuhayan, tinanggap ng nasa 200 residente ng Lungsod Parañaque

Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pamimigay ng ayuda sa ilang residente ng lungsod. Ayon kay Olivarez, layon nito na matulungan ang kanyang mga nasasakupan at makapigbigay ng kanilang pangkabuhayan. Ginawa ang pamimigay ng ayuda sa Parañaque City Sports Complex kung saan 208 na benepisyaryo ang nabiyayaan ng cash assistance na maaring magamit… Continue reading Tulong pangkabuhayan, tinanggap ng nasa 200 residente ng Lungsod Parañaque

Motorcycle rider na may sticker ng Office of the President, sinita dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa busway

Muling pinaalalahanan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) ang mga motorista na sumunod na lang sa mga awtoridad at huwag nang tangkaing makipagmatigasan pa. Sa pagpapatuloy na operasyon ng SAICT sa bahagi naman ng EDSA Santolan sa San Juan City, isang motorcycle rider ang tinangka pang magpalusot sa kaniyang paglabag. Paliwanag niya,… Continue reading Motorcycle rider na may sticker ng Office of the President, sinita dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa busway

2 ambulansya na hindi lehitimo ang biyahe, sinita ng mga tauhan ng SAICT dahil sa pagdaan sa busway

Muling nagsagawa ng operasyon ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) kontra sa mga pasaway na motoristang hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Busway sa bahagi ng Ortigas-Mandaluyong. Unang nasita at binigyan ng ticket ang isang ambulansya mula sa Brgy. San Jose sa San Pablo City sa Laguna na wala namang sakay na pasyente.… Continue reading 2 ambulansya na hindi lehitimo ang biyahe, sinita ng mga tauhan ng SAICT dahil sa pagdaan sa busway

PBBM, binigyang diin ang kailangang dedikasyon at commitment sa rules-based international order sa ginanap na trilateral meeting

Naisagawa na ang makasaysayang trilateral summit sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida. Bawat lider ay nagbigay ng kani-kaniyang opening statement at sa panig ni Pangulong Marcos Jr. ay binigyang diin nito ang kailangang dedikasyon at commitment sa rules-based international order. Ang isinagawang summit… Continue reading PBBM, binigyang diin ang kailangang dedikasyon at commitment sa rules-based international order sa ginanap na trilateral meeting

Halal Food Bazaar, inilunsad ng Quezon City LGU sa QCMC

Dinagsa ang dalawang araw na Halal Food Bazaar sa Quezon City Memorial Circle, Quezon City na nagsimula noong ika-10 ng Abril, 2024 na pormal na nagbukas pagkatapos mismo ng Eid’l Fitr prayer sa nasabing lungsod. Kwento ni Abdurazaq Batting Madale, General Manager ng Philippine Ulama Congress Organization, Inc. (PUCOI) na siyang partner ng LGU, bago… Continue reading Halal Food Bazaar, inilunsad ng Quezon City LGU sa QCMC