MMDA, pinag-aaralan kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue tuwing gabi

Wala pang detalyadong plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, tuwing gabi. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, pagsapit ng alas-10 ng gabi ay ipu-pull out na ang deployment ng mga tauhan sa Commonwealth. Pinag-aaralan aniya ng ahensya kung magdadagdag ng… Continue reading MMDA, pinag-aaralan kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue tuwing gabi

Updated calendar of activities, inilabas ng COMELEC

Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng updated “calendar of activities” para sa 2023 Barangay at Sanggunang Kabataan (BSK) Elections. Ayon sa Comelec, ito ay base narin sa kanilang Resolution No. 10902. Dahil dito ang “Election Period at Gun Ban” ay magsisimula na sa August 28 hanggang November 29, 2023. Habang ang paghahain ng… Continue reading Updated calendar of activities, inilabas ng COMELEC

Danyos sa oil spill na dulot ng MT Princess Empress, posibleng mahigitan pa ang compensation claims sa lumubog na MT Solar noong 2006

Hindi malayo na mahigitan pa ng MT Princes Empress ang compensation claim sa lumubog na MT Solar sa Guimaras noong 2006. Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nasa P1.1 billion ang danyos na binayaran ng MT Solar sa may 26,000 mahigit na compensation claims. Kaya naman kung ikokonsidera ang inflation at lawak ng pinsala… Continue reading Danyos sa oil spill na dulot ng MT Princess Empress, posibleng mahigitan pa ang compensation claims sa lumubog na MT Solar noong 2006

DMW, nakipag tie-up sa isang HMO company para sa dagdag na health coverage na ibibigay sa OFWs

Nakipagtie-up ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Health Maintenance Organization (HMO) provider. Ito ay para naman sa karagdagang health benefits na ibibigay sa overseas Filipino workers (OFWs) at sa kanilang pamilya. Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang paglagda ng isang partnership agreement sa mWell, sa pangunguna ng Chief Executive Officer nito na… Continue reading DMW, nakipag tie-up sa isang HMO company para sa dagdag na health coverage na ibibigay sa OFWs

9 na syudad sa Metro Manila at 1 karatig probinsya, 2 araw na babawasan ng Maynilad ng suplay ng tubig

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services Inc. sa lahat ng mga customer nito na dalawang araw silang magbabawas ng suplay ng tubig. Ito ay para mapreserba ang tubig mula sa mga dam na kanilang pinagkukunan ng suplay. Siyam na siyudad sa Metro Manila at isang lalawigan ang sakop ng magiging water Interruptions mula March 28… Continue reading 9 na syudad sa Metro Manila at 1 karatig probinsya, 2 araw na babawasan ng Maynilad ng suplay ng tubig

PCG, ayaw nang maging “last touch” sa mga papaalis na barko

Nanawagan ang Philippine Coast Guard (PCG) na tanggalin na sa kanila ang responsibilidad ng pre-departure inspection sa mga barko. Sa Balitaan sa Tinpayan pinaliwanag ni PCG Spokesperson Arman Balillo, na dapat ipaubaya na sa shipping companies at mga kapitan ng barko ang pag-check ng mga safety measure sa tuwing umaalis ang mga ito, gaya ng… Continue reading PCG, ayaw nang maging “last touch” sa mga papaalis na barko

Mental Health Services sa frontliners, inilunsad ng First Scout Ranger Regiment

Inilunsad ng First Scout Ranger Regiment (FSR) ang kanilang Behavioral Hygiene Hub (BHH) na magkakaloob ng mental health services sa mga tropa na nasa frontline. Sa pakikipagtulungan ng Neuro-Psychiatric Section ng Army General Hospital, nagsagawa ng Mobile Neuro-Psychiatric Testing at Physical/Medical Exam ang BHH team ng FSR sa mga sundalo ng 803rd Infantry Brigade, 8th… Continue reading Mental Health Services sa frontliners, inilunsad ng First Scout Ranger Regiment

Higit 19,000 apektado ng oil spill, nakikinabang na sa cash-for -work program ng DSWD

Aabot na sa 19,895 na mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at Antique ang kasalukuyang benepisyaryo ng Cash-for-Work (CFW) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill lalo na ang mga mangingisda. Idinideploy… Continue reading Higit 19,000 apektado ng oil spill, nakikinabang na sa cash-for -work program ng DSWD

Mahigit 55,000 mag-aaral sa Masbate, apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA — VP Sara Duterte

Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na umabot na sa 155 pampublikong paaralan sa Masbate ang pansamantalang nagpapatupad ng distance learning, dulot ng bakbakan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA). Ayon kay VP Sara, naapektuhan ang 55,199 learners at 2,815 school personnel mula sa anim na bayan dahil sa… Continue reading Mahigit 55,000 mag-aaral sa Masbate, apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA — VP Sara Duterte

Mahigit 1,000 motorista, nasampolan ng MMDA dahil sa paglabag sa Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Ave.

Sumampa na agad sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay sa unang araw ng pagpapatupad ng Exclusive Motorcycle Lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, ngayong araw. Batay sa datos ng MMDA mula nitong alas-12 ng tanghali, pumalo na sa 1,238 ang bilang ng… Continue reading Mahigit 1,000 motorista, nasampolan ng MMDA dahil sa paglabag sa Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Ave.