Landbank of the Philippines, ibinaba sa P15 ang bayad sa online fund transfer

Simula ngayon araw ay nasa P15 na lamang ang sisingilin ng Landbank of the Philippines sa depositors nito na gumagamit ng InstaPay para sa online fund transfer. Ito ang inanunsiyo ng naturang bangko na pag-aari ng gobyerno, at itinuturing ngayon bilang isa sa pinakamalaking financial institutions sa bansa. Sabi ng Landbank, ang pinababang charges sa… Continue reading Landbank of the Philippines, ibinaba sa P15 ang bayad sa online fund transfer

Healthcare workers sa tertiary at secondary hospitals sa QC, target na mabigyan ng 3rd booster dose ng COVID-19 vaccine

Nagpaalala ang Quezon City Government na limitado pa lamang ang bibigyan ng 3rd booster dose laban sa COVID-19. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga healthcare worker na nasa tertiary at secondary hospitals ang prayoridad na mabigyan ng Bivalent vaccine. Ang anunsiyo na ito ay base na rin sa pahayag ng Department of Health na limitado… Continue reading Healthcare workers sa tertiary at secondary hospitals sa QC, target na mabigyan ng 3rd booster dose ng COVID-19 vaccine

Senate inquiry sa planong pagpapatuloy ng Afghan refugees sa Pilipinas, ikakasa ngayong linggo

Magsasagawa ang Senate Committee on Foreign Relations ng pagdinig kaugnay ng sinasabing request ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas, na pahintulutan ang pagpapapasok at pansamantalang paninirahan dito ng mga refugee mula sa Afghanistan. Gagawin ang pagdinig sa Biyernes ng hapon. Base sa notice na ibinaba ng Senate panel, nakasaad na dahil sa kahalagahan at… Continue reading Senate inquiry sa planong pagpapatuloy ng Afghan refugees sa Pilipinas, ikakasa ngayong linggo

Presensya at pagpapatrolya ng pamahalaan sa WPS, patuloy na pinalalakas

Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang presensya nito at pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), partikular upang malabanan ang illegal fishing sa lugar. “Sa pagtutulungan po namin, with the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagpapatrolya po ang ating mga barko diyan sama-sama – Philippine Navy at [Philippine] Coast Guard… Continue reading Presensya at pagpapatrolya ng pamahalaan sa WPS, patuloy na pinalalakas

Sen. Win Gatchalian, pinayuhan ang mga nais kumuha ng estate tax amnesty na ituloy lang ang aplikasyon kahit wala pa ang batas sa extension

Pinayuhan ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga planong mag-avail ng estate tax amnesty, na mag-apply pa rin para dito kahit pa hindi pa napipirmahan ang batas para sa extension nito. Ngayon na kasi nakatakda ang deadline para sa paghahain ng estate tax amnesty, at hanggang ngayon ay hindi… Continue reading Sen. Win Gatchalian, pinayuhan ang mga nais kumuha ng estate tax amnesty na ituloy lang ang aplikasyon kahit wala pa ang batas sa extension

Manila Water, pinalawak pa ang customer base sa 7.6 million

Pinalawak pa ng Manila Water hanggang 7.6 milyon ang kanilang customer base sa East Zone. Sa ngayon, mayroon na silang 8,247 bagong domestic at non-domestic water connections sa unang quarter ng taon. Ito ay 40 percent na ng kanilang bagong water service connection target para sa buong taong ito. Sa kabuuang bilang ng bagong connections,… Continue reading Manila Water, pinalawak pa ang customer base sa 7.6 million

Justice Sec. Remulla, iminungkahi sa Bureau of Immigration ang paggamit ng artificial intelligence

Iminungkahi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Bureau of Immigration (BI) ang paggamit ng artificial intelligence sa mga paliparan sa bansa. Ayon sa kalihim, ito ay upang mapabilis ang proseso ng pag-alis ng mga pasahero at pagtukoy sa mga pagkakakilanlan, lalo na ang mga prone sa human trafficking. Pinayuhan rin ni Remulla ang mga… Continue reading Justice Sec. Remulla, iminungkahi sa Bureau of Immigration ang paggamit ng artificial intelligence

Evacuation plan para sa Pinoy migrant workers sa Taiwan, pinadedetalye ni Sen. Imee Marcos

Iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat nang kumpletuhin ng gobyerno ang evacuation plan para sa mga Pilipinong manggagawa sa Taiwan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan. Ayon kay Sen. Marcos, ito muna ang dapat unahin kaysa sa ang planong relokasyon ng mga Afghan refugee dito sa Pilipinas. Sinabi pa ng… Continue reading Evacuation plan para sa Pinoy migrant workers sa Taiwan, pinadedetalye ni Sen. Imee Marcos

Sen. Tolentino sa DOH: Magtalaga ng focal person para sa mga concern ng senior citizens

Hinimok ni Senador Francis Tolentino si Health Secretary Teodoro Herbosa na magtalaga ng focal person sa Department of Health (DOH), na pagtutuunan ng pansin ang pagtugon sa mga concern ng mga senior citizen. Kasabay nito, iginiit ni Tolentino ang pagsasabatas ng kanyang Senate Bill No. 1799 o ang proposed “Comprehensive Senior Citizen Welfare Act.” Sa… Continue reading Sen. Tolentino sa DOH: Magtalaga ng focal person para sa mga concern ng senior citizens

Chinese Navy Training Ship, dumaong sa Pilipinas para sa goodwill visit

Kinumpirma ng Embahada ng China sa Pilipinas ang pagdaong ng Chinese Navy Training Ship na Qi Jiguang Pier 15, South Harbor sa Maynila, ngayong araw. Batay sa pahayag ng Embahada, sinalubong ang naturang barko ng People’s Liberation Army-Navy ni Ambassador Huang Xilian, mga opisyal ng Philippine Navy at Filipino-Chinese Community sa Pilipinas. Ayon sa Chinese… Continue reading Chinese Navy Training Ship, dumaong sa Pilipinas para sa goodwill visit