Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Mawawalan ng tubig simula mamayang 9:30 ng gabi ang ilang bahagi ng Lungsod ng Makati dahil sa isasagawang line meter replacement ng Manila Water. Batay sa inilabas nitong advisory, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Valenzuela, Brgy. Poblacion, at Brgy. Olympia. Magtatagal ang nasabing maintenance activity hanggang alas-3 ng madaling araw bukas. Nagpaalala naman… Continue reading Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Posibleng mass layoff ng Grab, ikinabahala ng isang mambabatas

Nababahala si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano sa nakaambang mass layoff ng Grab sa mga empleyado nito sa Pilipinas. Ayon sa Metro Manila Development Committee Chair, nakatanggap siya ng impormasyon na plano ng Grab Singapore na magtanggal ng may 1,000 employees nito sa mga bansa kung saan ito mayroong operasyon. Ani Valeriano, tila taliwas… Continue reading Posibleng mass layoff ng Grab, ikinabahala ng isang mambabatas

Farmgate price ng palay, bahagyang tumaas nitong Abril — PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagtaas sa average farmgate price ng palay para sa buwan ng Abril. Batay sa datos nito, tumaas sa ₱18.79 ang average farmgate price ng palay sa nationa level, mas mataas ng 1.2% kung ikukumpara sa ₱18.57 kada kilo na palay farmgate price noong Marso. Mas mataas rin… Continue reading Farmgate price ng palay, bahagyang tumaas nitong Abril — PSA

Higit 70 milyong Pilipino, naisyuhan na ng PhilID at ePhilID

Aabot na sa higit 70 milyong Pilipino ang nakatanggap ng kanilang PhilID at ePhilID mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa pinakahuling tala ng PSA, ay nasa kabuuang 70,271,330 PhilIDs at ePhilIDs ang naideliver na nito sa mga nakapagrehistrong Pilipino. Sa nabanggit na bilang, nasa 33,422,502 PhilIDs o physical ID ang nai-deliver na hanggang noong… Continue reading Higit 70 milyong Pilipino, naisyuhan na ng PhilID at ePhilID

Bulkang Mayon, nakapagtala lang ng isang volcanic earthquake

Bahagyang humupa ang aktibidad sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras. Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, isa lang ang naitalang volcanic earthquake ngayon sa bulkan mula sa higit isandaang pagyanig kahapon. Gayunman, umakyat naman sa 372 ang rockfall events at mayroon ding pitong dome-collapse pyroclastic density current events. Nagpapatuloy rin ang lava flow… Continue reading Bulkang Mayon, nakapagtala lang ng isang volcanic earthquake

Japan, nagkaloob ng health clinic na may Birthing Facility sa Mountain Province

Pinasinayaan ng Embahada ng Japan at lokal na pamahalaan ng Paracelis, Mountain Province ang isang barangay health clinic na mayroong paanakan na nagkakahalaga ng higit apat na milyong piso. Ang nasabing proyekto ay bahagi ng Official Development Assistance ng Japan na naaprubahan noong 2019 sa pamamagitan ng Grant Assistance for Grass-roots Human Security Project. Dinaluhan… Continue reading Japan, nagkaloob ng health clinic na may Birthing Facility sa Mountain Province

Pilipinas, nagpahayag ng suporta sa pagbuo ng ASEAN strategy para sa carbon neutrality

Nagpahayag ng suporta ang Pilipinas para sa pagbuo ng isang ASEAN strategy para sa carbon neutrality, kung saan binahagi rin nito ang mga best practices ng bansa para sa pagkakaroon ng sustainable growth, at nagpahayag ng commitment na magkaroon ng kolaborasyon kasama ang mga ASEAN member states. Sa naging pagdalo ni Department of Science and… Continue reading Pilipinas, nagpahayag ng suporta sa pagbuo ng ASEAN strategy para sa carbon neutrality

DTI Sec. Pascual, nais pang patatagin ang economic relations sa pagitan ng PH at EU

Nais ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na mas patatagin pa ang economic relations sa pagitan ng Pilipinas at European Union. Sa naging high-level meeting kasama si European Commission Vice President at Trade Commissioner Valdis Dombrovskis sa Brussels, Belgium, binigyang-diin ni Pascual ang mga naging policy direction ng bansa upang magkaroon… Continue reading DTI Sec. Pascual, nais pang patatagin ang economic relations sa pagitan ng PH at EU

Bentahan ng murang bigas sa Kadiwa, tatagal pa hanggang Agosto — Unigrow

Pinawi ng Unigrow PH ang pangamba ng mga suki sa Kadiwa na baka hanggang Biyernes na lang ang bentahan dito ng murang bigas. Sa panayam ng RP1 kay Jimmy Vistar, Presidente ng Unigrow PH, tiniyak nitong tuloy-tuloy pa rin itong magsusuplay ng ₱25 kada kilo ng bigas sa Kadiwa store sa DA Central Office sa… Continue reading Bentahan ng murang bigas sa Kadiwa, tatagal pa hanggang Agosto — Unigrow

PBBM, di na kailangan mag-appoint ng ‘full time’ DA secretary — isang mambabatas

Para kay Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers hindi na kailangan pang magtalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng full-time Department of Agriculture (DA) secretary. Aniya nakikita naman kung gaano katutok at passionate ang Pangulo sa pagresolba sa sektor ng agrikultura kaya hindi dapat pwersahin na ibigay o ipagkatiwala ito sa… Continue reading PBBM, di na kailangan mag-appoint ng ‘full time’ DA secretary — isang mambabatas