Mga Pilipino sa Russia, pinayuhang ‘wag munang lumabas dahil sa planong pagpapabagsak sa military leadership ng Russia

Pinayuhan ang mga Pilipino sa Moscow na mag-ingat at huwag munang maglakbay kasunod ng planong pagpapabagsak ng Wagner group sa military leadership ng Russia. Sa abiso na inilabas ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow, naglagay na ng “counter-terrorism” measures si Moscow Mayor Sergey Sobyanin sa buong lungsod kung saan bawal muna ang mga pagtitipon at… Continue reading Mga Pilipino sa Russia, pinayuhang ‘wag munang lumabas dahil sa planong pagpapabagsak sa military leadership ng Russia

Pagbabakuna ng Bivalent COVID-19 vaccine, umarangkada na sa Valenzuela

Nagsimula na rin ang bakunahan ng Bivalent COVID-19 vaccines sa Lungsod ng Valenzuela. Isinagawa ang pagbabakuna sa unang batch ng health workers sa Our Lady of Fatima University RISE Tower, Barangay Marulas. Ayon sa pamahalaang lungsod, dahil limitado pa ang bakuna ay tanging mga edad 18 pataas na health workers sa mga ospital sa Valenzuela… Continue reading Pagbabakuna ng Bivalent COVID-19 vaccine, umarangkada na sa Valenzuela

Higit 100 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon

Iniulat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mataas na bilang ng volcanic earthquakes na na-detect sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24-oras. Batay sa pinakahuling report ng PHIVOLCS, mayroong kabuuang 102 volcanic earthquakes ang naitala ngayon sa bulkan, na malayo sa 24 na volcanic earthquakes kahapon. Umakyat rin sa 263 na… Continue reading Higit 100 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon

PBBM, pinasalamatan at pinapurihan ng party-list solon matapos mabigyan ng pardon ang tatlong convicted OFW

Nagpaabot ng pasasalamat si OFW Partylist Representative Marissa “Del Mar” Magsino sa lahat ng gumawa ng paraan upang mabigyan ng pardon ang tatlong OFW sa UAE, kung saan dalawa sa kanila ang nasa death row. Pinaka dapat aniyang pasalamatan at papurihan ay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siyang nag-apela para sa sitwasyon ng… Continue reading PBBM, pinasalamatan at pinapurihan ng party-list solon matapos mabigyan ng pardon ang tatlong convicted OFW

Distribusyon ng one-time rice assistance sa mga guro, minamadali nang tapusin ng NFA

Tina-target ng National Food Authority (NFA) na makumpleto na ang distribusyon nito ng One-Time Rice Assistance (OTRA) para sa mga guro bago matapos ang buwan ng Hunyo. Tugon ito ng NFA sa hiling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na maibiay na ang kabuuan ng rice assistance para sa mga guro sa National Capital Region… Continue reading Distribusyon ng one-time rice assistance sa mga guro, minamadali nang tapusin ng NFA

Basta! Run Against Torture, inilunsad

Bilang paggunita sa UN International Day in Support of Victims of Torture tuwing June 26, inilunsad ngayon ng iba’t ibang grupo ang kampanyang Basta! Run Against Torture (BRAT XIII), para itaas ang kamalayan ng publiko sa usapin ng torture na nangyayari pa rin sa mga kulungan at custodial centers. Pinangunahan ito ng Association for the… Continue reading Basta! Run Against Torture, inilunsad

DOLE, inanunsyo na makatatanggap ng double pay ang mga manggagawa sa Miyerkules, June 28

Good news para sa ating mga manggagawa dahil inanunsyo ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na makatatangap ng double pay ang mga manggagawang magtatrabaho sa mismong araw ng June 28 kasunod ng paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga empleyado na papasok o magtatrabaho sa… Continue reading DOLE, inanunsyo na makatatanggap ng double pay ang mga manggagawa sa Miyerkules, June 28

COMELEC, nakahanda na sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre

Nakahanda na ang Commission on Elections o COMELEC para sa gaganaping Barangay at Sanguinaang kabataang Elections sa darating na October 30. Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na nasa 95 percent status nang handa ang poll body at mag-iimprenta na lamang ito ng balota dahil sa pagkaantala nito matapos makapagtala ng double registrations na… Continue reading COMELEC, nakahanda na sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre

Ilang bahagi ng Parañaque, Las Pinas, at Pasay City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Lungsod ng Paranaque, Las Pinas, at Pasay City na magsisimula mamayang alas-10 ng gabi dahil sa isasagawang maintenance activities ng kumpanyang Maynilad sa Pasay Pumping Station. Mawawalan naman ng tubig ang mga sumusunod na lugar hanggang alas-8 ng umaga bukas: Las Pinas – BF International, CAA, D. Fajardo, E.… Continue reading Ilang bahagi ng Parañaque, Las Pinas, at Pasay City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Hustisya sa pagkamatay ng isang pulis at pagkasugat ng 14 sa Maimbung, Sulu, tiniyak ng PNP Chief

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na hindi titigil ang PNP sa pagtugis sa mga responsable sa pagkamatay ng isang pulis at pagkasugat ng 13 pang pulis at isang sundalo sa Sulu. Ito’y sa nangyaring bakbakan nitong Sabado sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at dating Maimbung Vice… Continue reading Hustisya sa pagkamatay ng isang pulis at pagkasugat ng 14 sa Maimbung, Sulu, tiniyak ng PNP Chief