Panukala para ipagpaliban ang BARMM elections sa 2026, inihain sa Kamara

Inihain na rin sa kamara ang isang panukalng batas para ipagpaliban ang nakatakdang first regular elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng House Bill 11034 na pangunahing inihain ni Speaker Martin Romualdez, iuurong ito sa taong 2026. Dapat ay sa May 2025 gaganapin ang eleksyon. Ayon naman kay Lanao del… Continue reading Panukala para ipagpaliban ang BARMM elections sa 2026, inihain sa Kamara

SSS, nagbukas ng mga bagong sangay sa Visayas at Mindanao

Nagbukas ng mga bagong sangay ang Social Security System (SSS) sa Visayas at Mindanao Region. Ayon kay SSS Officer-In-Charge Voltaire Agas, ang pagbubukas ng mga bagong sangay ay para ilapit ang mga serbisyo sa publiko. Mas madali na rin sa mga mga miyembro na ma-access ang mga benepisyo at ang maayos na pakikipag transaksyon. Sa… Continue reading SSS, nagbukas ng mga bagong sangay sa Visayas at Mindanao

Biglang dami ng botante sa ilang mga barangay at lungsod, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas

Nanawagan si Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan para sa pagkakasa ng investigation in aid of legislation kaugnay sa kuwestyonableng pagtaas sa bilang ng botante sa ilang lugar sa bansa. Sa isang privilege speech, tinukoy ni Suan na nakapagtala ang COMELEC ng influx ng mga bagong botante sa ilang barangay, munisipalidad, lungsod at probinsya sa… Continue reading Biglang dami ng botante sa ilang mga barangay at lungsod, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas

Party-list solon, inihain ang ‘Kian Bill’ para sa isang makatao at health-based approach sa pagsugpo sa iligal na droga

Inihain ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña na House Bill 11004 o ‘Kian Bill’ para isulong ang isang makatao at health-based approach sa pagtugon sa problema ng iligal na droga. Sa kaniyang panukalang Public Health Approach to Drug Use Act, titiyakin na mapo-protektahan pa rin ang karapatan ng mga indibidwal na sangkot sa iligal na… Continue reading Party-list solon, inihain ang ‘Kian Bill’ para sa isang makatao at health-based approach sa pagsugpo sa iligal na droga

Mga nagbabalak pumigil sa ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kongreso, binalaan

Nagbabala ngayon si Speaker MArtin Romualdez sa mga nais pigilan ang ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kamara. Sa kaniyang mensahe sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw, binigyang pagkilala ng lider ng Kamara ang mga hakbang na ginawa ng miyembro ng Quad Committee kabilang na ang “Young Guns” blood sa ginagawang pag-imbestiga sa isyu… Continue reading Mga nagbabalak pumigil sa ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kongreso, binalaan

SP Chiz Escudero, naghain ng panukala para iurong sa May 2026 ang halalan sa BARMM

Naghain na si Senate President Chiz Escudero ng isang panukalang batas na layong ipagpaliban ng isang taon ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng Senate Bill 2862 ni Escudero, pinapanukalang gawin na lang sa May 11, 2026 ang eleksyon sa BARMM sa halip na sa May 2025. Sinabi ng… Continue reading SP Chiz Escudero, naghain ng panukala para iurong sa May 2026 ang halalan sa BARMM

CSFI foundation, nagbukas ng art exhibit para masuportahan ang mga kalusugan ng mga sundalo at biktima ng Bagyong #KristinePH

Pinasinayaan ngayon ng Congressional Spouses Foundation Incorporated (CSFI) ang pagbubukas ng art at fashion exhibit na “Philippines’ Finest 2024” bilang pagkilala sa Filipino artistry at paraan para suportahan din ang health care ng mga sundalo gayundin ang biktima ng bagyong Kristine. Katuwang ang Sentro Artista, ibinida sa exhibit ang iba’t ibang artworks, fashion, at home… Continue reading CSFI foundation, nagbukas ng art exhibit para masuportahan ang mga kalusugan ng mga sundalo at biktima ng Bagyong #KristinePH

Sen. Gatchalian, tinangging siya ang may-ari ng SUV na may plakang ‘7’ na namataang dumaan sa EDSA busway

Pinabulaanan ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga impormasyong kumakalat na sa kanya ang sasakyang may plakang ‘7’ na pumasok sa EDSA busway. Ayon kay Gatchalian, wala siyang sasakyan na Cadillac Escalade. Giniit ng senador na dalawa lang ang sasakyan niyang may protocol plate na 7, isang Toyota Alphard at Toyota Sequoia. Binahagi rin ni Gatchalian… Continue reading Sen. Gatchalian, tinangging siya ang may-ari ng SUV na may plakang ‘7’ na namataang dumaan sa EDSA busway

SP Chiz Escudero, nakikipag-ugnayan na sa LTO kaugnay ng pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyang may protocol plate no. 7 na nahuling dumaan sa EDSA bus way

Bineberipika na ngayong ng Land Transportaion Office (LTO) kung totoo ngang isang senador ang nagmamay-ari ng sasakyang may plakang ‘7’ na nahuling dumaan sa EDSA busway. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ito ang pinakahuling sinabi sa kanya ng LTO sa pakikipag-usap niya sa ahensya. Sakali naman aniyang mapatunayang senador nga ang nagmamay-ari nito, malinaw… Continue reading SP Chiz Escudero, nakikipag-ugnayan na sa LTO kaugnay ng pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyang may protocol plate no. 7 na nahuling dumaan sa EDSA bus way

Reset ng power distribution rate, maaaring humantong sa mas mataas na Meralco refund— Sen. Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na maaring magresulta sa pagkakaroon ng mataas na refund para sa mga konsumer ang pag reset ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng power distribution rates para sa mga Distribution Utilities (DU), gaya ng Meralco Pinaliwanag ni Gatchalian na karaniwang ginagawa ang rate reset kada limang taon para suriin ang… Continue reading Reset ng power distribution rate, maaaring humantong sa mas mataas na Meralco refund— Sen. Gatchalian