Skilled workers na makakasama sa pagtatayo ng ‘Pabahay Pilipino Program,’ hiniling ng DOLE sa TESDA

Pinaghahanda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng maraming skilled workers na makakatulong ng gobyerno sa pagtatayo ng “Pabahay para sa pamilyag pilipino program.” Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, kailangan ang suporta ng TESDA lalo na ang nasa regional offices upang makalikha ng maraming manggagawa… Continue reading Skilled workers na makakasama sa pagtatayo ng ‘Pabahay Pilipino Program,’ hiniling ng DOLE sa TESDA

Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Mas lalong hindi na dapat ituloy ang pagsusulong ng charter change matapos tutulan ng anim na malalaking business group ang panukalang amyenda sa 1987 Constitution. Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, kaisa niya sa paniniwala ang business groups na hindi napapanahon ang cha-cha sa gitna ng kinakaharap na problema ng bansa sa kahirapan,… Continue reading Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. na lahat ng kaukulang benepisyo ay matatanggap ng pamilya ni San Miguel, Bulacan Chief of Police Lieutenant Colonel Marlon Serna, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Kasabay nito, inatasan ni Brig. Gen. Hidalgo si Bulacan Provincial Director Police Col.… Continue reading Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo

Aktibong nakibahagi ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo na kalahok sa SALAKNIB Joint military exercise sa isang blood-letting activity sa Army Artillery Regiment (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay Nueva Ecija. Ang blood-letting Drive na isinagawa ng Philippine Army at GMA Kapuso Foundation ay nakalikom ng 435 blood bags mula sa 687 na donors. Bukod sa… Continue reading Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo

DOF, suportado ang rightsizing Bill ng Kamara

Welcome sa Department of Finance ang House approval sa panukalang National Government rightsizing Bill. Maalalang inaprubahan ng House of Representatives sa pangatlo at huling pagbasa ang proposed National Government Rightsizing Act. Ayon kay Secretary Benjamin Diokno, buo ang kanilang suporta sa Rightsizing Bill na isa sa priority bill ng Marcos Jr. administration na naglalayong i-streamline… Continue reading DOF, suportado ang rightsizing Bill ng Kamara

German Chamber of Commerce, nagpahayag ng suporta sa kampanya ng Marcos administration para sa Clean Energy Program

Nagpahayag ng pagsuporta ang German Chamber of Commerce sa kampanya ng Marcos administration sa pagsusulong ng Clean Energy Program sa bansa.Ayon kay German-Philippine Chamber of Commerce Executive Director Christopher Zimmer, buo ang suporta nito sa kasalukuyang administrasyon sa pagsusulong ng malinis na enerhiya sa bansa.Dagdag pa ni Zimmer na limang kumpanya mula sa kanilang bansa… Continue reading German Chamber of Commerce, nagpahayag ng suporta sa kampanya ng Marcos administration para sa Clean Energy Program

DND, kinondena ang serye ng pag-atake ng NPA sa Masbate

Mariing kinondena ng Department of National Defense (DND) ang serye ng pag-atake ng NPA sa Placer at Kawayan, Masbate na nagdulot ng pinsala sa mga sundalo at inosenteng sibilyan, kabilang ang mga mag-aaral. Sa isang statement ngayong umaga, sinabi ni DND Spokesperson Director Arsenio Andolong na inilalagay ng NPA sa peligro ang buhay ng mga… Continue reading DND, kinondena ang serye ng pag-atake ng NPA sa Masbate

2 Pinoy, sugatan sa pagguho ng isang gusali sa Qatar — DMW

2 ?????, ??????? ?? ??????? ?? ????? ?????? ?? ????? — ??? Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Pilipino ang nasaktan sa pagguho ng pitong palapag na apartment building sa Doha, Qatar kahapon. Gayunman, ayaw munang pangalanan ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople ang dalawang Pilipino na nasa ligtas nang kalagayan… Continue reading 2 Pinoy, sugatan sa pagguho ng isang gusali sa Qatar — DMW

Monitoring tool para sa extreme rainfall, inilunsad ng PAGASA

Inilunsad ng PAGASA ang pinakabago nitong monitoring tool para sa extreme rainfall. Tinawag itong SatREx o Satellite Rainfall Extremes Monitor, na isang web-based platform na naglalaman ng near-real-time information na may kaugnayan sa extreme rainfall events. Ang satellite rainfall estimates nito ay mula sa Global Satellite Mapping ng Japan Aerospace Exploration Agency. Sa pamamagitan ng… Continue reading Monitoring tool para sa extreme rainfall, inilunsad ng PAGASA

QC Mayor Belmonte, sinigurong pananagutin ang driver at may-ari ng trailer truck na nakasagasa sa isang traffic enforcer sa lungsod

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkamit ng hustisya sa nasawing traffic enforcer ng Quezon City Traffic and Transport Management Department na si Jeffrey Antolin. Namatay ang traffic enforcer matapos siyang masagasaan ng truck sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City nito lamang March 22. Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na ipinag-utos na… Continue reading QC Mayor Belmonte, sinigurong pananagutin ang driver at may-ari ng trailer truck na nakasagasa sa isang traffic enforcer sa lungsod