Singapore, nananatiling strong partner ng Pilipinas lalo ngayong nasa transition ang global economy — PBBM

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  very strong partner ng Pilipinas ang Singapore lalo na ngayong nasa yugto na aniya ng transition hinggil sa global economy. Sa pagtanggap ng Pangulo sa credentials ni Constance See Sin Yuan bilang  Ambassador-Designate of the Republic of Singapore to the Philippines, binigyang-diin ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan… Continue reading Singapore, nananatiling strong partner ng Pilipinas lalo ngayong nasa transition ang global economy — PBBM

Evacuation centers, inihanda na ng DSWD kasunod ng pagtataas sa Alert Level 3 sa Bulkang Mayon

Agad nang kumilos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para paghandaan ang evacuation plan sa gitna ng banta ng Bulkang Mayon na nakataas na sa Alert level 3. Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Field Office sa Bicol Region na magdeploy ng 1,500 malalaking tents para sa mga evacuee na ililikas… Continue reading Evacuation centers, inihanda na ng DSWD kasunod ng pagtataas sa Alert Level 3 sa Bulkang Mayon

Mga magsasaka sa Bicol, inalerto na ng DA sa banta ng Bulkang Mayon

Nagpaalala na rin ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka partikular sa Bicol Region kaugnay ng nagbabadyang banta ng Bulkang Mayon. Kasunod ito ng pagtaas sa Alert Level 3 ng estado ng bulkan dahil sa patuloy na abnormalidad nito at pagdami ng rockfall events. Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) Regional… Continue reading Mga magsasaka sa Bicol, inalerto na ng DA sa banta ng Bulkang Mayon

PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila, karatig lalawigan

Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan. Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inisyu kaninang 6:04am, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa MetroManila, Quezon, Bataan, at Rizal Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob ng dalawang… Continue reading PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila, karatig lalawigan

Taguig City LGU, isasara ang ilang bahagi ng C6 Road sa trapiko para sa Community Bike Ride ng lungsod bukas

Naglabas ng traffic advisory ang Lungsod ng Taguig dahil pansamantalang isasara ang ilang bahaging bahagi ng Northbound Lane ng C6 Road para sa isasagawang Community Bike Ride bukas. Pansamantalang sarado ang bahagi ng C6 Road Northbound mula 4:30 ng umaga hanggang 8:30 ng umaga at pinayuhan ang mga motoristang dadaan mula Lower Bicutan hanggang Baybreeze… Continue reading Taguig City LGU, isasara ang ilang bahagi ng C6 Road sa trapiko para sa Community Bike Ride ng lungsod bukas

TESDA, BSP, BDO Foundation, target palakasin ang financial literacy ng tech-voc learners

Target ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at BDO Foundation na palakasin pa ang financial health and capability ng higit apat na milyong technical-vocational learners sa pamamagitan ng libreng online course. Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, mahalaga ang financial literacy upang maihanda ang… Continue reading TESDA, BSP, BDO Foundation, target palakasin ang financial literacy ng tech-voc learners

Chinese vessels na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas, dapat na ring umalis matapos umalis sa karagatang sakop ng Vietnam

Nanawagan si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa China na atasan ang kanilang Navy, Coast Guard, at militia vessels na nasa loob ng 200 mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na umalis na. Ang panawagan ng kongresista ay kasunod ng paglisan ng Chinese research ship at iba pa nitong escort vessel sa EEZ… Continue reading Chinese vessels na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas, dapat na ring umalis matapos umalis sa karagatang sakop ng Vietnam

‘Record breaking’ na bilang ng aplikante sa Cadet Admission Test, iniulat ng PNPA

Iniulat ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nakatanggap sila ng 77,410 aplikasyon para sa PNPA Cadet Admission Test (PNPACAT) ngayong taon. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, tagapagsalita ng PNPA, ito ang pinakamalaking bilang ng mga aplikante sa kasaysayan ng PNPACAT. Mahigit doble ito sa dating record na 33,085 aplikante noong 2021. Ang… Continue reading ‘Record breaking’ na bilang ng aplikante sa Cadet Admission Test, iniulat ng PNPA

Non-monetary benefits, hihikayat sa mga sundalo na hintayin ang kanilang mandatory retirement — DND Chief

Naniniwala si Defense Secretary Gibo Teodoro na ang nagpapatuloy na non-monetary benefits na ibinibigay ng pamahalaan sa mga sundalo at pamilya ng mga ito ay i-engganyo sa mga ito na manatili at hintayin ang kanilang mandatory retirement sa military service. Kabilang dito ang healthcare service at skills upgrading initiatives ng Armed Forces of the Philippines… Continue reading Non-monetary benefits, hihikayat sa mga sundalo na hintayin ang kanilang mandatory retirement — DND Chief

NEDA, lumagda sa isang kasunduan para sa financial education program sa college students

Lumagda ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa multi-party memorandum of agreement upang lumikha ng isang elective course sa mga piling higher education institutions sa bansa. Bubuuin ang Personal Finance 101: “My Peso and I” curriculum na may layuning bigyan ang college students ng kaalaman at kasanayan sa pagkamit ng financial independence. Sa ilalim… Continue reading NEDA, lumagda sa isang kasunduan para sa financial education program sa college students