Mas mabigat na parusa laban sa mga magtitinda ng ‘bocha,’ inihain sa Kamara

Ipinapanukala ni Cagayan de Oro Repreaentative Rufus Rodriguez na patawan ng parusang pagkakakulong ang mga mapatutunayang nagbebenta ng bocha o karne ng patay na o may sakit na hayop. Sa inihaing House Bill 7655 ng kongresista ay aamyendahan ang Meat Inspection Code of the Philippines kung saan tanging pagkumpiska at multa lamang ang parusa. Sakaling… Continue reading Mas mabigat na parusa laban sa mga magtitinda ng ‘bocha,’ inihain sa Kamara

Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso, nabawasan — PSA

Bahagyang bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso, nabawasan — PSA

10 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng higit 40°C heat index — PAGASA

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang aasahan ng publiko ngayong araw ayon sa PAGASA. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng higit sa 40°C pa rin ang heat index o alinsangan sa katawan na maramdaman sa 10 lugar sa bansa ngayong Lunes, May 8. Posibleng pumalo hanggang sa 44°C ang heat index sa… Continue reading 10 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng higit 40°C heat index — PAGASA

3 lanes sa C5 Road sa Pasig City, ipasasara dahil sa sewage project ng Manila Water

Naglabas ng abiso ang Manila Water na pansamantalang isasara sa mga motorista ang tatlong southbound lanes ng C5 Road kanto ng Lanuza Avenue sa Pasig City. Ito ay para bigyang-daan ang North Pasig Package 1 Sewer Network Project na magtatagal mula May 9 hanggang August 31. Hindi muna makakadaan ang mga motorista mula alas-10 ng… Continue reading 3 lanes sa C5 Road sa Pasig City, ipasasara dahil sa sewage project ng Manila Water

Makati LGU, proud sa isang Pilipina na nakasungkit ng medalya sa SEA Games 2023

Nagbigay ng pagbati ang Makati LGU sa isang Pilipina na nakasunggit ng medalya sa 2023 SEA Games na ginaganap sa Cambodia. Si Kaizen dela Serna ay Silver Medalist para sa Women’s 100-Meter Obstacle Course Race. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, proud sila kay Serna na makakapag-uwi ng karangalan sa ating bansa. Ang nabanggit… Continue reading Makati LGU, proud sa isang Pilipina na nakasungkit ng medalya sa SEA Games 2023

Turismo sa bansa, patuloy ang paglago — DOT

Patuloy na lumalago ang turismo sa Pilipinas. Ito ang magandang balita mula Sa Department of Tourism (DOT) kung saan nahigitan na ang Tourism target noong 2022. Ayon sa DOT buhay na buhay ang turismo sa Pilipinas. Aabot na sa 1.9 milyon ang bumisita sa bansa. Yan ay mas mataas kumpara noong nakalipas na taon. Samantala,… Continue reading Turismo sa bansa, patuloy ang paglago — DOT

Mga pamilyang Pilipino na nagsabing mahirap sila, nanatili sa 51% — SWS Survey

Nasa kalahati pa rin ng mga pamilyang Pilipino ang ikinukunsidera ang sarili na mahirap batay yan sa unang quarter survey ng Social Weather Station. Sa nationwide survey na isinagawa mula March 26-29, lumalabas na 51% pa rin ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila. Nasa 30% naman ng respondents ang sinabing pasok sila sa… Continue reading Mga pamilyang Pilipino na nagsabing mahirap sila, nanatili sa 51% — SWS Survey

Dating Payatas dumpsite, isa nang bike park at tourist attraction sa QC

Ibinida ng Quezon City LGU ang pagbubukas ng pinakabagong bike park sa lungsod na matatagpuan sa Payatas Controlled Disposal Facility. Ito ay ang dating tambakan ng basura na ipinasara noong 2010, isinailalim sa redevelopment ng pamahalaang lungsod at ngayo’y maaaari nang pasyalan ng mga siklista. “Ang Payatas Controlled Disposal Facility Bike Park ay isang patunay… Continue reading Dating Payatas dumpsite, isa nang bike park at tourist attraction sa QC

Pagsusuot ng face masks sa closed at open venues ng QC City Hall, muling hinikayat ng LGU

Sa gitna ng tumataas na COVID cases sa Metro Manila ay muling hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang pagsusuot ng face masks sa mga residente nito. Sa isang memorandum, inatasan ni QC Mayor Joy Belmonte ang lahat ng departamento sa lungsod na muling paigtingin ang health at safeaty protocols kontra COVID-19 bilang pag-iingat lalo’t… Continue reading Pagsusuot ng face masks sa closed at open venues ng QC City Hall, muling hinikayat ng LGU

Higit 20% na COVID positivity rate, naitala sa NCR, 7 pang lalawigan — OCTA

Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na may mataas nang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Sa ulat ng OCTA Research Group, as of May 6 ay mayroon nang 8 lugar sa bansa ang may higit 20% na COVID-19 positivity rate o nasa high risk level. Kabilang dito ang Metro Manila na umakyat pa… Continue reading Higit 20% na COVID positivity rate, naitala sa NCR, 7 pang lalawigan — OCTA