PSAC, iminungkahi na gawing unti-unti ang nais na P100 minimum wage increase para sa mga manggagawa

Mas mainam kung uunti-untiin ang pagpapatupad ng isinusulong na P100 minimum wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa ganitong paraan ayon kay Private Sector Advisory Council (PSAC) Lead for Jobs Joey Concepcion, hindi mabibigla ang mga maliliit na negosyante at mas kakayanin ng mga ito na makasabay sa pagtataas ng minimum wage.… Continue reading PSAC, iminungkahi na gawing unti-unti ang nais na P100 minimum wage increase para sa mga manggagawa

Economic Development Group, tinalakay ang mga istratehiya para mapasigla ang pamumuhunan sa bansa

Upang paghusayin ang Philippine investment landscape, nag-convene ang Economic Development Group (EDG) upang talakayin ang mga istratehiya para gawing masigla ang pamumuhunan sa bansa. Sa pangunguna ni Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) Secretary Frederick Go, tinalakay ang agricultural productivity, enerhiya at ang kasalukuyang mga batas sa… Continue reading Economic Development Group, tinalakay ang mga istratehiya para mapasigla ang pamumuhunan sa bansa

Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting Program para sa maayos na patubig ng DILG at DBM, pormal na inilunsad sa Cebu

Pinirmahan ngayong araw sa Cebu City ang memorandum of agreement para sa programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Budget and Management (DBM) na naglalayong bigyang tugon ang pangangailangan ng sapat at malinis na suplay ng tubig ng nasa 75 local government units sa buong bansa na nasa 4th class… Continue reading Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting Program para sa maayos na patubig ng DILG at DBM, pormal na inilunsad sa Cebu

DOE, magsasagawa ng business-to-business matching event para isulong ang paggamit ng renewable energy

Nakatakdang magsagawa ng business-to-business matching event ang Department of Energy (DOE) bukas, Pebrero 22. Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, ito’y bilang bahagi ng kanilang hakbang para isulong ang paggamit ng renewable energy. Sa ilalim nito, sinabi ni Lotilla na maaalalayan ng pamahalaan ang mga dayuhang mamumuhunan na makahanap ng mga local partner sa bansa… Continue reading DOE, magsasagawa ng business-to-business matching event para isulong ang paggamit ng renewable energy

Benguet Province, idineklara nang “free” sa Avian flu ng DA

Pormal nang idineklara ng Department of Agriculture (DA) na “free na sa Avian influenza” ang Lalawigan ng Benguet, matapos ang dalawang taon mula nang makumpirma ang unang kaso ng H5N1 strain infection. Dahil dito bumaba na lang sa siyam ang bilang ng mga lalawigan na may kumpirmadong kaso at hindi pa nakaka-recover sa AI-free status.… Continue reading Benguet Province, idineklara nang “free” sa Avian flu ng DA

4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang apat na biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon dahil sa masamang panahon. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo flight DG 6881 at 6882 na mga biyaheng Maynila patungong Surigao at pabalik. Gayundin ang biyahe ng PAL Express flight 2P 2971 at 2972… Continue reading 4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Presyo ng isda sa Mega Q-Mart, bumaba na

Bumaba na ang presyo ng isda sa pamilihan ng Mega Q-Mart sa Quezon City. Aabot sa P20 hanggang P30 ang ibinaba sa presyo ng kada kilo ng isdang galunggong. Nasa P80 na lang ang kada kalahating kilo ng galunggong mula sa dating P90 hanggang P110 kada kalahating kilo. Matatandaang pumalo sa mahigit P200 hanggang P230… Continue reading Presyo ng isda sa Mega Q-Mart, bumaba na

Presyo ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyuhan ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City. Ito’y kasunod na rin ng pag-aalis ng closed fishing season na siyang inaasahang makapagpapataas sa produksyon ng isda na makapagpapababa naman sa presyo nito. Ayon sa ilang nagtitinda ng isda, kadalasang bumababa ang presyo ng isda tuwing sasapit ang panahon ng… Continue reading Presyo ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Inflation sa bansa, mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ayon sa mga ekonomista sa bansa

Inaasahang mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 2 to 4 percent ang inflation hanggang sa taong 2026. Sa isinagawang survey ng BSP sa mga ekonomista sa bansa, sinabi nito na para sa taong 2024 hanggang 2025 nasa tinatayang 3.9% to 3.4% ang inflation. Parehas ito sa pagtaya ng BSP,… Continue reading Inflation sa bansa, mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ayon sa mga ekonomista sa bansa

Transport groups at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, nagpulong na para sa iniaalok na modern jeepney 

Iprinisinta na ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson sa mga kinatawan ng transport group ang modern jeepney na balak nitong ipautang para sa PUV Modernization Program (PUVMP).  Sa pagpupulong kanina, isinama ni Singson ang Korean Manufacturer na Eon Company na gagawa ng electric modern jeepney na kanyang ipapautang sa mga tsuper at operators. … Continue reading Transport groups at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, nagpulong na para sa iniaalok na modern jeepney