Libreng serbisyong medikal para sa mga OFW at pamilya nito, tiniyak ng DMW sa itatayong Bagong Pilipinas Cancer Care Center sa Pampanga

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na libre ang lahat ng serbisyong medikal para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa itatayong Bagong Pilipinas Cancer Care Center sa San Fernando City, Pampanga. Ito ang pahayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa groundbreaking ng Bagong Pilipinas Cancer Care Center. Ang… Continue reading Libreng serbisyong medikal para sa mga OFW at pamilya nito, tiniyak ng DMW sa itatayong Bagong Pilipinas Cancer Care Center sa Pampanga

Senior law maker, ipinauubaya sa ehekutibo ang desisyon kaugnay sa pagbabalik ICC ng Pilipinas

Nasa kamay pa rin ng ehekutibo ang pag dedesisyon kung babalik ang Pilipinas sa Internationl Criminal Court (ICC) o hindi. Ito ang tugon ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers nang mahingan ng reaksyon kaugnay sa panawagan ng ilang kasamahang mambabatas na bumalik ang Pilipinas sa ICC. Isa na rito ang kasamang kongresista sa… Continue reading Senior law maker, ipinauubaya sa ehekutibo ang desisyon kaugnay sa pagbabalik ICC ng Pilipinas

Pagsasabit ng election paraphernalia sa hindi tamang lugar, babantayan ng QC LGU

Nagpapaalala ang Quezon City Government sa tamang pagpapaskil ng election materials para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections. Alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010, dapat ipaskil lamang ang election materials sa mga lugar na itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC). Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng election materials sa mga poste ng… Continue reading Pagsasabit ng election paraphernalia sa hindi tamang lugar, babantayan ng QC LGU

Mga lokal na pamahalaan, malaki ang papel sa pagpapatupad ng POGO ban sa katapusan ng taon

Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian na malaki ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng total ban sa mga philippine offshore gaming operator (POGO) sa pagtatapos ng taon. Ayon kay Gatchalian, ngayong nalalapit na ang deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., dapat bantayan ng mga LGU ang anumang kongregasyon at… Continue reading Mga lokal na pamahalaan, malaki ang papel sa pagpapatupad ng POGO ban sa katapusan ng taon

Chemical weapons prohibition bill, pasado na sa senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang abstention, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang magbabawal ng paggamit ng chemical weapons sa Pilipinas. Sa ilalim ng Senate bill 2871, layong ipagbawal ang development, production, stockpiling at paggamit ng chemical weapons sa bansa Sinabi ni Senate Committee on… Continue reading Chemical weapons prohibition bill, pasado na sa senado

Pulis na pumatay sa kapwa pulis sa Taguig City, nasampahan na ng reklamong murder— PNP

Nahaharap sa reklamong murder ang pulis na pumatay sa kapwa niya pulis sa Taguig City, kung saan dawit din ang kanyang asawang pulis sa insidente. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, isinampa ang reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office nitong nakaraang weekend. Nauna nang sumuko ang suspek, isang Lieutenant Colonel mula sa Taguig City… Continue reading Pulis na pumatay sa kapwa pulis sa Taguig City, nasampahan na ng reklamong murder— PNP

Emergency evacuation, ipinatutupad matapos na pumutok ang Bulkang Kanlaon— NDRRMC

Ipinatutupad na ang emergency evacuation upang masiguro ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, iniutos na ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Gilberto Teodoro, Jr. na agarang tulungan at ilikas ang mga apektadong residente upang maiwasan ang casualty. Inilikas… Continue reading Emergency evacuation, ipinatutupad matapos na pumutok ang Bulkang Kanlaon— NDRRMC

AFP, paiigtingin pa ang internal security operations kahit nabawasan ang NPA guerrilla front

Hindi titigil sa internal security operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kahit naibaba pa sa isa ang ‘weakened guerilla front’ ng New People’s Army (NPA). Ito ang sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kasabay ng anunsyo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tatlo… Continue reading AFP, paiigtingin pa ang internal security operations kahit nabawasan ang NPA guerrilla front

Bilang ng mga mag-aaral na nagpakamatay, tumaas; batas para sa mental health, welcome sa DepEd

Tumaas ang bilang ng mga batang nagpakamatay at nagtangkang magpakamatay. Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mayroong 254 na kaso ng suicide na naitala ngayong school year 2023-2024. Mas mataas ito kumpara sa 198 na kaso noong nakaraang taon at 138 noong 2022. Tumaas din ang bilang ng mga batang nagtangkang magpakamatay na… Continue reading Bilang ng mga mag-aaral na nagpakamatay, tumaas; batas para sa mental health, welcome sa DepEd

Batas na nag amyenda sa agricultural tariffication act, magbibigay ng mas malaking suporta sa mga rice farmers sa bansa

Inaasahan ni Senate President Chi Escudero na taas ang produksyon ng mga magsasaka sa tulong ng amyenda sa Agricultural Tariffication Law. Ayon kay Escudero, sa tulong ng bagong batas na ito ay makakatanggap ng mas malaking suporta ang mga magsasaka ng bigas dahil sa probisyon tungkol sa pagbibigay sa kanila ang farm machinery at equipment,… Continue reading Batas na nag amyenda sa agricultural tariffication act, magbibigay ng mas malaking suporta sa mga rice farmers sa bansa