Taguig LGU, nagsagawa ng sabayang clean-up drive bilang pagdiriwang ng Dengue Awareness Month

Nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng simultaneous clean-up drive sa iba’t ibang lugar sa lungsod, sa pakikiisa ng City Health Office, City Sanitation Office, City Environment and Natural Resources Office, Barangay Affairs Office, at General Services Office sa pagdiriwang ng National Dengue Awareness Month ngayong buwan. Sabay-sabay na naglinis ang mga street sweepers at… Continue reading Taguig LGU, nagsagawa ng sabayang clean-up drive bilang pagdiriwang ng Dengue Awareness Month

Reinstatement ni Sec. Galvez sa OPAPRU, malugod na tinanggap ni DND Sec. Teodoro

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pag-reinstate ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Secretary Carlito Galvez Jr. sa kanyang dating posisyon bilang kalihim ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU). Ayon kay Teodoro, matagal na hinawakan ni Sec. Galvez ang OPAPRU at… Continue reading Reinstatement ni Sec. Galvez sa OPAPRU, malugod na tinanggap ni DND Sec. Teodoro

Desisyon sa pagtanggap ng Afghan refugees, ibabase sa batas ng bansa — DND Sec. Teodoro

Wala pang pinal na desisyon ang pamahalaan kung pagbibigyan ang kahilingan ng Estados Unidos na tanggapin pansamantala sa Pilipinas ang ilang libong Afghans na nanganganib ang buhay sa naturang bansa. Ang pahayag ay ginawa ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, kasabay ng pagsabi na ang magiging desisyon ng gobyerno ay nakadepende sa… Continue reading Desisyon sa pagtanggap ng Afghan refugees, ibabase sa batas ng bansa — DND Sec. Teodoro

DFA, nagpaabot ng pagbati sa mga Pilipinong marino sa pagdiriwang ng Day of Seafarers kahapon

Nagpaabot ng pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong marino sa mahalaga nitong ambag sa patuloy na komersyo at kalakalan sa ilalim ng pandaigdigang ekonomiya sa pagdiriwang ng Day of Seafarers 2023 kahapon. Sa mensahe ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, magmula ng ideklara ang ika-25 ng Hunyo bilang Day of the… Continue reading DFA, nagpaabot ng pagbati sa mga Pilipinong marino sa pagdiriwang ng Day of Seafarers kahapon

San Juan City Mayor Zamora, pinangunahan ang panunumpa ni Councilor Angelo Agcaoili bilang bagong Vice Mayor ng lungsod

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong Araw ang Oath of Office ni San Juan City Councilor Angelo Agcaoili bilang bagong Bise Alkalde ng lungsod. Ito’y matapos mabakante ang posisyon ng vice mayor ng Lungsod ni Vice Mayor Warren Villa matapos pumanaw ito noong June 18. Ang appointment ni Agcaoli bilang Vice Mayor… Continue reading San Juan City Mayor Zamora, pinangunahan ang panunumpa ni Councilor Angelo Agcaoili bilang bagong Vice Mayor ng lungsod

DFA Sec. Enrique Manalo, bibiyahe patungong India para sa ilang aktibidad

Nakatakdang dumalo si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa 5th Meeting ng Philippines-India Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi, India, sa imbitasyon ng kanyang counterpart sa June 29. Pangungunahan ni Secretary Manalo ang delegasyon kasama ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Finance (DOF), Philippine Space Agency, National… Continue reading DFA Sec. Enrique Manalo, bibiyahe patungong India para sa ilang aktibidad

Hiling na TRO sa joint venture ng Ceneco at Primelectric Holdings, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Bacolod Regional Trial Court ang apelang Temporary Restraining Order (TRO) para mapigilan ang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Central Negros Electric Cooperative (CENECO) at Primelectric Holdings Inc. Sa 3-pahinang desisyon, sinabi ni RTC Branch 6 Presiding Judge Maria Lina Gonzaga na nilabag ng petitioner na Negros Consumers’ Watch (NCW) at iba… Continue reading Hiling na TRO sa joint venture ng Ceneco at Primelectric Holdings, ibinasura ng korte

Naipabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, halos ₱92-M na

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalan sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay. Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa ₱91.8-million na halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan. Galing ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense… Continue reading Naipabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, halos ₱92-M na

San Juan City LGU, naglunsad ng mobile kitchen feeding program

Naglunsad ang San Juan City government ng Mobile Kitchen Feeding Program para sa mga residente ng lungsod ngayong araw. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, layon ng naturang programa na makapagbigay ng masustansyang pagkain sa bawat residentene at maiwasan ang malnutrisyon sa lungsod. Dagdag pa ni Mayor Zamora na mag-iikot ang kanilang mobile… Continue reading San Juan City LGU, naglunsad ng mobile kitchen feeding program

COVID positivity rate sa NCR, iba pang lalawigan, bumaba — OCTA

Bahagya pang bumaba ang COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group. Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of June 24, ay bumaba sa 6% ang positivity rate sa NCR mula sa 7.2% noong… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, iba pang lalawigan, bumaba — OCTA