Bagong tourism slogan ng Pilipinas, suportado ng House panel chair

Suportado ni House Committee on Tourism Chair at Romblon Representative Eleandro Jesus Madrona ang bagong tourism slogan ng Department of Tourism (DOT). Aniya, mas may lalim ang kahulugan ng bagong slogan na “Love the Philippines” dahil sa tumatagos aniya ito sa puso ng bawat Pilipino. Ipinapakita at ipinamamalas kasi aniya nito ang pagiging hospitable, magalang,… Continue reading Bagong tourism slogan ng Pilipinas, suportado ng House panel chair

Partylist solon, binigyan ng ‘outstanding’ na marka ang unang taon ni PBBM sa pwesto

Para kay KABAYAN Party-list Representative Ron Salo, ‘outstanding’ ang unang taon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa puwesto dahil sa dami ng kaniyang accomplishment sa loob lamang ng 12 buwan. Una rito ay napagkaisa aniya ni PBBM ang mga Pilipino matapos ang aniya’y ‘divisive’ na eleksyon. “In a year, His Excellency President BBM has… Continue reading Partylist solon, binigyan ng ‘outstanding’ na marka ang unang taon ni PBBM sa pwesto

Mobilization Exercise ng Naval Forces Northern Luzon, sinimulan sa Cagayan

Inilunsad kahapon ng Naval Forces Norther Luzon (NFNL) ang kanilang apat na araw na Mobilization Exercise o MOBEX 2023, sa Naval Base Camilo Osias, Santa Ana, Cagayan. Layon ng ehersisyo na mahasa ang kapabilidad ng Naval Reserve Force, bilang paghahanda sa anumang kaganapan na mangangailangan ng mabilisang mobilisasyon ng mga pwersa. Ang pagsasanay ay nakatuon… Continue reading Mobilization Exercise ng Naval Forces Northern Luzon, sinimulan sa Cagayan

Panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign, sinang-ayunan ni Sen. Hontiveros

Nakiisa si Senador Risa Hontiveros sa international community sa panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign ng pamahalaan. Sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, sinabi rin ni Hontiverso na nakikiisa siya sa mga bikitma ng war on drugs sa paghahanap ng hustisya, pagsasagawa ng mga polisiyang evidence-based at gender… Continue reading Panawagang wakasan na ang “war on drugs” campaign, sinang-ayunan ni Sen. Hontiveros

Pagkakatalaga kay Atty. Larry Gadon bilang isang Presidential adviser, nasa discretion ni PBBM — Sen. Escudero

Binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lang ang makapagsasabi kung nararapat ba si Atty. Larry Gadon sa ibinigay sa kanyang posisyon sa gobyerno. Ito ang tugon ng senador sa pagkaka-appoint kay Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation. Ayon kay Escudero, ang pagiging adviser sa Pangulo ay isang co-terminus… Continue reading Pagkakatalaga kay Atty. Larry Gadon bilang isang Presidential adviser, nasa discretion ni PBBM — Sen. Escudero

Raid sa isang POGO hub sa Las Piñas, patunay na sangkot ang mga POGO sa mga kriminal na aktibidad — Sen. Gatchalian

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na ang pinakabagong raid ng Kapulisan sa isang Philippine Offshore Gaming operator (POGO) hub ay isa na namang patunay kung bakit hindi na dapat pahintulutan ang operasyon ng mga POGO sa Pilipinas. Ipinunto ni Gatchalian na ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakasagip ng higit 2,000 manggagawang Pinoy at mga… Continue reading Raid sa isang POGO hub sa Las Piñas, patunay na sangkot ang mga POGO sa mga kriminal na aktibidad — Sen. Gatchalian

DOLE, namahagi ng livelihood packages sa 4Ps graduates sa Mandaluyong

Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng livelihood packages sa mga 4Ps graduates sa Barangay Addition Hills, Lungsod ng Mandaluyong kaninang umaga. Ayon kay DOLE Assistant Regional Director Atty. Jude Thomas Trayvilla, nasa 28 Bigasan Package, dalawang Karinderya Package, apat na Nego karts, at isang Tailoring Package ang naipamahagi sa Brgy. Addition Hills… Continue reading DOLE, namahagi ng livelihood packages sa 4Ps graduates sa Mandaluyong

Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Mawawalan ng tubig simula mamayang 9:30 ng gabi ang ilang bahagi ng Lungsod ng Makati dahil sa isasagawang line meter replacement ng Manila Water. Batay sa inilabas nitong advisory, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Valenzuela, Brgy. Poblacion, at Brgy. Olympia. Magtatagal ang nasabing maintenance activity hanggang alas-3 ng madaling araw bukas. Nagpaalala naman… Continue reading Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Posibleng mass layoff ng Grab, ikinabahala ng isang mambabatas

Nababahala si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano sa nakaambang mass layoff ng Grab sa mga empleyado nito sa Pilipinas. Ayon sa Metro Manila Development Committee Chair, nakatanggap siya ng impormasyon na plano ng Grab Singapore na magtanggal ng may 1,000 employees nito sa mga bansa kung saan ito mayroong operasyon. Ani Valeriano, tila taliwas… Continue reading Posibleng mass layoff ng Grab, ikinabahala ng isang mambabatas

Farmgate price ng palay, bahagyang tumaas nitong Abril — PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagtaas sa average farmgate price ng palay para sa buwan ng Abril. Batay sa datos nito, tumaas sa ₱18.79 ang average farmgate price ng palay sa nationa level, mas mataas ng 1.2% kung ikukumpara sa ₱18.57 kada kilo na palay farmgate price noong Marso. Mas mataas rin… Continue reading Farmgate price ng palay, bahagyang tumaas nitong Abril — PSA