“The worst is over” sa bagyong Betty — NDRRMC

Walang gaanong naging epekto ang bagyong Betty sa bansa. Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV kasabay ng pagsabi ng “the worst is over”. Sa ngayon aniya ay nakalampas na sa Batanes at pataas na ang bagyo. Ayon kay Alejandro, masaya ang ahensya… Continue reading “The worst is over” sa bagyong Betty — NDRRMC

Registration para sa Special Program for Employment of Students, bubuksan sa Pasig City

Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na ilulunsad na muli ang online registration para sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa lungsod. Ayon sa Pasig City Government, bubuksan ang registration para sa out-of-school youth na may edad 15 hanggang 30 taon sa June 5, araw ng Lunes. Dalawandaang slots ang ilalaan para… Continue reading Registration para sa Special Program for Employment of Students, bubuksan sa Pasig City

Food trucks ng PH Red Cross, naka-standby na para tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

Handa nang ipakalat ng Philippine Red Cross (PRC) ang disaster response food trucks nito upang tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty. Ayon kay PRC Chairperson Richard Gordon, agad na rumeresponde ang “Hot Meals on Wheels” sa loob ng 24 na oras matapos hagupitin ng bagyo ang isang komunidad. Mayroong 35 food trucks ang PRC… Continue reading Food trucks ng PH Red Cross, naka-standby na para tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

Trabaho Para sa Bayan bill, aprubado na sa huling pagbasa ng Senado

Sa botong 24 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Trabaho Para sa Bayan” bill o ang Senate bill 2035. Layon ng naturang panukala na magkaroon ng long-term master plan para sa employment generation at recovery ng bansa. Una nang sinabi ng… Continue reading Trabaho Para sa Bayan bill, aprubado na sa huling pagbasa ng Senado

DTI, nagsagawa ng public consultation para mapag-isa ang online accreditation sa freight forwarders

Nagkasa ng isang public consultation ang Department of Trade and Industry (DTI) na may kaugnayan sa panukalang Joint Memorandum Circular, para i-harmonize ang online accreditation para sa mga freight forwarder. Pinangunahan ng DTI Digital Philippines Supply Chain and Logistics Management Division ang naturang public consultation. Ayon kay DigitalPH Assistant Secretary Mary Jean Pachecor, layunin ng… Continue reading DTI, nagsagawa ng public consultation para mapag-isa ang online accreditation sa freight forwarders

Gov’t agencies na magpapatupad ng infra projects sa QC, dapat maayos na makipag-ugnayan muna sa LGU — Mayor Belmonte

Dapat raw maayos na makipag-ugnayan sa Quezon City Local Government ang mga ahensya ng pamahalaan bago magpatupad ng infrastructure projects sa Quezon City. Nilalayon nito na maiwasan ang anumang pag-aaksaya ng pondo ng publiko at abala sa mga taga Quezon City. Naglabas ng pahayag si Mayor Joy Belmonte, matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa… Continue reading Gov’t agencies na magpapatupad ng infra projects sa QC, dapat maayos na makipag-ugnayan muna sa LGU — Mayor Belmonte

Mas mabigat na disciplinary action inirekomenda ng Ethics Committee vs. NegOr Rep. Teves

Nagdesisyon ang House Committee on Ethics na patawan ng mas mabigat na disciplinary sanction si Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr., dahil sa patuloy nitong unauthorized leave of absence. Hindi naman idinitalye ni COOP NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, Chair ng komite, kung ano ang ‘stiffer penalty’ na ito. “The Committee on Ethics and Privileges,… Continue reading Mas mabigat na disciplinary action inirekomenda ng Ethics Committee vs. NegOr Rep. Teves

2 LGU, pinarangalan ng ARTA sa pagsisikap na maipatupad ang eBOSS sa nasasakupan

Kinilala ng Anti Red Tape Authority (ARTA) ang mabilis na pagtugon ng dalawang lokal na pamahalaan para sa implementasyon ng streamlined at digitalization ng electronic Business One-stop Shop o eBOSS. Sa ika-limang taon na anibersaryo ng ARTA na ginawa sa Manila Hotel, pinarangalan nito ang Marikina City at Lapu-Lapu City Cebu dahil sa ipinatutupad na… Continue reading 2 LGU, pinarangalan ng ARTA sa pagsisikap na maipatupad ang eBOSS sa nasasakupan

House Committee on Ethics, walang pinipili o pinapaborang mambabatas na iimbestigahan

Nanindigan si House Committee on Ethics Chair Felimon Espares na walang isi-single out na mambabatas ang kanilang komite. Ito ang tugon ni Espares sa hamon ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr., na imbestigahan din ang kaugnayan ni House Speaker Martin Romualdez sa joint venture ng Prime Media Holdings at ABS-CBN. Sa isang virtual presser,… Continue reading House Committee on Ethics, walang pinipili o pinapaborang mambabatas na iimbestigahan

Pagtatatag ng Level 3 OFW Hospital, ipinasa ng Kamara

Tuluyan nang nakalusot sa Kamara ang panukalang batas na magtatatag ng isang Level 3 overseas Filipino workers (OFW) Hospital. Ito ay matapos bumoto ang 255 na mambabatas pabor sa House Bill 8325, na bubuo sa ospital na mayroong medical at diagnostic center, at pangangasiwaan ng Department of Migrant Workers (DMW). Ang naturang ospital ang magsisilbing… Continue reading Pagtatatag ng Level 3 OFW Hospital, ipinasa ng Kamara