Pangulong Marcos Jr., magri-retreat sa Semana Santa;Kahandaan ng mga tanggapan ng pamahalan sa Holy Week, siniguro

Plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-retreat o magpahinga sa isang tahimik na lugar sa panahon ng Semana Santa. Ito ang sinabi ng pangulo sa isang ambush interview sa Mariveles, Bataan, ngayong araw. Aniya, gugugulin niya ang Easter Sunday kasama ang kaniyang pamilya tulad ng kaniyang ginagawa kada taon. Kaugnay pa rin sa… Continue reading Pangulong Marcos Jr., magri-retreat sa Semana Santa;Kahandaan ng mga tanggapan ng pamahalan sa Holy Week, siniguro

NBI may hurisdiksyon sa pakikipag-ugnayan sa interpol sa paghahanap kay Rep. Teves — DOJ

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) ang hurisdiksiyon o kapangyarihan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipag-ugnayan sa International Police Organization (Interpol) sa pag-alerto sa mga bansang kinaroroonan ni Representative Arnulfo Teves Jr. Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kailangan lang naman na ipaalam ng NBI sa Interpol na may isang indibidwal… Continue reading NBI may hurisdiksyon sa pakikipag-ugnayan sa interpol sa paghahanap kay Rep. Teves — DOJ

Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst

Naniniwala ang isang geopolitical analyst na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa ang pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas. Matatandaang inanunsiyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may idaragdag na apat na lugar na sasakupin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Sa pandesal forum, sinabi ni Prof.… Continue reading Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst

Immigration procedures sa mga paalis na pasahero, babaguhin ng DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang ginagawa nila ngayon na pagbabago sa immigration procedures sa mga palabas na pasahero, kasunod ng mga nabunyag na pag-abuso ng ilang immigration officers. Partikular na gumagawa ng revision ng departure formalities ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng DOJ. Layon nito na mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero,… Continue reading Immigration procedures sa mga paalis na pasahero, babaguhin ng DOJ

MMDA Motorcycle Riders na magsisilbing trainers ng Academy, sumailalim sa refresher course

Sumabak sa training o refresher course ang mga motorcycle rider ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsisilbing trainers ng ilulunsad na Motorcycle Riding Academy. Bumisita si MMDA Assistant General Manager for Operations Atty. Victor Pablo Trinidad sa training na ginanap sa Clark International Speedway sa Mabalacat, Pampanga. Sinabi ni Trinidad, na malaking tulong ang… Continue reading MMDA Motorcycle Riders na magsisilbing trainers ng Academy, sumailalim sa refresher course

Senate Blue Ribbon Committee, kinukumpleto ang mga dokumento mula sa SRA bago magkasa ng inquiry sa alegasyong bagong insidente ng sugar smuggling

Hinihintay pa ng Senate Blue Ribbon Committee ang karagdagang dokumento mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) bago buksan ng komite ang imbestigasyon tungkol sa sinasabing kaso ng hindi otorisadong pag-aangkat ng asukal. Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairperson Francis Tolentino, ang pinapadala pa lang ng SRA ay ang Sugar Order No. 6 at kulang-kulang pa… Continue reading Senate Blue Ribbon Committee, kinukumpleto ang mga dokumento mula sa SRA bago magkasa ng inquiry sa alegasyong bagong insidente ng sugar smuggling

13,000 liters ng tubig at langis, na-recover sa Oriental Mindoro

Lumobo na sa mahigit 13,000 litro ng magkahalong tubig at langis ang narekober sa dagat na sakop ng Oriental Mindoro. Mula ito sa langis na patuloy ang pagtagas mula sa lumubog na MT Princess Empress. Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 13,383 liters ng oily water mixture ang nakolekta bukod sa 139 sako… Continue reading 13,000 liters ng tubig at langis, na-recover sa Oriental Mindoro

CAAP, nagsagawa ng Hazard and Risk Identification Workshop para sa kawani at sektor ng air transports

Upang mas mapaigitng pa ang serbisyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) lalo na sa usapin ng airway traffic system ng aircraft, at lahat ng paliparan sa bansa nagsagawa ng Risk and Identification workshop ang lahat ng kawani ng air traffic management system at air transport sector ng bansa. Katuwang sa naturang workshop… Continue reading CAAP, nagsagawa ng Hazard and Risk Identification Workshop para sa kawani at sektor ng air transports

Foreign vessels, muling namataan ng PCG sa mga isla ng Pilipinas sa West Philipine Sea

Naispatan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang mga foreign vessel sa iba’t ibang lugar sa Kalayaan Group of Islands, matapos ang isinagawa nitong maritime patrol. Gamit ang BRP Malapascua, namataan ng PCG ang China Coast Guard vesels, People’s Liberation Army-Navy type 056A Jiangdao II class missile corvette, at ilang mga Chinese at Vietnamese vessels.… Continue reading Foreign vessels, muling namataan ng PCG sa mga isla ng Pilipinas sa West Philipine Sea

TESDA, nanguna sa top performing government agencies ayon sa isang survey

Nanguna ang tanggapan ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) para sa top performing government agencies sa bansa ayon sa isang survey. Batay sa inilabas na resulta ng research firm na Publicus Asia, nanguna ang TESDA na nakapagtala ng 73 percent na mas mataas ng isang porsiyento noong nakaraang taon, na umabot lamang ng 72… Continue reading TESDA, nanguna sa top performing government agencies ayon sa isang survey