Pasay LGU, nagdeklara ng suspensyon ng klase bukas, Abril 5

Dahil sa inaasahang 42 degrees Celsius na Heat Index o init ng panahon bukas, Abril 5, pansamantalang ititigil ang face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 42 na inilabas ni Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano na kung papalo sa 42 degree Celsius o higit pa ang temperatura… Continue reading Pasay LGU, nagdeklara ng suspensyon ng klase bukas, Abril 5

Mas mahigpit na parusa para sa hospital detention, isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros ang pangangailangan na maipasa na ang panukalang nagsusulong na taasan ang parusa para sa hospital detention. Ito ay kasunod ng sumbong ng pamilya ng ilang mga nasawing pasyente sa isang ospital sa Valenzuela City na pinipigilan umano silang makalabas dahil sa kabiguang mabayaran ang kanilang medical bill. Ayon kay Hontiveros,… Continue reading Mas mahigpit na parusa para sa hospital detention, isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros

Kamara, nananatili ang posisyon na economic provisions lang ang aamyendahan sa panukalang Charter Change

Nananatili ang posisyon ng Kamara na economic provisions lang ng 1987 Constitution ang aamyendahan salig na rin sa inaprubahang Resolution of Both Houses No. 7. Ito ang sinabi ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo nang matanong ng media kung ano ang reaksyon ni Speaker Martin Romualdez at ng House Leadership sa suhestyon ni Presidential… Continue reading Kamara, nananatili ang posisyon na economic provisions lang ang aamyendahan sa panukalang Charter Change

April 10, idineklarang holiday ng Malacañang para sa Eid’l Fitr

Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang April 10, araw ng Miyerkules upang bigyang daan ang obserbasyon ng Eid’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim. Ito ang kinumpirma ni PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ngayong hapon (April 4). “President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared April 10 as a regular holiday throughout the country in observance… Continue reading April 10, idineklarang holiday ng Malacañang para sa Eid’l Fitr

Globe at Smart telecom, maghahatid ng libreng roaming data services sa Taiwan para sa mga OFW

Maghahatid ng libreng roaming data services ang kumpanyang Globe at Smart telecommunications sa Taiwan para sa mga Overseas Filipino Workers na nais kausapin ang kanilang kaanak sa Pilipinas. Ito’y matapos yanigin ng magnitude 7.4 magnitude na lindol ang nasabing bansa. Ayon sa dalawang telco companies, magbibigay sila ng libreng 15 minutes call mula sa Pilipinas… Continue reading Globe at Smart telecom, maghahatid ng libreng roaming data services sa Taiwan para sa mga OFW

MMDA, pinayagan ang 24 oras na road works ng DPWH sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila hanggang April 11

Pinayagan na ng Metropolitan Manila Development Authorit (MMDA) ang 24 hour road works sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila hanggang sa April 11. Kasunod ito ng mabigat na trapiko na dulot ng mga hindi natapos na road works sa Metro Manila noong Semana Santa. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni MMDA Acting Chairperson Atty.… Continue reading MMDA, pinayagan ang 24 oras na road works ng DPWH sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila hanggang April 11

PRC, inalerto ang publiko kaugnay sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa mainit na panahon

Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na maging ligtas laban sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa mainit na panahon, partikular na ang heat stroke. Kaugnay nito, nagbigay ng tatlong pamamaraan ang PRC sa publiko na maaaring gawin upang maiwasan ang mga heat-related emergencies. Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon,… Continue reading PRC, inalerto ang publiko kaugnay sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa mainit na panahon

DOE, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian na bumuo ng El Niño Task Force

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na bumuo ng El Niño Task Force para makapagpatupad ng mga stop-gap measures sa gitna ng banta ng pagkakaroon ng yellow alert sa Luzon power grid ngayong tag-init. Ayon kay Gatchalian, oras na mabuo ang task force ay dapat nang agad na magpulong ang lahat… Continue reading DOE, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian na bumuo ng El Niño Task Force

Pagpapaiksi ng transition tungo sa dating school calendar, pag-aaralan ni Sen. Sherwin Gatchalian

Pag-aaralan ni Senate Committee on Basic Education Chairperson at Senador Sherwin Gatchalian kung paanong mairerekomenda sa Department of Education (DepEd) na mapaiksi ang transition sa pagbabalik sa dating school calendar. Una nang nirerekomenda ni Gatchalian na ibalik na sa dati ang school calendar kung saan sa bakasyon ng mga estudyante mula Abril hanggang Mayo at… Continue reading Pagpapaiksi ng transition tungo sa dating school calendar, pag-aaralan ni Sen. Sherwin Gatchalian

Mga motorista na kulang ang load ng RFID, posibleng patawan na ng multa

Inaaral ngayon ng Toll Regulatory Board, kasama ang operators ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway na patawan na ng multa ang mga motorista na kulang o walang load ang RFID. Isa ito sa mga lumabas na problema ng NLEX kaya nauwi sa mahabang pila ng sasakyan sa naturang expressway noong nakaraang Miyerkules Santo.… Continue reading Mga motorista na kulang ang load ng RFID, posibleng patawan na ng multa