Pagtitipid ng tubig, pagtugon sa water crisis, ipinanawagan ni Sen. Legarda

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Lalo na aniya’t inaasahang patuloy pang bababa ang lebel ng tubig sa dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila dahil sa dry… Continue reading Pagtitipid ng tubig, pagtugon sa water crisis, ipinanawagan ni Sen. Legarda

Renewable energy, maaaring gamitin para makabawas sa epekto ng El Niño

Isinusulong ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang paggamit sa renewable energy para mabawasan ang epekto ng El Niño lalo na sa sektor ng agrikultura. Aniya, ngayong inanunsyo na ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño na maaari pang tumindi sa unang quarter ng susunod na taon, ay kailangan ng mga proactive na hakbang… Continue reading Renewable energy, maaaring gamitin para makabawas sa epekto ng El Niño

Sen. Bato at PNP Chief, pangungunahan ang PNP Press Corps Shootfest

Pangungunahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa darating na Biyernes, July 14, hanggang Linggo, July 16. Ang aktibidad na isasagawa sa shooting range ng Kamp Karingal ay isang Level 1 Philippine Practical Shooting Association (PPSA)-sanctioned match na… Continue reading Sen. Bato at PNP Chief, pangungunahan ang PNP Press Corps Shootfest

Mahigpit na pagbabantay laban sa mga unhealthy food advertisements, ipinanawagan ni Sen. Go

Hinikayat ni Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) at ang Food and Drug Adminstration (FDA) na paigtingin ang pagbabantay kontra sa mga advertisement ng mga pagkaing may mataas na lebel ng saturated fatty acid, trans-fatty acids, free sugar, at salt. Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon… Continue reading Mahigpit na pagbabantay laban sa mga unhealthy food advertisements, ipinanawagan ni Sen. Go

₱200,000 pabuya, inalok ng PNP sa impormasyon sa suspek sa pananambang sa abogado ng DPWH

Nag-alok ang Philippine National Police (PNP) ng ₱200,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pananabang sa abogado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Pasay City. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, inilabas ni Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Kirby Kraft ang nakalap nilang CCTV footage sa… Continue reading ₱200,000 pabuya, inalok ng PNP sa impormasyon sa suspek sa pananambang sa abogado ng DPWH

NDRRMC, kumpiyansang maalpasan ang El Niño sa whole-of-gov’t approach

Naniniwala si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson, Director Edgar Posadas na maalpasan ng bansa ang hamong dulot ng El Niño sa pamamagitan ng “Whole of Government” approach. Ayon kay Posadas, sa pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng pamahalaan ay matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na apektado ng matinding tagtuyot.… Continue reading NDRRMC, kumpiyansang maalpasan ang El Niño sa whole-of-gov’t approach

Quezon City at Daly City sa California, ipagpapatuloy ang sister city agreement

Magpapatuloy ang sister city agreement sa pagitan ng Quezon City at Daly City sa California. Ngayong araw July 10 ay isasagawa ang sister city renewal signing ceremony sa Daly City Hall Council Chamber kasabay ng pagpapaabot ng ceremonial city key. Susundan ito ng mile marker ceremony sa July 11. August 8, 1994 nabuo ang sister… Continue reading Quezon City at Daly City sa California, ipagpapatuloy ang sister city agreement

Mahinang pressure hanggang sa walang suplay ng tubig sa Navotas, asahan na simula July 12

Nag-abiso ang Navotas Public Information Office sa mga residente nito na posibleng makaranas ng mahinang pressure o kaya’y mawalan ng tubig sa kanilang lungsod. Dahil umano sa bumababang lebel ng tubig sa Angat Dam bunsod na rin ng El Niño, ay magpapatupad ang Maynilad na siyang may sakop sa Navotas, ng rotational water interruption. Kaya… Continue reading Mahinang pressure hanggang sa walang suplay ng tubig sa Navotas, asahan na simula July 12

Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

CRITICAL. Angat Dam in Norzagaray, Bulacan is down to 180.67 meters of elevation as of 4 p.m. on Thursday (July 6, 2023). It started the day at 180.89 meters. The dam’s minimum operating level is 180 meters. It supplies nearly the entire potable water needs of Metro Manila. (PNA photo by Joan Bondoc)

Nakapagtala muli ang PAGASA Hydromet Division ng pagbaba sa lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong Lunes, July 10, ng umaga. Batay sa 6am data, mula sa 179.56 meters kahapon ng umaga ay nasa 179.23 meters ngayong araw. Nasa 180 meters ang normal operating level ng Angat. Umaasa naman ang PAGASA na makakabawi pa ang… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

₱38 na bigas sa Kadiwa, alternatibo para sa mga mamimili

Simula ngayong linggo ay maaari nang makabili ng ₱38 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores. Ito’y matapos lumagda sa kasunduan ang Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) at Department of Agriculture (DA) para magbenta ng murang bigas sa Kadiwa stores sa panahon ng lean months. Pero ayon sa namamahala sa Kadiwa store sa… Continue reading ₱38 na bigas sa Kadiwa, alternatibo para sa mga mamimili