Ilang evacuees sa Eastern Visayas, pinayagan nang umuwi sa kanilang mga tahanan

Nakahinga na ng maluwag ang mga taga Region 8 dahil unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon at halos wala nang mga pag-ulan na nararanasan dito sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na paglayo ng Super Typhoon #PepitoPH mula sa Samar provinces na muntikan nang mahagip. Sa katunayan, tinanggal na ng PAGASA ang Storm Signal… Continue reading Ilang evacuees sa Eastern Visayas, pinayagan nang umuwi sa kanilang mga tahanan

Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Patuloy na dumadami ang mga naistranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa banta ng super Typhoon #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense Bicol, nasa 2,572 na ang mga indibidwal ang nasa mga pantalan ngayong kasagsagan ng bagyo.  Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 2,134, nasa 224… Continue reading Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Bukod sa storm surge, landslide binabantayan din ng MDRRMO ng Caramoan, CamSur

Bukod sa insidente ng Storm Surge dulot ng Super Typhoon Pepito, binabantayan din umano ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Caramoan, Camarines Sur ang insidente ng landslide. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Caramoan Head of Office Christian Aris Guevarra, sinabi nito… Continue reading Bukod sa storm surge, landslide binabantayan din ng MDRRMO ng Caramoan, CamSur

2.1-3M na storm surge, posibleng maranasan ng ilang bayan ng Quezon; Governor Tan, nanawagan ng forced evacuation

Nagbabala si Governor Helen Tan at si PDRRM Officer Dr. Melchor Avenilla, Jr. na posibleng makaranas ng 2.1 hanggang 3 meters na storm surge ang mga bayan sa lalawigan ng Quezon na dala ng Super Typhoon Pepito. Sa live monitoring and response kanina, kabilang sa pinaghahanda ang mga bayan ng Infanta, Agdangan, Buenavista, Burdeos, Catanauan,… Continue reading 2.1-3M na storm surge, posibleng maranasan ng ilang bayan ng Quezon; Governor Tan, nanawagan ng forced evacuation

PCG Bicol, sinimulan na ang pag-dispatch ng 82 Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng rescue operation

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard District Bicol ang pag-dispatch ng mga Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng mga rescue operations habang papalapit ang Super Typhoon Pepito sa kalupaan ng Bicol Region. Sa pinakahuling ulat ng PCG Bicol, nasa 123 personnel sa hanay ng Deployable Response Group ang nakadeploy na para magsagawa ng evacuation… Continue reading PCG Bicol, sinimulan na ang pag-dispatch ng 82 Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng rescue operation

PPA, umapela sa agarang paglikas ng mga stranded na pasahero patungo sa mga evacuation center

Ipinanawagan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga stranded na pasahero na agad lumikas patungo sa evacuation centers ng mga local goverment unit (LGU) bilang pag-iingat sa panganib na dulot ng storm surge bunsod ng Bagyong #PepitoPH. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inatasan na nito ang lahat ng Port Management Offices na makipag-ugnayan… Continue reading PPA, umapela sa agarang paglikas ng mga stranded na pasahero patungo sa mga evacuation center

Lungsod ng Maynila, patuloy ang paghahanda sa paparating na Bagyong #PepitoPH

Kasunod ng pagtaas ng Manila DRRM Office sa Red Alert Status sa Lungsod ng Maynila para sa paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito, nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan nito sa ilang paaralan na maaaring gamitin bilang evacuation centers. Ilan sa mga tinukoy na paaralan ay ang Ninoy Aquino Elementary School, Pres. Corazon Aquino… Continue reading Lungsod ng Maynila, patuloy ang paghahanda sa paparating na Bagyong #PepitoPH

PRC, nakaalerto na sa Bagyong #PepitoPH

Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kahandaan sa pagpasok ng panibagong bagyong Pepito sa bansa. Sa ulat ng PRC, in-activate na ang kanilang anticipatory action efforts para maprotektahan ang publiko sa perwisyong idudulot ng bagyo. Payo ng PRC Disaster Management Services sa komunidad na protektahan na ang mga tahanan, mga pananim at iba… Continue reading PRC, nakaalerto na sa Bagyong #PepitoPH

LRT 1 Cavite Extension Project Phase 1, pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16

Pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16, ang Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project. Ang proyektong ay sinasabing isang mahalagang hakbang ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor para sa mas mabilis, mas maayos, at mas abot-kayang transportasyon sa pagitan ng Metro Manila at Cavite. Ang Phase 1 ng extension ay may kabuuang haba na… Continue reading LRT 1 Cavite Extension Project Phase 1, pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16

NGCP at NEA, tiniyak na ang paghahanda sa epekto ng Bagyong #PepitoPH

Nagpatupad na ng mga paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagpasok ng Bagyong #PepitoPH. Pagsisikapan ng NGCP na maibsan ang epekto ng bagyo sa mga operasyon at transmission facilities nito. Kasama sa kanilang paghahanda ang pagtiyak na may sapat na communication equipment, pagkakaroon ng hardware materials at mga suplay na kailangan… Continue reading NGCP at NEA, tiniyak na ang paghahanda sa epekto ng Bagyong #PepitoPH