National Privacy Commission, magsasagawa rin ng imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Gcash app noong weekend

Gagawa rin ng sarili nilang imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa nangyaring glitch sa mga account ng Gcash users noong weekend.  Sa isang statement, sinabi ng NPC na kanilang sisilipin kung may nangyaring paglabag sa data privacy ng mga customers ng Globe Xchange Inc ang siyang operator ng Gcash app.  Nais malaman ng… Continue reading National Privacy Commission, magsasagawa rin ng imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Gcash app noong weekend

Higit 50 ektarya ng sakahan, naapektuhan ng bagyong Nika — DA

Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng pinsala sa sektor ng pagsasaka dahil sa umiiral na bagyong Nika. Batay sa inilabas nitong inisyal na assessment mula sa DA-DRRM, aabot na sa 50 ektarya ng sakahan ang naapektuhan ng bagyo sa Central Luzon. Katumbas ito ng tinatayang ₱860,000 ang halaga ng pinsala sa mga sakahan… Continue reading Higit 50 ektarya ng sakahan, naapektuhan ng bagyong Nika — DA

DOJ, wala pang impormasyon sa pagpapabalik sa bansa kay dating PCSO General Manager Garma 

Hindi pa makapagbibigay ng impormasyon si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla kung kailan maibabalik ng bansa si dating PCSO General Manager Royima Garma.  Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na marami pang mga aayusing dokumento sa Estados Unidos bago maipa-deport sa Pilipinas ang retiradong colonel.  Si Garma ay inaresto sa Amerika… Continue reading DOJ, wala pang impormasyon sa pagpapabalik sa bansa kay dating PCSO General Manager Garma 

Task Force on Extra Judicial Killings, nagsimula nang magtrabaho — Justice Sec. Remulla 

Sinimulan na ng binuong Task Force on Extra Judicial Killings ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs noong nakaraang administrasyong Duterte.  Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nangangalap na ng mga ebidensya ang Task Force EJK para simulan ang pagbuo ng kaso.  Ang Task Force EJK ay pinamumunuan ni Prosecutor General Richard Anthony… Continue reading Task Force on Extra Judicial Killings, nagsimula nang magtrabaho — Justice Sec. Remulla 

Bagyong Ofel, malapit na sa Super Typhoon Category; posibleng mag-landfall na rin mamayang hapon

Patuloy ang paglakas ng bagyong Ofel na malapit na sa Super Typhoon Category. Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 215 km silangan ng Echague, Isabela taglay ang lakas ng hanging aabot sa 165 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 205 km/h. Nakataas na ang Signal no.… Continue reading Bagyong Ofel, malapit na sa Super Typhoon Category; posibleng mag-landfall na rin mamayang hapon

Dating PCSO General Manager Garma, nakalabas ng Pilipinas dahil walang Hold Departure Order o Lookout Bulletin Order laban dito

Inamin ng Bureau of Immigration na alam nilang papalabas ng Pilipinas si dating PCSO General Manager Royina Garma pero hindi nila ito napigilan dahil walang Hold Departure Order (HDO) o Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban dito. Sa naging plenary deliberation para sa panukalang pondo ng Department of Justice (DOJ), kung saan attached agency ang… Continue reading Dating PCSO General Manager Garma, nakalabas ng Pilipinas dahil walang Hold Departure Order o Lookout Bulletin Order laban dito

Nasa 100,000 POGO workers, di pa napapa-deport — Bureau of Immigration

Nasa 100,000 mga dayuhang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) employees ang hindi pa napapa-deport base sa datos ng Bureau of Immigration (BI). Ito ang ibinahagi ni Senador Grace Poe, na siyang tumatayong sponsor ng panukalang 2025 budget ng Department of Justice (DOJ), sa naging pagtalakay sa plenaryo ng panukalang 2025 budget ng ahensya kung saan… Continue reading Nasa 100,000 POGO workers, di pa napapa-deport — Bureau of Immigration

Philippine Eagle Chick No.30, isinilang sa National Bird Breeding Sanctuary sa Davao City

Inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang matagumpay na pagkapisa ng Philippine Eagle Chick #30 sa National Bird Breeding Sanctuary (NBBS) sa Brgy. Eden, Toril District, lungsod ng Davao. Ayon sa impormasyon mula sa PEF, ang nasabing hatchling ay binuhay sa pamamagitan ng artificial insemination at sumailalim sa 56-day incubation period ang itlog sa tulong… Continue reading Philippine Eagle Chick No.30, isinilang sa National Bird Breeding Sanctuary sa Davao City

5th SLP Congress ng DSWD-FO1, matagumpay na binuksan sa Pangasinan

Matagumpay ang pagbubukas ng apat na araw na Sustainable Livelihood Program (SLP) Congress sa bayan ng Bayambang, Pangasinan, na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Field Office 1. Nagsilbing panauhing pandangal sa aktibidad si DSWD Assistant Secretary for Specialized Programs Under Operations Group Florentino Loyola Jr. Sa kanyang mensahe, ang tema… Continue reading 5th SLP Congress ng DSWD-FO1, matagumpay na binuksan sa Pangasinan

Panukala para bumuo ng Department of Disaster Resilience, lusot na sa komite sa Kamara

Tuluyan nang naaprubahan ang technical working group (TWG) report para sa panukala na bubuo ng Department of Disaster Resilience (DDR). Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, tagapamuno ng TWG, ang naitalang nasawi sa bagyong Kristine ay nagpapakita ng kahalagahan ng kahandaan sa kalamidad na magiging posible lang kung mayroong isang matatag na institusyon. “Good institutions… Continue reading Panukala para bumuo ng Department of Disaster Resilience, lusot na sa komite sa Kamara