Sen. Villanueva sa kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kaso ng kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Pambansang Pulisya, na suriin ang lahat ng mga posibleng anggulo sa pag-iimbestiga sa kaso ng kidnapping at pamamaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Mario Uy. Iginiit ni Villanueva, na ang mga ganitong insidente ay nakakagawa lang ng takot sa ating mga kababayan. Kabilang aniya sa mga anggulo… Continue reading Sen. Villanueva sa kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kaso ng kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

NCRPO, magpapakalat ng higit 400 Female Police Officers na magsisilbing Customer Relation Officers

Aabot sa 446 na female police officers ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsisilbing customer relations officer sa bawat major precints sa kalakhang Maynila. Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Edgar Allan Okubo, ang nasabing bilang ng babaeng pulis ay dadaan sa masusing pagsasanay tulad ng in depth training sa… Continue reading NCRPO, magpapakalat ng higit 400 Female Police Officers na magsisilbing Customer Relation Officers

Panukalang layong solusyunan ang ‘joblessness’ sa bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Tatalakayin na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Trabaho Para sa Bayan Plan (Senate Bill 2035). Ang naturang plano ay magsisilbing long term employment generation and recovery master plan ng Pilipinas. Ayon sa sponsor ng panukala na si Senate Majority Leader Joel Villanueva, layon ng panukala na isulong ang job-led… Continue reading Panukalang layong solusyunan ang ‘joblessness’ sa bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Kaso ng 36 na Pilipinong mandaragat na biktima ng human trafficking sa Namibia vs. manning agency, iniakyat na sa DOJ — DMW

Nagpasaklolo na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Justice (DOJ )at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT). Ito ay para sa kasong forced labor na ihahain ng 36 na Pilipinong mandaragat na nabiktima ng human trafficking sa Namibia laban sa kanilang manning agency. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, lumiham na… Continue reading Kaso ng 36 na Pilipinong mandaragat na biktima ng human trafficking sa Namibia vs. manning agency, iniakyat na sa DOJ — DMW

Sen. Gatchalian: Pasukan ng mga estudyante, dapat nang ibalik sa Hunyo

Sang-ayon si Senate Committee on Basic Education Chairperson Sherwin Gatchalian na mabalik na sa dati ang school calendar, o mula sa kasalukuyang Agosto na pasukan ay ibalik na ito sa Hunyo. Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang nangyaring insidente sa Laguna, kung saan halos 100 estudyante ang naospital matapos ang ginawang fire drill ng… Continue reading Sen. Gatchalian: Pasukan ng mga estudyante, dapat nang ibalik sa Hunyo

PNP, walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa papalapit na Semana Santa

All systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang latag ng kanilang seguridad para sa taunang paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo. Kasunod nito, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, na wala naman silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad para sa nasabing okasyon. Una nang sinabi ng PNP,… Continue reading PNP, walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa papalapit na Semana Santa

Sen. Gatchalian, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na manindigan laban sa POGOs

Sen. Gatchalian, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na manindigan laban sa POGOs Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng kani-kanilang paninindigan kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kanilang mga lugar. Ayon kay Gatchalian, ang ilang mga local government unit (LGU) lalo na ang itinuturing… Continue reading Sen. Gatchalian, hinimok ang mga lokal na pamahalaan na manindigan laban sa POGOs

Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang ginampanang papel ng Chief Security Officer ng HDJ Tolong Compound, na pagmamay-ari ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at walong iba pa. Ito ay makaraang makuha ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga… Continue reading Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Commitment ng Pangulo sa full implementation ng Bangsamoro Peace Agreements, suportado ng DND

Nagpahayag ng suporta si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumpletuhin ang implementasyon ng Bangsamoro Peace Agreement. Sa isang statement sa ika-9 na anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation… Continue reading Commitment ng Pangulo sa full implementation ng Bangsamoro Peace Agreements, suportado ng DND

Deputy Speaker Gonzales, patuloy na itinutulak ang Constituent Assembly

Muling itinulak ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang Constituent Assembly (ConAss) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon sa Pampanga solon, pinakamabilis, matipid at kontroladong paraan ng Charter Change ang ConAss. Kung Constitutional Convention kasi aniya ang gagawin na isinusulong ng Kamara ay hindi mapipigilan ang mga delegado na magsulong ng iba pang… Continue reading Deputy Speaker Gonzales, patuloy na itinutulak ang Constituent Assembly