Navotas LGU, magtatayo ng Super Health Center at Bahay Kalinga

Plano ng Navotas local government unit na magtayo ng isang Super Health Center at Bahay Kalinga sa lungsod. Inanunsyo ito ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na itatayo sa Brgy. NBBS Kaunlaran mula sa lupang donasyon ng National Housing Authority. Ayon sa alkalde, sa tulong ng Super Health Center, ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga… Continue reading Navotas LGU, magtatayo ng Super Health Center at Bahay Kalinga

Pagtitipid ng tubig sa harap ng banta ng El Niño dry spell, panawagan na rin ng Ecowaste

Nakikiisa na rin ang zero waste advocacy group na EcoWaste Coalition sa panawagan ng pamahalaan na magtipid at maging responsable sa pagkonsumo ng tubig sa harap ng banta ng El Niño. Ginawa ng grupo ang apela kasunod ng inilabas na water conservation guidelines ngDepartment of Environment and Natural Resources – Water Resources Management Office (DENR-WRMO).… Continue reading Pagtitipid ng tubig sa harap ng banta ng El Niño dry spell, panawagan na rin ng Ecowaste

Refund sa bill deposit, sinimulan na ng MORE sa electric consumers nito sa Iloilo City

Sinimulan na ng More Electric and Power Corporation ang second round ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer”. Inisyatibo ito ng kumpanya para ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon. Unang nagpatupad ng refund… Continue reading Refund sa bill deposit, sinimulan na ng MORE sa electric consumers nito sa Iloilo City

Pagtugis kina dating BuCor Dir. Gen. Bantag at Ricardo Zulueta, paiigtingin ng bagong liderato ng NCRPO

Paiigtingin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang pagtugis kina dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag gayundin sa dating Deputy Security Officer nitong si Ricardo Zulueta. Ito ang inihayag ng bagong NCRPO Director, P/Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. makaraang ihayag nito na bumuo na sila ng isang tracker… Continue reading Pagtugis kina dating BuCor Dir. Gen. Bantag at Ricardo Zulueta, paiigtingin ng bagong liderato ng NCRPO

MOU, muling nilagdaan ng Pilipinas at Austria para itaguyod ang karapatan ng mga healthcare worker

Muling lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Austria bilang pagpapatibay na rin ng maganda at matatag na ugnayan ng dalawang bansa. Sa ilalim ng nasabing kasunduan, muling pinagtibay ng Vienna at Maynila ang recruitment ng mga Pilipino nurse na una nang itinaguyod ng dalawang bansa mahigit 50 taon nang nakalilipas. Pinangunahan… Continue reading MOU, muling nilagdaan ng Pilipinas at Austria para itaguyod ang karapatan ng mga healthcare worker

Mga ahensyang magiging masinop sa pagkonsumo ng tubig, planong bigyan ng incentive

Pinaplano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Water Resources Management Office (WRMO) na magbigay ng incentive sa mga ahensya ng pamahalaan na masinop sa pagkonsumo ng tubig ngayong may banta ng El Niño sa bansa. Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, isa ito sa mga istratehiyang ikinokonsidera ng ahensya para mahikayat ang… Continue reading Mga ahensyang magiging masinop sa pagkonsumo ng tubig, planong bigyan ng incentive

Planta ng yelo sa Navotas na nagka-ammonia leak, pansamantalang isinara

Kinordonan na ng mga awtoridad ang isang planta ng yelo sa Navotas City na nagkaroon ng ammonia leak kaninang maghahating-gabi. Ito ay para magbigay daan sa ikakasang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa rason kung bakit nagkaroon ng ammonia leak incident sa 168 Tube Ice na nasa Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.… Continue reading Planta ng yelo sa Navotas na nagka-ammonia leak, pansamantalang isinara

Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagsadsad

Muli na namang natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa datos ng PAGASA Hydrome­teorology Division, sumadsad pa sa 178.21 meters ang water level sa naturang dam as of 6am. Katumbas ito ng tapyas na 59 cubic meters per second kumpara sa 178.80 water elevation kahapon. Halos dalawang metrong mas mababa na rin… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagsadsad

Sen. Bong Go, suportado ang pagpapasa ng Freedom of Information Bill

Napapanahon nang magkaroon ng Freedom of Information (FOI) Law ang Pilipinas ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go. Ayon kay Go, tatlong dekada nang nakapending sa Senado ang FOI Bill kaya naman dapat na itong maisabatas. Pinunto ng senador na bagamat may executive order na ngayong umiiral para sa FOI, ito naman ay para lang sa… Continue reading Sen. Bong Go, suportado ang pagpapasa ng Freedom of Information Bill

Regulasyon sa pangongolekta ng online lending apps, itinutulak

Naghain ng panukala si Davao City Representative Paolo Duterte at dalawang iba pang kongresista upang matigil na ang ginagawang pagbabanta at pamamahiya ng lending companies sa kanilang paniningil sa mga umutang. Dismayado ang mambabatas na sa kabilang ng kampanya ng gobyerno laban sa mga pasaway na lending company ay marami pa rin ang nabibiktima nito.… Continue reading Regulasyon sa pangongolekta ng online lending apps, itinutulak