Bicol solons, kinondena ang pagpaslang sa 2 pulis sa Oas

Kapwa nagpaabot ng pakikiramay sina Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa pagkasawi ni Chief Master Sergeant Joseph Ostonal. July 9 nang pagbabarilin sina Ostonal at Cpl. Jeffrey Refereza ng dalawang salarin habang nagpapatrolya. Ani Co, kaisa sila sa pagkondena sa pagpatay sa mga pulis at nanawagan para… Continue reading Bicol solons, kinondena ang pagpaslang sa 2 pulis sa Oas

Kadiwa ng Pangulo, nagbukas sa Malabon

Umarangkada na rin ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ Diskwento Caravan sa Camanava. Ngayong araw, isa sa mga nagbukas ang Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Baritan Sports Complex sa Malabon City. Dito, makabibili ang mga residente ng mga sariwang gulay na mula sa mga magsasaka sa Nueva Ecija. Kabilang sa iniaalok rito ang puting sibuyas na mabibili… Continue reading Kadiwa ng Pangulo, nagbukas sa Malabon

Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling umakyat sa minimum operating level

Patuloy na nakatutulong ang mga pag-ulan para sa pagtaas ng antas ng tubig sa ilang pangunahing dam kabilan na ang Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila. Sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, as of 6am, muling umangat sa 180 meters na minimum operating Level ang Angat Dam. Aabot sa… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling umakyat sa minimum operating level

Halos 30,000 indibidwal, apektado ng habagat at bagyong Dodong — DSWD

Aabot na sa 9,922 pamilya o katumbas ng halos 30,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng bagyong Dodong at ng habagat. Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 16, ay naitala ang mga apektado sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol… Continue reading Halos 30,000 indibidwal, apektado ng habagat at bagyong Dodong — DSWD

8 pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa habagat

Pansamantalang nananatili ngayon sa evacuation center ang nasa walong pamilya o katumbas ng 24 na indibidwal mula sa Brgy. Balangkas, Valenzuela matapos ilikas dahil sa pag-ulang dulot ng habagat. Sa A. Deato Elementary School ipinwesto ang mga modular tent na pansamantalang tinutuluyan ng mga apektadong residente. Ayon sa ilang residente, alas-5 pa ng hapon nitong… Continue reading 8 pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa habagat

Mga binahang residente ng Zambales dahil sa bagyong Dodong, pinaabutan ng tulong ng Office of the Speaker at Tingog Party-list

Nagsagawa ng relief operations ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list sa mga residente ng Palauig at Masinloc sa Zambales na binaha dahil sa bagyong Dodong. Nasa 441 relief packs ang ipinamahagi sa anim na barangay sa Masinloc na apektado ng pagbaha habang 1,217 naman na ayuda ang ipinadala sa walong barangay… Continue reading Mga binahang residente ng Zambales dahil sa bagyong Dodong, pinaabutan ng tulong ng Office of the Speaker at Tingog Party-list

Daily water interruptions ng Maynilad, suspendido pa rin

Wala pa ring aasahang water interruptions ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City, at Valenzuela. Kasunod ito ng anunsyo ng water concessionaire na patuloy na suspendido ang scheduled daily water service nito. Paliwanag ng Maynilad, nakatulong ang mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw na dulot ng… Continue reading Daily water interruptions ng Maynilad, suspendido pa rin

Albay solon, pinuri ang pagpapalabas ni PBBM ng Executive Order 32

Welcome para kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang paglalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 32 na magpapabilis sa paglalabas ng permit para sa konstruksyon ng mga telecommunications at internet infrastructure sa bansa. Ayon sa mambabatas, nang maglabas ng kautusan ang Duterte administration para pabilisin ang Tower Permitting Policy,… Continue reading Albay solon, pinuri ang pagpapalabas ni PBBM ng Executive Order 32

Senate President Juan Miguel Zubiri, sang-ayong i-report sa UN ang paglabag ng China sa Arbitral Ruling sa West Philippine Sea

Iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat nang i-report ng Pilipinas sa United Nations (UN) ang paulit-ulit na paglabag ng China sa 2016 The Hague Arbitral Ruling sa West Philippine Sea. Ayon kay Zubiri, dapat ipresenta ng Pilipinas ang mga video at larawan na ebidensya ng unti-unting pagsalakay ng China sa ating bansa… Continue reading Senate President Juan Miguel Zubiri, sang-ayong i-report sa UN ang paglabag ng China sa Arbitral Ruling sa West Philippine Sea

Medical mission para sa mga OFW at kanilang pamilya, ikinasa ng OFW Party-list

Nasa higit 600 na overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang kapamilya ang naka-benepisyo sa ikinasang medical mission ng OFW Party-list katuwang ang Chinese General Hospital nitong weekend. Ang mga OFW at kanilang dependents ay nakatanggap ng libreng dental checkup, gamot, at eyeglasses. May 50 bata rin na pawang mga anak ng migrant workers ang sumailalim… Continue reading Medical mission para sa mga OFW at kanilang pamilya, ikinasa ng OFW Party-list