Mga inisyatibong ikinasa ni PBBM sa sektor ng agrikultura, ramdam at nakikita sa patuloy na pagbagal ng inflation — PCO

Patuloy na nagbubunga ang mga hakbang at inisyatibong ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa agricultural sector. Sa ulat na inilahad ng Presidential Communications Office (PCO), ipinresenta nito ang naitalang pinakamababang inflation rate sa nakalipas na apat na taon na umabot sa 1.9%. Kasama ding binanggit sa ulat na kahit ang karaniwang sanhi… Continue reading Mga inisyatibong ikinasa ni PBBM sa sektor ng agrikultura, ramdam at nakikita sa patuloy na pagbagal ng inflation — PCO

Economic standing ng Pilipinas, patuloy na gumaganda — PEZA

Maganda at patuloy na gumaganda ang estado ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging sustainable manufacturing hub ang bansa. Ito ang sinabi ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na kung standing ng Gross Domestic Product (GDP) ang pag-uusapan, ay hindi patatalo ang… Continue reading Economic standing ng Pilipinas, patuloy na gumaganda — PEZA

60% ng sahod ng 500 SPES beneficiaries sa Laguna, ipinamahagi

Ipinamahagi ng Laguna Provincial Government ang 60% ng sahod ng limang daang mag-aaral na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES, matapos silang magtrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Ayon sa Laguna Provincial Information Office, ang mga mag-aaral ay mula sa ikatlong at ikaapat na distrito ng Laguna at nagtrabaho ng… Continue reading 60% ng sahod ng 500 SPES beneficiaries sa Laguna, ipinamahagi

Embahada ng Pilipinas sa Israel, naglabas ng paalala para sa mga Pilipino tuwing may drone alert

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino sa nasabing bansa partikular sa tuwing may unmanned air vehicle o drone alert. Ayon sa Embahada ng Pilipinas,  mahalagang malaman ng mga Pilipino kung ano ang dapat gawin sa tuwing may ganitong sitwasyon. ☑️Una, anila, ay dapat alam ng mga Pinoy na sa oras na ma-monitor… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Israel, naglabas ng paalala para sa mga Pilipino tuwing may drone alert

PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan

Magpapatuloy ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan. Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA na inilabas kaninang 8:16 AM, katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin ang iiral sa Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Metro Manila, Pampanga, Tarlac, at Cavite. Ayon sa PAGASA, mararanasan ang… Continue reading PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan

Undas 2024, pinaghahandaan na rin ng Valenzuela LGU

Nagsimula na ring maglatag ang Valenzuela local government ng mga paghahanda para sa Ligtas Undas 2024. Nakipagpulong na si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa department heads at mga punong barangay para sa nalalapit na paggunita ng Undas sa lungsod. Kasama sa tinalakay ang mga hakbang na kinakailangan upang masiguro ang kaayusan ng lungsod at seguridad… Continue reading Undas 2024, pinaghahandaan na rin ng Valenzuela LGU

2 phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Patuloy pa rin sa abnormal na aktibidad ang Bulkang Taal sa Batangas. Sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa dalawang phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam ang naitala mula sa main crater ng Bulkang Taal. Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng tatlo hanggang 13 minuto ang naturang phreatic eruption na bunsod pa rin ito… Continue reading 2 phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan na bukas

Masakit at mahapdi sa bulsa ang mararanasan ng mga Pilipinong motorista bukas. Ayon kasi sa oil company na UniOil, mahigit ₱2 ang dapat asahang taas-presyo sa lahat ng produktong petrolyo bukas. Ito ay tumugma sa naging forecast ng Department of Energy (DOE) noong isang linggo kung saan nasa ₱2:00-₱2.35 ang posibleng taas-presyo sa kada litro… Continue reading Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan na bukas

PNP, pupulungin ng bagong DILG Chief ngayong araw

Pupulungin ngayong araw ng bagong Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw. Ito’y sa pamamagitan ng kauna-unahang Command Conference sa hanay ng Pambansang Pulisya na gagawin sa Kampo Crame mamayang alas-12 ng tanghali. Dito, inaasahang ipakikilala ni PNP… Continue reading PNP, pupulungin ng bagong DILG Chief ngayong araw

PNP Chief Marbil, nanawagan sa mga dati nilang pinuno na ipaliwanag ang kanilang naging papel sa anti-drug campaign ng pamahalaan

Umaapila si Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil sa kanilang mga dating pinuno na ipaliwanag ang kanilang naging papel sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Ito’y kasunod ng pagbubunyag ni dating Police Lieutenant Colonel gayundin ay dating PCSO General Manager Royina Garma sa Quad Committee Hearing ng Kamara noong isang linggo ang tungkol… Continue reading PNP Chief Marbil, nanawagan sa mga dati nilang pinuno na ipaliwanag ang kanilang naging papel sa anti-drug campaign ng pamahalaan