e-Gov PH Super App, malaking hakbang laban sa katiwalian—Pang. Marcos Jr.

Masaya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong mayroon ng e-governance super app na magpapabilis sa mga ginagawang transaksiyon sa pamahalaan. Sa naging talumpati ng Pangulo sa launching ng e-governance super app, sinabi nitong malaking hakbang din ito upang malabanan ang korupsiyon sa mga ginagawang transaksiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Sa pamamagitan aniya… Continue reading e-Gov PH Super App, malaking hakbang laban sa katiwalian—Pang. Marcos Jr.

Sen. Nancy Binay, nagpaliwanag sa hindi niya pagsali sa botohan para sa Maharlika Investment Fund Bill

Para kay Senadora Nancy Binay, marami pang mga katanungan na kailangang masagot tungkol sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill. Ito ang paliwanag ng Senadora kaya hindi siya sumali sa botohan o nag-abstain siya sa naging botohan ng Senado tungkol sa pag-apruba ng MIF bill. Paliwanag ni Binay, hindi siya ganap na makatutol o bumoto ng… Continue reading Sen. Nancy Binay, nagpaliwanag sa hindi niya pagsali sa botohan para sa Maharlika Investment Fund Bill

BAI, nag-endorso na ng bakuna kontra ASF sa FDA

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Animal Industry na may naiendorso na itong bakuna kontra African- swine fever o ASF sa Food and Drug Administration (FDA). Ayon kay BAI Asst Dir. Dr Arlene Vytiaco, naisumite na kahapon sa FDA ang rekomendasyon nito para sa AVAC ASF Live Vaccine na mula sa Vietnam. Ito matapos ang serye… Continue reading BAI, nag-endorso na ng bakuna kontra ASF sa FDA

UP Diliman, may ilang paalala sa mga kukuha ng UPCAT 2024

Naglabas ng ilang paalala ang University of the Philippines Diliman Campus sa mga estudyanteng kukuha ng UP College Admission Test (UPCAT) sa Sabado at Linggo, June 3-4, 2023. Matapos ang tatlong taon ay ngayon nalang ulit gaganapin ang UPCAT kung saan inaasahang aabutin ng 33,000 ang examinees kada araw. Magsisilbing testing centers ang ilan sa… Continue reading UP Diliman, may ilang paalala sa mga kukuha ng UPCAT 2024

Department of Tourism, tiwalang susunod na major tourism gateway sa bansa ang Clark, Pampanga

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na mas lalong lalakas ang turismo sa bansa kapag susuportahan ang Clark, Pampanga bilang susunod na major getaway sa bansa. Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, mahalagang madagdagan pa ang international at domestic flights sa Clark International Airport. Aniya, may sapat nang mga imprastraktura sa Clark para sa pagpasok… Continue reading Department of Tourism, tiwalang susunod na major tourism gateway sa bansa ang Clark, Pampanga

Sec. Abalos, pumanig sa PNP sa gitna ng alegasyon ng “torture” ng mga suspek sa Degamo killing

Sinuportahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang PNP sa gitna ng mga alegasyon ng mga suspek sa Degamo killing na “tinorture” umano sila ng mga pulis para paaminin. Sa isang ambush interview sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni Abalos na nakausap na niya si PNP Chief Police… Continue reading Sec. Abalos, pumanig sa PNP sa gitna ng alegasyon ng “torture” ng mga suspek sa Degamo killing

Mobile Learning Resource Hub sa Makati City, binuksan na

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Makati ang Mobile Learning Resource Hub sa Makati Elementary School. Pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang ceremonial launching nito ngayong araw. Ayon kay Binay, bahagi ito ng inisyatibo ng Makati LGU para mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga kabataan. Sa pamamagitan ng Mobile Learning Resource Hub, ipapamahagi… Continue reading Mobile Learning Resource Hub sa Makati City, binuksan na

Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa planong ihiwalay ang Internal Affairs Service (IAS) sa Philippine National Police upang mas epektibo nitong magampanan ang kanyang mandato. Ito ang sinabi ni kalihim sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program… Continue reading Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Higit 7K National ID na nasunog sa Manila Central Post Office, target mapalitan sa Hunyo

Target ng pamaahalaan na sa buwan ng Hunyo, mapapalitan na ang 7, 500 na National ID ng mga taga-Maynila, na kasamang nasunog sa tanggapan ng Manila Central Post Office, ika-21 ng Mayo. “We target that sometime in June, mari-release na namin iyan sa PhilPost para ma-deliver sa mga registrants.” —Solesta. Sa briefing ng Laging Handa,… Continue reading Higit 7K National ID na nasunog sa Manila Central Post Office, target mapalitan sa Hunyo

Negros Oriental Gov. Reyes, patuloy na magsisilbing inspirasyon–Pangulong Marcos Jr.

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamilya at malalapit sa buhay ng pumanaw na si Negros Oriental Governor Carlo Reyes. Nasawi ang gobernador, kahapon, ika-31 ng Mayo, dahil sa matagal ng karamdaman, sa edad na 62. Ayon sa Pangulo, nakakalungkot ang balitang ito. Umaasa si Pangulong Marcos na ang alaala at… Continue reading Negros Oriental Gov. Reyes, patuloy na magsisilbing inspirasyon–Pangulong Marcos Jr.