PBBM, iginiit ang pagpapatupad ng Philippine Rural Devt Project para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng proyektong aniya’y maglalapit sa mga mangingisda at magsasaka sa merkado na magbubunga ng mas mataas na kita. Sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up ay layunin ntong mapaunlad ang sektor ng agrikultura na mapapakinabangan ng mga Pinoy farmers at… Continue reading PBBM, iginiit ang pagpapatupad ng Philippine Rural Devt Project para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda

Ilang kalsada patungong Monumento Circle sa Caloocan, isasara sa Araw ng Kalayaan

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa selebrasyon nito ng ika-125 Araw ng Kalayaan sa Monumento Circle. Batay sa Traffic Advisory nito, sa June 12 ay dose-oras na isasara sa mga motorista (mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-12 ng tanghali) ang ilang kalsadang… Continue reading Ilang kalsada patungong Monumento Circle sa Caloocan, isasara sa Araw ng Kalayaan

DA, pinaghahanda na ang mga magsasaka, mangingisda sa banta ng bagyong Chedeng

Naglabas na ng abiso ngayon ang Department Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda kaugnay sa banta ng bagyong Chedeng. Batay sa weather forecast ng PAGASA, bagamat hindi pa direktang nakakaapekto sa ngayon ang bagyo ay inaasahang palalakasin naman nito ang hanging amihan na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng bansa. Ayon sa DA, ngayon pa lang… Continue reading DA, pinaghahanda na ang mga magsasaka, mangingisda sa banta ng bagyong Chedeng

El Niño team ng DA, nakahanda sa ‘worst case scenario’ sa nakaambang pagtama ng tagtuyot sa bansa

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Department of Agriculture (DA) upang masigurong hindi labis na maapektuhan ng nakaambang El Niño ang agri at fisheries sector ng bansa. Nag-convene na rin ang National El Niño Team ng kagawaran kasama ang iba pang ahensya para talakayin ang plano ng pamahalaan sa pagtitiyak ng food security kahit pa… Continue reading El Niño team ng DA, nakahanda sa ‘worst case scenario’ sa nakaambang pagtama ng tagtuyot sa bansa

3 alkalde sa NCR alkalde sa Ilocos Sur, nanguna sa ‘Top Performing First-Term City Mayors’ ng RPMD survey

Magkakahanay sa Top 1 spot sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval, Caloocan City Mayor Along Malapitan, at Navotas City Mayor John Rey Tiangco bilang Top Performing First-Term City Mayors, batay sa independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Kapwa nakakuha ang mga alkalde ng pinakamataas na job approval rating na umabot sa… Continue reading 3 alkalde sa NCR alkalde sa Ilocos Sur, nanguna sa ‘Top Performing First-Term City Mayors’ ng RPMD survey

Isang kainan sa Upper Bicutan, Taguig, ipinasara dahil sa food poisoning 

Ipinasara muna ng City Health Office ng Taguig ang isang food stall sa Barangay Upper Bicutan matapos magkaroon ng insidente ng food poisoning kagabi. Agad na inaksyunan sa pangunguna ng Incident Management Team at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) katuwang ang mga opisyal ng Upper Bicutan ang nasabing food poisoning insident.  Mahigit 40… Continue reading Isang kainan sa Upper Bicutan, Taguig, ipinasara dahil sa food poisoning 

SOGIE Bill, di prayoridad — Sen. Joel Villanueva

Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi prayoridad at walang pangangailangan na maipasa kaagad ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) Bill. Pinunto ng majority leader na wala ito sa listahan ng mga priority bills ng administrasyon. Dinagdag rin ni Villanueva na may mga senador na miyembro ng Committee… Continue reading SOGIE Bill, di prayoridad — Sen. Joel Villanueva

OPAPRU, kinondena ang pag-atake ng communist terrorist group sa Northern Samar

Mariing kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang ginawang pag-atake ng communist terrorist group sa Las Navas, Northern Samar. Batay sa impormasyon mula sa OPAPRU, dalawang sibilyan na pawang mga construction workers ng farm-to-market road project ang nasawi nang gumamit ng anti-personnel mines ang CTG. Ayon kay OPAPRU Secretary… Continue reading OPAPRU, kinondena ang pag-atake ng communist terrorist group sa Northern Samar

Bagyong Chedeng, lumakas pa — PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Chedeng habang kumikilos sa Philippine Sea. Sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,060 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 90kph. Ito ay kumikilos pa-hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 10kph. Sa ngayon… Continue reading Bagyong Chedeng, lumakas pa — PAGASA

VP Sara Duterte, ibinida ang OVP projects sa support groups sa Dipolog City

Bumisita si Vice President Sara Duterte sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte upang kumustahin ang iba’t ibang grupo na sumuporta sa kanyang kampanya noong nagdaang eleksyon. Dito ay ibinahagi ni VP Sara sa parallel groups ang mga programa ng Office of the Vice President tulad ng Mag Negosyo Ta ‘Day, Peace 911, PagbaBAGo Campaign: A… Continue reading VP Sara Duterte, ibinida ang OVP projects sa support groups sa Dipolog City