VP Sara, dapat managot sa lahat ng kaniyang mga naging aksyon—Kamara de Representates

Mariing sinabi ni Bataan 2nd Dist Rep. Albert Garcia na hindi ikukunsinte ng Kamara de Representates ang pagbabanta sa demokrasiya at sa mataas na lider ng bansa. Ito ang manifestation ni Garcia sa plenaryo sa House Resolution No. 2092 na nagpapapahayag ng unwavering support kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.… Continue reading VP Sara, dapat managot sa lahat ng kaniyang mga naging aksyon—Kamara de Representates

Selebrasyon ng 85th Founding Anniversary ng QCPD, sinimulan sa pamamagitan ng isang “Community Fun Run”

Higit 1,000 police personnel mula sa iba’t ibang unit at himpilan ng pulisya ang nakiisa sa “Community Fun Run” kaninang umaga. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director Melecio Buslig Jr., ang event ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-85 Founding Anniversary NG QCPD ngayong araw. Nakiisa din sa aktibidad ang mga pamilya… Continue reading Selebrasyon ng 85th Founding Anniversary ng QCPD, sinimulan sa pamamagitan ng isang “Community Fun Run”

Sunog na sumiklab sa isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, patuloy na inaapula ngayong umaga

Patuloy na nilalamon ng apoy ang isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, umaga ng Linggo, Nobyembre 24. Maitim na usok ang pumapalibot sa lugar dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials. Nagtutulungan ang mga residente sa paglikas ng kanilang mga gamit, kabilang ang mga washing machine, refrigerator, TV, gayundin… Continue reading Sunog na sumiklab sa isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, patuloy na inaapula ngayong umaga

Speaker Romualdez hinimok ang ASEAN, iba pang mga bansa na suportahan ang pagtindig ng Pilipinas sa WPS

Hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang mga bansa na suportahan ang posisyon ng Pilipinas kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sa kaniyang pagharap sa Trilateral Commission, isang non-government organization, nanawagan siya para tulungan ang Pilipinas na tindigan ang naipanalong kaso sa Permanent Court of… Continue reading Speaker Romualdez hinimok ang ASEAN, iba pang mga bansa na suportahan ang pagtindig ng Pilipinas sa WPS

Panibagong plantasyon ng marijuana sa Benguet,sinira ng Phil Army at PDEA

Binunot at sinunog ng pinagsanib na pwersa ng Phillippine Army at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 10,400 piraso ng fully grown marijuana plants sa Benguet Province. Pagtaya ni PDEA Regional Office I Regional Director Joel Plaza, abot sa P2.080 million ang halaga ng marijuana plants ang kanilang nasira. Aniya, nadiskubre ang tatlong plantasyon ng… Continue reading Panibagong plantasyon ng marijuana sa Benguet,sinira ng Phil Army at PDEA

Pagtatayo ng pabahay project sa barangay Tanza, Navotas, sisimulan na—NHA

Uumpisahan na ng National Housing Authority (NHA) ang pagtatayo ng “Navotaas Homes 5 Phase 2” sa barangay Tanza,Navotas City. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, unang makikinabang sa pabahay ang 180 benepisyaryo mula sa lungsod. Tatlong low-rise buildings ang itatayo sa nasabing barangay na ang bawat unit ay may sukat na 24 sqm at… Continue reading Pagtatayo ng pabahay project sa barangay Tanza, Navotas, sisimulan na—NHA

International Container Terminal Services, Inc., nagpaalala sa mga port user ukol sa online system maintenance ng Manila International Container Terminal

Ipinababatid ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) sa lahat ng port users at kliyente ng Manila International Container Terminal na magkakaroon ito ng online system service maintenance ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 24, 2024. Ayon sa abiso, ang mga apektadong serbisyo ay ang NAVIS N4 para sa preadvice mula 11:00 ng umaga hanggang 2:00… Continue reading International Container Terminal Services, Inc., nagpaalala sa mga port user ukol sa online system maintenance ng Manila International Container Terminal

DOH, muling nagpaalala sa banta ng dengue matapos ang sunod-sunod na bagyo

Muling nagbigay babala ang Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng pagdami ng kaso ng dengue matapos ang sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa. Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang tubig na naipon mula sa mga Bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito ay maaaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue… Continue reading DOH, muling nagpaalala sa banta ng dengue matapos ang sunod-sunod na bagyo

Isang lugar sa Pasig City , isasara tuwing araw ng linggo para sa Xmas Activities

Isasara pansamantala sa mga motorista ang Oranbo Dr. sa Barangay Oranbo sa Pasig City tuwing araw ng linggo simula ngayon, Nobyembre 24 hanggang Disyembre 22, 2024. Sa abiso ng Pasig City Goverment, ang pagsasara ng kalsada ay para bigyang daan ang Christmas Activities para sa publiko. Ipapatupad ito mula alas siyete ng umaga hanggang matapos… Continue reading Isang lugar sa Pasig City , isasara tuwing araw ng linggo para sa Xmas Activities

Lawak ng pinsala sa lupang sakahan dahil sa mga nagdaang mga bagyo, abot na sa higit 41K ektarya—DA

Lumawak pa sa 41,076 ektarya ng lupang sakahan ang napinsala ng mga bagyo sa ilang rehiyon sa bansa. Ayon sa Department of Agriculture (DA), posible pang madagdagan ito dahil hindi pa tapos ang assessment sa affected areas. Sa ngayon, nasa 34,111 magsasaka at mangingisda ang apektado. Sa tala ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM),… Continue reading Lawak ng pinsala sa lupang sakahan dahil sa mga nagdaang mga bagyo, abot na sa higit 41K ektarya—DA