Patuloy na suporta ng DND sa National Defense College of the Phils., tiniyak ni Galvez

Photo courtesy of Department of National Defense

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang patuloy na suporta ng kagawaran sa National Defense College of the Philippines (NDCP). Ito ay sa ginawang “field visit” ng NDCP Master in National Security Administration (MNSA) Regular Class 58 (RC58) sa Office of Civil Defense New Administrative building,… Continue reading Patuloy na suporta ng DND sa National Defense College of the Phils., tiniyak ni Galvez

Fire volunteer sa Mandaluyong, pinuri ng Philippine Red Cross dahil sa katapatan

Pinuri ng Philippine Red Cross ang isang volunteer fire responder matapos magpamalas ng katapatan habang tumutulong sa insidente ng sunog sa Mandaluyong City. Binigyang-pugay ng PRC ang volunteer na si Rommel Barroga, na nagsauli ng nakitang pera sa kasagsagan ng pagresponde sa sunog. Sinabi ng Red Cross, na hindi matatawaran ang commitment ni Barroga sa… Continue reading Fire volunteer sa Mandaluyong, pinuri ng Philippine Red Cross dahil sa katapatan

Nagpanggap na Government Employee, naharang sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) ang isang 43 na taong gulang na babae matapos magpakita ng pekeng travel authority. Nabatid na ang naturang babae na hindi muna pinangalanan ay biktima pala ng human trafficking na papaalis sana patungong Singapore. Batay sa ulat ng Bureau of Immigration… Continue reading Nagpanggap na Government Employee, naharang sa NAIA

PNP Chief, dumistansya sa pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na pinahirapan ito at binantaan para umamin sa krimen

Tumanggi munang magbigay ng kaniyang komento si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. Ito ay kasunod ng pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na si Osmundo Rivero, na pinahirapan siya ng mga pulis at pinagbantaan pa ito para umamin sa krimen. Sa ambush interview kay Acorda sa… Continue reading PNP Chief, dumistansya sa pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na pinahirapan ito at binantaan para umamin sa krimen

2,400 kilometers bike lane, target ng Department of Transportation sa taong 2028

Patuloy na isusulong ng Department of Transportation (DOTr) na mapalawak ang Active Transport Program, upang mapalakas ang sustainable mobility options ng publiko sa gitna ng pandemya. Ayon sa DOTr, target nito na maitatag ang mahigit 2,400 kilometers na protected bicycle lanes sa taong 2028. Mahalagang hakbang anila ito tungo sa mas ligtas at accessible na… Continue reading 2,400 kilometers bike lane, target ng Department of Transportation sa taong 2028

Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., nanumpa na bilang Senior Deputy Speaker

Nanumpa na ngayong araw bilang bagong Senior Deputy Speaker ng Kamara si Pampanga 3rd District Representative Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr. Sa sesyon ngayong hapon, magkasabay na dumating sa plenaryo si House Speaker Martin Romualdez at Gonzales. Magkasama rin ang dalawa na lumapit at nagmano kay Pampanga 2nd district Representative at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.… Continue reading Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., nanumpa na bilang Senior Deputy Speaker

Nasunog na PhilIDs sa Manila Central Post Office, papalitan ng PSA

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na lahat ng PhilIDs na naapektuhan ng sunog sa Manila Central Post Office ay kanilang papalitan. Sinabi ni Claire Dennis Map, Undersecretary ng National Statistician at Civil Registrar General, na wala silang sisingiling karagdagang gastos sa mga rehistradong indibidwal, kasunod ng mga protocol na itinakda ng PSA… Continue reading Nasunog na PhilIDs sa Manila Central Post Office, papalitan ng PSA

G7 support sa arbitral ruling, magpapalakas sa claim ng Pilipinas sa disputed islands ayon sa isang mambabatas

Pinuri ni Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang pinakahuling statement ng G7 o grupo ng mga mauunlad na bansa, sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration at pagsasawalang bisa sa maritime claims ng China sa South China Sea. Pinasalamatan ni Rodriguez ang G7 sa pangunguna ng Estados Unidos sa kanilang suporta.… Continue reading G7 support sa arbitral ruling, magpapalakas sa claim ng Pilipinas sa disputed islands ayon sa isang mambabatas

PNP, naghahanda na sa pagdaraos ng Barangay at SK Elections

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan sa nakatakdang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, naka-template naman ang latag ng kanilang seguridad sa tuwing may mga gampaning panghalalan tulad ng Barangay at SK. Sa ngayon, mahigpit na binabantayan… Continue reading PNP, naghahanda na sa pagdaraos ng Barangay at SK Elections

Government Arsenal sa Bataan, binisita ni Defense OIC Carlito Galvez Jr.

Binisita ngayong araw ni Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang Government Arsenal sa Lalawigan ng Bataan. Dito, tiningnan ng Defense Chief ang sitwasyon ng pangunahing pagawaan ng armas at bala ng pamahalaan gayundin ay kinumusta niya ang mga tauhan nito. Kasunod nito, pinapurihan ng Defense Chief ang mga tauhan… Continue reading Government Arsenal sa Bataan, binisita ni Defense OIC Carlito Galvez Jr.