Mahigit 20,000 residente sa Western Visayas, apektado ng Bagyong Kristine ayon sa OCD-6

Nasa 4,602 pamilya o 20,403 residente sa Western Visayas ang apektado ng Bagyong Kristine. Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 6. Ang mga apektadong residente ay mula sa 83 barangay sa mga probinsya ng Iloilo, Negros Occidental, Capiz, at Aklan. Karamihan sa mga apektadong residente ay nasa evacuation… Continue reading Mahigit 20,000 residente sa Western Visayas, apektado ng Bagyong Kristine ayon sa OCD-6

DSWD, nakapagpaabot na ng higit ₱55-M tulong sa mga apektado ng bagyong Kristine

Aabot na sa ₱55-M ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang nakararanas ng epekto ng bagyong Kristine. Ayon sa DSWD, karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs. Inilalaan naman ito sa mga rehiyong labis na tinamaan kabilang ang… Continue reading DSWD, nakapagpaabot na ng higit ₱55-M tulong sa mga apektado ng bagyong Kristine

34 na water filtration machines, nakatakda nang dalhin ng OCD sa Bicol para magbigay ng malinis na tubig

Handa na ang may 34 na water filtration machines na binili ng Office of Civil Defense (OCD) na siyang ipadadala sa Bicol Region na siyang matinding hinagupit ng bagyong Kristine. Ayon kay OCD Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, dadalhin ang mga naturang makina sa mga evacuation center para makapagbigay ng malinis na tubig. Tugon ito… Continue reading 34 na water filtration machines, nakatakda nang dalhin ng OCD sa Bicol para magbigay ng malinis na tubig

Higit 100 pamilya, inilikas sa Brgy. Roxas, QC dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Krisitne

Pansamantala ngayong nananatili sa dalawang evacuation center sa Brgy Roxas, Quezon City ang nasa 114 na pamilya o higit 400 residente na inilikas kasunod ng buhos ng ulang dala ng bagyong Kristine. Isa ito sa mga barangay sa lungsod na madalas binabaha kapag may bagyo. Kaninang madaling araw, nagkasa ng rescue efforts ang mga tauhan… Continue reading Higit 100 pamilya, inilikas sa Brgy. Roxas, QC dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Krisitne

Coast Guard, nagdagdag ng mga tauhan sa Bicol Region para tumulong sa recovery operation 

Nagpadala ng dagdag pwersa ang Philippine Coast Guard-Southern Tagalog sa Bicol Region para tumulong sa ginagawang search and rescue operations matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine doon.  Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, ang dagdag pwersa na ipinadala ay nakatuon sa operational capabilities para magsagawa ng rescue operation.  Dala rin nila ang iba pang… Continue reading Coast Guard, nagdagdag ng mga tauhan sa Bicol Region para tumulong sa recovery operation 

Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine sa Bicol, umakyat na sa 7 — PNP

Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region. Ito ang ipinabatid ni Police Regional Office-5 Director, PBGen. Andre Dizon sa Kampo Crame ngayong umaga. Ayon kay Dizon, maliban sa mga nasawi ay nasa pito rin ang naitala nilang nasugatan dahil sa bagyo habang may dalawa… Continue reading Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine sa Bicol, umakyat na sa 7 — PNP

Presyo ng itlog sa Marikina Public Market, tumaas ng hanggang ₱2

Umaaray ngayon ang ilang nagtitinda ng itlog sa Marikina Public Market. Anila, ₱1 hanggang ₱2 ang itinaas ng kada piraso ng itlog. Nangangahulugan ito ng ₱30 hanggang ₱60 ang taas-presyo sa kada tray na mayroong 30 piraso. Ang medium size na itlog halimbawa, mula sa dating ₱180 ang kada tray ngayon ay nasa ₱250 na.… Continue reading Presyo ng itlog sa Marikina Public Market, tumaas ng hanggang ₱2

Halos 36,000 paaralan, apektado ng bagyong Kristine — DepEd

Tinatayang aabot sa 35,973 na mga paaralan sa 15 rehiyon sa buong bansa ang apektado ng bagyong Kristine. Batay ito sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Education (DepEd). Sa nasabing bilang, 214 dito ang mga paaralang ginagamit bilang evacuation centers habang nasa 132 naman na mga paaralan ang binaha o di kaya’y natabunan… Continue reading Halos 36,000 paaralan, apektado ng bagyong Kristine — DepEd

Unang alarma, itinaas sa Ilog Marikina

Sa hudyat ng sirena, itinaas na ng Marikina LGU ang unang alarma sa Ilog Marikina ganap na alas-4 ngayong umaga. Ito’y bunsod pa rin ng walang patid na pag-ulang dala ng bagyong Kristine. Sa pagbabantay ng Radyo Pilipinas, sumampa na sa 15.1 meters ang lebel ng tubig sa ilog. Nangangahulugang kailangan nang maghanda ang mga… Continue reading Unang alarma, itinaas sa Ilog Marikina

DSWD, nanawagan na ng volunteers para sa repacking ng food packs na ihahatid sa mga apektado ng bagyong Kristine

DSWD, nanawagan na ng volunteers para sa repacking ng food packs na ihahatid sa mga apektado ng bagyong Kristine Humiling na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa karagdagang volunteers sa ongoing na repacking ng family food packs na ihahatid sa mga biktima ng hagupit ng bagyong Kristine. Sa inilabas… Continue reading DSWD, nanawagan na ng volunteers para sa repacking ng food packs na ihahatid sa mga apektado ng bagyong Kristine