GSIS, palalawigin pa ang condonation, restructuring program sa housing accounts hanggang katapusan ng 2025

Palalawigin ng Government Service Insurance System (GSIS) hanggang Disyembre 2025 ang condonation at restructuring program para sa mga housing accounts nito. Ayon kay GSIS President and Genera Manager Wick Veloso, nilalayon na maging homeowners ang kanilang borrowers, at upang mai-update din nito ang kanilang mga housing account at mapadali ang proseso ng kanilang pagbabayad. Nangako… Continue reading GSIS, palalawigin pa ang condonation, restructuring program sa housing accounts hanggang katapusan ng 2025

Pagtukoy ng Anti-Terrorism Council sa 6 na miyembro ng kilusang komunista bilang terorista, suportado ng NTF-ELCAC

Nagpahayag ng suporta ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na tumukoy sa anim na miyembro ng kilusang komunista bilang mga terorista. Sa pamamagitan ng Resolution no. 41 ng ATC, tinukoy bilang mga miyembro ng Ilocos Cordillera Regional White Area Committee ng Communist Party… Continue reading Pagtukoy ng Anti-Terrorism Council sa 6 na miyembro ng kilusang komunista bilang terorista, suportado ng NTF-ELCAC

Pilipinas, Austria, muling lumagda ng MOU para sa pagkuha ng Filipino nurses

Muling lumagda ang Pilipinas at Vienna, Austria ng bagong kasunduan sa ilalim ng isang framework na poprotekta sa karapatan ng mga Filipino nurses at magpapadali sa kanilang professional at social integration. Lumagda sa nasabing kasunduan sina Philippine Ambassador to Austria Evangelina Lourdes Bernas bilang kumakatawan sa Pilipinas habang si Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan… Continue reading Pilipinas, Austria, muling lumagda ng MOU para sa pagkuha ng Filipino nurses

Medical Assistance for Indigent Patients, maaari na ring ma-access ng mga mahihirap na pasyente sa mga pribadong ospital sa Region 8

Lumagda sa kasunduan ang Office of the Speaker, Tingog Partylist, at Private Hospital Institutions sa buong Region 8 para mabigyang access ang mga mahihirap na pasyente sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) sa mga pribadong healthcare institution. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tingog Party-list Representative Yedda Romualdez, na ang serbisyong pangkalusugan ay isang mahalagang… Continue reading Medical Assistance for Indigent Patients, maaari na ring ma-access ng mga mahihirap na pasyente sa mga pribadong ospital sa Region 8

Delegasyon ng EU sa PH, suportado ang pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan ng ASEAN at China

Sinusuportahan ng European Union ang mabilis na pagtatapos ng usapan sa pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan ng ASEAN at China na nakaayon sa United Nations Convention on Law of the Sea at rumerespeto sa karapatan ng mga third party. Inilabas ang pahayag ng EU Delegation kasama ang mga embahada ng mga EU Member… Continue reading Delegasyon ng EU sa PH, suportado ang pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan ng ASEAN at China

Isang araw na gun ban, ipatutupad sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon sa SONA ng Pangulo

Inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagpapatupad ng isang araw na gun ban sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Police Brigadier General Leo Francisco, ang 24-oras… Continue reading Isang araw na gun ban, ipatutupad sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon sa SONA ng Pangulo

Pagpapalawak sa water sources, target ng DENR

Inaasikaso na rin ng pamahalaan ang paghahanap sa iba pang mapagkukunan ng suplay ng tubig upang masiguro ang sapat na suplay nito para sa publiko. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang pag-diversify sa water sources sa kanilang istratehiya upang hindi lubos na umasa lang sa Angat Dam. Sa kasalukuyan, kabilang… Continue reading Pagpapalawak sa water sources, target ng DENR

Antipolo City LGU, nagkaroon ng local recruitment activity ngayong araw

Nagkaroon ng local recruitment activity ang Antipolo City government ngayong araw sa Antipolo City Hall. Katuwang ang kumpanyang I-Fashion Marketing, kabilang sa vacant job posts na maaaring applyan ng mga jobseeker ay mga posisyong: graphic artist, fashion designer, area sales supervisor, sales manager, QA documentation staff, field inventory staff, driver, electrician, general helper, at office… Continue reading Antipolo City LGU, nagkaroon ng local recruitment activity ngayong araw

2 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide

Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang dalawa pang baybayin sa bansa. Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboang del Sur. Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay… Continue reading 2 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide

Navotas LGU, magtatayo ng Super Health Center at Bahay Kalinga

Plano ng Navotas local government unit na magtayo ng isang Super Health Center at Bahay Kalinga sa lungsod. Inanunsyo ito ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na itatayo sa Brgy. NBBS Kaunlaran mula sa lupang donasyon ng National Housing Authority. Ayon sa alkalde, sa tulong ng Super Health Center, ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga… Continue reading Navotas LGU, magtatayo ng Super Health Center at Bahay Kalinga