Bagyong Leon, lalo pang lumakas; Signal no. 3, nakataas na sa Batanes at Babuyan Islands

Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 395 km silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 165 km/h at pagbugsong hanggang 205 km/h. Inilagay na sa Signal no. 3 ang Batanes at eastern portion ng Babuyan Islands. Signal no. 2 naman sa: Nalalabing bahagi… Continue reading Bagyong Leon, lalo pang lumakas; Signal no. 3, nakataas na sa Batanes at Babuyan Islands

BSP, nananatiling committed na suportahan ang pagsisikap para maialis ang bansa sa Financial Action Task Force ‘grey list’

Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang commitment at dedikasyon na palakasin ang integridad ng sistemang pinansyal upang tuluyan nang makalaya sa Financial Action Task Force (FATF) “grey list” ang bansa. Kasama sa pagsisikap na ito ang pagpapalawak ng BSP ng kanilag oversight sa money service business at pagpapatibay ng mga sanctions framework… Continue reading BSP, nananatiling committed na suportahan ang pagsisikap para maialis ang bansa sa Financial Action Task Force ‘grey list’

Mga salaysay ni dating Pangulong Duterte sa Senado, dapat aksyunan at siyasatin ng iba’t ibang institusyong pang hustisya ng bansa — Young Guns Bloc

Dahil sa inaako na ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga patayang nangyari sa ilalim ng war on drugs noong kaniyang administrasyon, naniniwala ang Young Guns Bloc na maaari itong gamitin sa pagsasampa ng kaso. Ayon kay Deputy Majority Leader Jude Acidre ang pag-amin ng dating Pangulo sa harap ng publiko ay sapat… Continue reading Mga salaysay ni dating Pangulong Duterte sa Senado, dapat aksyunan at siyasatin ng iba’t ibang institusyong pang hustisya ng bansa — Young Guns Bloc

No Leave Policy, ipinatupad ng CAAP sa mga tauhan nito

Para mabigyan ng de-kalidad at maayos na serbisyo ang milyong pasaherong babyahe ngayong Undas 2024, ay ipinatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa hanay nito ang No Leave Policy. Ayon sa CAAP, layon din nito na masiguro ang highest standards ng safety, reliability, at comfort para sa lahat ng byahero. Naka-standby na… Continue reading No Leave Policy, ipinatupad ng CAAP sa mga tauhan nito

Mahigit 2 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa iba’t ibang paliparan sa bansa

Aabot sa mahigit dalawang milyong pasahero ang inaasahang buhos ng pasahero ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ngayong Undas 2024. Base sa kanilang tala, nitong 2023, nakapag-record sila ng 2.1 million passengers na bumyahe mula October hanggang November. Ito ay mas mataas sa 1.9 million na kanilang naitala noong 2022. Ngayong taon inaasahan… Continue reading Mahigit 2 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa iba’t ibang paliparan sa bansa

Kauna-unahang Progreso Village, itatayo sa Valenzuela

Screenshot

Katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang National Housing Authority ay tuloy na ang pagtatayo ng in-city housing ng Valenzuela local government sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program. Ngayong araw, pinangunahan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, DHUSD Undersecretary Gary De Guzman at NHA General Manager Joeben Tai… Continue reading Kauna-unahang Progreso Village, itatayo sa Valenzuela

American carrier, lumapag sa Mactan-Cebu International Airport sa unang pagkakataon

Nagtala ng kasaysayan ang Mactan Cebu International Airport matapos lumapag sa paliparan sa Lapu-Lapu City ang isang American carrier. Mula sa Gate 34 ng Tokyo Narita International Airport Terminal 1, pormal na inilunsad ng United Airlines ang pinakaunang nonstop daily flight ng isang American airline sa MCIA. Sinalubong ng grand water cannon salute ang United… Continue reading American carrier, lumapag sa Mactan-Cebu International Airport sa unang pagkakataon

CAAP, itinaas na ang security alert nito bilang paghahanda sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024

Naka-heightened security na ngayon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang lahat ng airports sa ilalim nito bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024 ng Department of Transportation (DOTr). Ayon sa CAAP, inaasahan na nila ang dagsa ng mga pasahero ngayong Undas dahilan kaya inatasan na anila ang lahat ng kanilang… Continue reading CAAP, itinaas na ang security alert nito bilang paghahanda sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024

MRT-3, naka-Heightened Alert mula Oct. 31-Nov. 5

Alinsunod sa Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Undas ay ilalagay rin sa Heightened Alert ang seguridad sa buong linya ng MRT-3 mula October 31 hanggang November 5. Ito ay para masigurong ligtas, maayos, at komportable ang biyahe ng mga pasaherong inaasahang magsisiuwian sa mga probinsya para sa paggunita ng okasyon. Ayon… Continue reading MRT-3, naka-Heightened Alert mula Oct. 31-Nov. 5

Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine, sumampa na sa 125 — OCD

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine. Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 8am, mula sa 116 kahapon, sumampa na ngayon sa 125 ang mga napaulat na nasawi mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Sa naturang bilang ng… Continue reading Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine, sumampa na sa 125 — OCD