DSWD, nagtayo ng temporary livestock area para sa mga inilikas na hayop na apektado ng pagputok ng Mt Kanlaon

Nagtalaga na rin ng lugar ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Negros para sa mga inilikas na hayop na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon . Ayon sa DSWD-Western Visayas, matatagpuan ang designated livestock area sa open space ng La Castellana Elementary School sa La Castellana, Negros Occidental. Dito, maaaring dalhin ng… Continue reading DSWD, nagtayo ng temporary livestock area para sa mga inilikas na hayop na apektado ng pagputok ng Mt Kanlaon

110K biyahero, inaasahan ng BI ngayong holiday season

Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdagsa ng mahigit 110,000 biyahero ngayong holiday season. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, posibleng malampasan ng mga bilang ngayong taon ang mga pre-pandemic figures, kung saan noong 2019 ay umabot sa average na 55,000 arrivals at 47,000 departures kada araw ang naitala sa buwan ng Disyembre.… Continue reading 110K biyahero, inaasahan ng BI ngayong holiday season

QCPD, tiniyak sa publiko ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon

Hiniling ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko ang kooperasyon sa panahon ng holiday season. Pakiusap ni QCPD Acting Director P/Col Melecio Buslig Jr., na maging alerto ang komunidad at agad i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang nalalaman. Sa pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi sa Disyembre 16, may mga paghahanda… Continue reading QCPD, tiniyak sa publiko ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon

Bilang ng mga inilikas na residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, nadagdagan pa— DSWD

Lumobo pa ang mga pamilyang inilikas mula sa paligid ng Bulkang Kanlaon habang nagpapakita pa ito ng aktibong aktibidad. Hanggang alas dose ng tanghali kahapon, umabot na sa 5,494 pamilya o 18,612 na indibidwal ang apektado ng pagputok ng bulkan. Ayon sa datos ng DSWD-Disaster Response Operation, Monitoring and Information Center, 3,655 pamilya sa kabuuang… Continue reading Bilang ng mga inilikas na residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, nadagdagan pa— DSWD

Manila LGU, nagpaabot ng pasasalamat sa ipinamahaging frozen mackerel ni Pangulong Marcos Jr. sa mga residente ng Baseco

Nagpaabot ng pasasalamat ang Manila LGU sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ipamahagi ang libo-libong kilo ng frozen mackerel mula sa nakumpiskang smuggled shipment para sa mga residente ng Baseco, Tondo, Maynila. Ipinahayag ni Mayor Lacuna na naging madali ang distribusyon dahil sa mahusay na social welfare system… Continue reading Manila LGU, nagpaabot ng pasasalamat sa ipinamahaging frozen mackerel ni Pangulong Marcos Jr. sa mga residente ng Baseco

Mandatory evacuation, ipinapatupad ngayon ng OCD sa mga residente sa mga residenteng nasa 6 kilometer expanded danger zone ng Bulkang Kanlaon

Ipinapatupad ngayon ng Office of Civil DEFENSE (OCD) ang mandatory evacuation sa mga residente sa isla ng Negros na nasa 6-kilometer expanded danger zone ng Bulkang Kanlaon. 
Ayon kay Office of Civil Defense Western Visayas Spokesperson Maria Christina Mayor, ito ay pre-emptive measures ng pamahalaan para maging ligtas ang lahat sakaling pumutok ulit ang Bulkan.… Continue reading Mandatory evacuation, ipinapatupad ngayon ng OCD sa mga residente sa mga residenteng nasa 6 kilometer expanded danger zone ng Bulkang Kanlaon

150K mahihirap na pamilya, makikinabang sa nakumpiskang frozen mackerel ng Bureau of Customs (BOC)

Tinatayang aabot sa 150,000 na mahihirap na pamilya ang makikinabang sa nakumpiskang frozen mackerel ng Bureau of Customs (BOC) noong Oktubre nitong taon. Ayon sa pamahalaan, handang ipamahagi ang mga frozen isda sa iba’t ibang local goverment units sa Metro Manila, Bulacan, at Cavite ngayong linggo. Aabot sa 21 container vans ng frozen mackerel, na… Continue reading 150K mahihirap na pamilya, makikinabang sa nakumpiskang frozen mackerel ng Bureau of Customs (BOC)

Pinay, bumida sa pagiging bahagi ng US Coast Guard Academy

Bumida ang isang Pinay mula Sagada, Mountain Province, sa pagiging bahagi at kadete ng U.S. Coast Guard Academy (USCGA). Si Cadet Second-class Arlyn P. Bangsoy, dating kadete ng Philippine Merchant Marine Academy o PMMA, ay naglakas-loob na mag-apply sa USCGA mula 2021 hanggang 2022 sa ilalim ng programa ng Philippine Coast Guard. Ayon kay Bangsoy,… Continue reading Pinay, bumida sa pagiging bahagi ng US Coast Guard Academy

DOH, nagbabala kontra pekeng Facebook page na nag-eendorso ng pekeng produkto

Ipinababatid ng Department of Health (DOH) sa publiko na may isang peke at mapanlinlang na Facebook page na nagpapanggap na opisyal na account ng ahensya ang nag-eendorso ng pekeng produkto. Ayon sa DOH, iniendorso ng pekeng page na ito sa Fcebook ang isang milk supplement na sinasabing lunas umano sa chronic insomnia. Mariing pinasinungalin ng… Continue reading DOH, nagbabala kontra pekeng Facebook page na nag-eendorso ng pekeng produkto

Ilang senador, nangangamba sa legalidad ng hindi paglalaan ng subsidiya para sa PhilHealth sa ilalim ng panukalang 2025 National Budget

Nagpahayag ng pangamba ang ilang mga senador sa hindi paglalaan ng government subsidy para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon. Una nang binahagi ni Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na inalis nila ang P74 billion na subsidiya para sa PhilHealth. Giniit ni Poe na dapat munang gamitin ng… Continue reading Ilang senador, nangangamba sa legalidad ng hindi paglalaan ng subsidiya para sa PhilHealth sa ilalim ng panukalang 2025 National Budget