Pagbaba ng hydropower, ‘di makakaapekto sa suplay ng kuryente — DOE

Tiniyak ng Department of Energy (DOE), na hindi makakaapekto sa suplay ng kuryente sa bansa ang pagbaba sa lebel ng tubig sa ilang pangunahing dam sa Luzon. Ito ang inihayag ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra, kasunod ng inilabas na forecast ng PAGASA na inaasahang bababa mula 50 hanggang 70% ang maisusuplay na kuryente ng mga… Continue reading Pagbaba ng hydropower, ‘di makakaapekto sa suplay ng kuryente — DOE

Mga katutubo, prayoridad din na mabigyan ng pabahay — NHA

Nilinaw ng National Housing Authority (NHA) na kasama din sa kanilang prayoridad na mabigyan ng pabahay ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs). Ang pabahay ay isa sa mga pangunahing proyektong ipinapatupad ng NHA sa ilalim ng pamunuan ni General Manager Joeben Tai. Sinabi ni GM Tai, na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng NHA sa National… Continue reading Mga katutubo, prayoridad din na mabigyan ng pabahay — NHA

Kooperasyon ng Pilipinas at Mexico sa kalakalan at kultura, palalakasin pa

Nagkasundo ang Pilipinas at Mexico na palakasin pa ang balikatan sa kalakalan at kultura, kasunod ng epekto ng COVID-19 pandemic at kasabay na rin ng ika-70 taon ng relasyon ng dalawang bansa. Sa presentation of credentials ni Ambassador-designate Daniel Hernandez Joseph sa Malacañang ngayong araw (July 10), sinabi nito na nagsisilbing connectors ng Asya at… Continue reading Kooperasyon ng Pilipinas at Mexico sa kalakalan at kultura, palalakasin pa

Pag-amyenda sa EPIRA Law para palakasin ang ERC, suportado ng DOE

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang isinusulong na pag-amyenda sa Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA. Ito ay para bigyan ng ibayo pang kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission (ERC), para sa mga power distributor na hindi susunod sa mga itinakdang panuntunan. Ayon kay Energy Secretary Raphael… Continue reading Pag-amyenda sa EPIRA Law para palakasin ang ERC, suportado ng DOE

DFA Sec. Enrique Manalo, nakatakdang dumalo sa ASEAN Ministers Meet sa Indonesia

Nakatakdang tumungo sa Jakarta, Indonesia si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo. Ito ay para dumlo sa Foreign Ministers Meeting ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) mula Hulyo 11 hanggang 14. Dito, inaasahang tatalakayin ng mga ministro ng iba’t ibang ASEAN member countries ang mga prayoridad para naman sa Community Building efforts… Continue reading DFA Sec. Enrique Manalo, nakatakdang dumalo sa ASEAN Ministers Meet sa Indonesia

Paglago sa kanayunan mas maayos na buhay para sa mga magsasaka, inaasahan ni Speaker Romualdez matapos lagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang New Agrarian Emancipation Act

Positibo si House Speaker Martin Romualdez na magreresulta sa rural development at mas magandang buhay para sa mga magsasaka ang makasaysayang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa New Agrarian Emancipation Act. Kapuri-puri aniya ang pagsasabatas ng panukala, na nagpapakita ng pagbibigay prayoridad ng Pangulo sa kapakanan ng mga magsasaka. “The groundbreaking legislation is… Continue reading Paglago sa kanayunan mas maayos na buhay para sa mga magsasaka, inaasahan ni Speaker Romualdez matapos lagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang New Agrarian Emancipation Act

Mass turnover ceremony sa 8 binalasang Heneral sa PNP, itinuloy na ngayong araw

Itinuloy na ngayong araw ang turnover ceremonies sa may walong Heneral ng Philippine National Police (PNP) na kasama sa pinakabagong balasahan na ipinatupad ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Ayon kay Acorda, nagkausap na sila ni National Police Commission (NAPOLCOM) Chairperson at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, at nalinaw na rin… Continue reading Mass turnover ceremony sa 8 binalasang Heneral sa PNP, itinuloy na ngayong araw

Pagtugon sa El Niño, iginiit ni Sen. Loren Legrada

Ipinaalala ni Senador Loren Legarda na seryoso ang epekto ng El Niño sa bansa at nagangailangan ng agaran at desididong aksyon. Ipinaliwanag ni Legarda, na malaki ang epekto ng tagtuyot sa food security, ekonomiya at maging sa pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan. Dapat aniyang magpatupad ng mga hakbang ang gobyerno para mabawasan ang epekto nito;… Continue reading Pagtugon sa El Niño, iginiit ni Sen. Loren Legrada

Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay Jose Castillo, Chief Executive Officer ng Bioscience na subsidiary ng kumpanyang Univercells, isa sa mga kilalang pangalan sa larangan ng abot kayang mga gamot. Sa isinagawang pagpupulong sa Brussels, Belgium, tinalakay nila Pascual at Castillo ang revolutionary approach sa scaling, production at bioprocessing… Continue reading Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI

Part 2 ng Cope Thunder Exercise ng Phil. at US Air Force, pormal na binuksan ngayong araw

Pormal na binuksan ngayong araw ang ikalawang yugto ng Cope Thunder 2023 bilateral exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at US Air Force, sa Clark Air Base (CAB) Mabalacat City, Pampanga. Ang seremonya ay pinangunahan ni PAF Air Defense Command Commander Major General Augustine S. Malinit, kasama si Brigadier General Sarah H. Russ, Mobilization… Continue reading Part 2 ng Cope Thunder Exercise ng Phil. at US Air Force, pormal na binuksan ngayong araw