1.58 trillion pesos na halaga ng investment pledges na pumasok sa bansa, naitala mula Enero hanggang Nobyembre ayon sa DTI Board of Investment

Pumalo na sa 1.58 trillion pesos ang nakalap ng DTI Board of Investment na pumasok sa bansa mula Enero hangang Nobyembre ngayong taon. Mas mataas ito ng 44% kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1.10 Trillion pesos sa kaparehong period. Ayon kay DTI Secretary Christina Roque na sa naturang halaga ng investment sa… Continue reading 1.58 trillion pesos na halaga ng investment pledges na pumasok sa bansa, naitala mula Enero hanggang Nobyembre ayon sa DTI Board of Investment

PH Gov’t, tuluy-tuloy ang pagsisikap para tulungan ang mga apektado ng nagdaang bagyo at gawing mas abot kaya ang bilihin ngayong darating na Pasko – Finance Sec. Ralph Recto.

Photo courtesy of Department of Finance (DOF)

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagsisikap ng gobyerno na gawing mas abot kaya ang bilihin ngayong kapaskuhan at maihatid ang tulong sa mga naging biktima ng bagyo kamakailan. Ayon kay Recto, ang November inflation outturn  ay indikasyon ng epektibong  interventions ng Marcos Jr. administration upang tugunan ang supply ng mga pangunahing bilihin partikular… Continue reading PH Gov’t, tuluy-tuloy ang pagsisikap para tulungan ang mga apektado ng nagdaang bagyo at gawing mas abot kaya ang bilihin ngayong darating na Pasko – Finance Sec. Ralph Recto.

Nasa P88-B buwis, nawawala sa gobyerno dahil sa paggamit ng pekeng PWD ID 

Aabot sa P88.2 billion ang nawalang buwis mula sa gobyerno nitong 2023 dahil sa paglaganap ng paggamit ng mga pekeng persons with disabilities (PWD) ID. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na may 8.5 million nang illegitimate PWD sa Pilipinas habang 1.8 million lang ang lehitimong… Continue reading Nasa P88-B buwis, nawawala sa gobyerno dahil sa paggamit ng pekeng PWD ID 

Pamahalaan, nangakong pananatilihin ang pagpapaganda sa labor market ng bansa

Target ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maparami pa ang mga disente at dekalidad na trabaho na maiaalok sa mga Pilipino. Ito ang inihayag ng NEDA matapos i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), at ipagmalaki nito ang patuloy na pagbaba ng ‘unemployment’ rate o bilang ng mga walang trabaho sa 3.9% sa ikatlong… Continue reading Pamahalaan, nangakong pananatilihin ang pagpapaganda sa labor market ng bansa

“Project Agila” ng Bangko Sentral ng Pilipinas, handa para paghusayin ang digital payment system ng bansa

Natapos na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng mga kalahok na financial institutions (FIs) ang pagsusuri para sa Project Agila, isang inisyatibong magpapahintulot sa FIs na maglipat ng pondo kahit sa labas ng karaniwang oras ng negosyo. Ang Project Agila ay isang proof-of-concept ng wholesale-level Central Bank Digital Currency (CBDC) ng BSP. Ang… Continue reading “Project Agila” ng Bangko Sentral ng Pilipinas, handa para paghusayin ang digital payment system ng bansa

Panukalang batas para maprotektahan ang mga endorsers laban sa investment scams, inihain sa senado

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas upang patawan ng parusa ang mga gumagawa ng investment scam at magtitiyak na hindi madadamay dito ang mga celebrity endorsers. Layon ng Senate Bill 2889 ni Padilla na iwasang maulit ang nangyari sa artistang si Nerizza “Neri” Naig-Miranda, na inaresto dahil sa reklamong syndicated estafa at… Continue reading Panukalang batas para maprotektahan ang mga endorsers laban sa investment scams, inihain sa senado

House tax Chief, kumpiyansang makakamit ng bansa ang target na inflation rate para sa taong 2024

Ikinalugod ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang naitalang 2.5 percent inflation rate para sa buwan ng Nobyembre. Sabi ni Salceda, kumpiyansa siya na makakamit ng bansa ang target na 2% hanggang 4% inflation rate para sa taong 2024. Bagay aniya na makakabuti sa pag-unlad ng bansa, at pagpapababa ng presyo ng… Continue reading House tax Chief, kumpiyansang makakamit ng bansa ang target na inflation rate para sa taong 2024

Pagpapa-igting ng trade relations ng Pilipinas sa Canada at WTO, pinalalakas na ng Pilipinas

Nakatutok ang Pilipinas sa pagpapalakas ng trade partnership nito sa Canada at iba pang miyembro ng World Trade Organization (WTO). Sa pulong kasama si WTO Director General Dr. Ngozi Okonjo-Iweala sa Malacañang (December 4), inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalaking plano ng bansa, upang pa-igtining ang trade at commerce ng Pilipinas sa mga… Continue reading Pagpapa-igting ng trade relations ng Pilipinas sa Canada at WTO, pinalalakas na ng Pilipinas

Inflation rate sa bansa, patuloy ang pagbaba – BSP

Welcome sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang naitalang November inflation na nasa 2.5%. Sa statement na inilabas ng BSP, pasok ito sa kanilang forecast range na nasa 2.2-3.0%. Sinabi ng Sentral Bank, patuloy ang pagbaba ng inflation at ito ay consistent sa kanilang assessment at inaasahang patuloy na lumalapit sa low-end ng target range sa… Continue reading Inflation rate sa bansa, patuloy ang pagbaba – BSP

Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng 13,527 CoCRoM sa Region 12

Asahan nang mabubura ang P939-milyong utang ng mga magsasaka sa SOCCKSARGEN Region. Ayon sa Departmentnof Agrarian Reform (DAR), pangungunahan bukas ni Pangulong Ferdomand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng 13,527 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoM) sa mga magsasaka. Gaganapin ang distribusyon sa Sarangani National Sports Center, sa Alabel, Sarangani. Aabot sa 11,699… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng 13,527 CoCRoM sa Region 12