Gobyerno, nakatutok upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation

Iginiit ngayon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na doble kayod ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng inflation. Ito ay kasunod ng inilabas na September inflation, kung saan pumalo ito ng 6.1 percent kumpara sa 5.3 percent noong Agosto. Ayon kay Diokno, hands on ang gobyerno para matiyak na nasa tamang polisiya at programa ang tinatahak ng bansa. Aniya,… Continue reading Gobyerno, nakatutok upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation

Presyo ng bigas, posibleng bumaba ng P36 kada kilo – DA

Posibleng bumaba sa P36 kada kilo ang presyo ng bigas ngayong Oktubre. Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban, ito ay bunsod ng pagdami ng ani at suplay ng bigas ngayong harvest season. Dagdag pa ng opisyal, posibleng lalong sumipa ang presyo ng bigas kung hindi nagtakda ng price cap si Pangulong Ferdinand… Continue reading Presyo ng bigas, posibleng bumaba ng P36 kada kilo – DA

Pamamahagi ng one-time ayuda sa mga nalalabi pang maliliit na rice retailer, tuloy kahit na-lift na ang EO39

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga maliliit na rice retailer. Ito’y kahit pa pormal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapawalang bisa sa pagpapatupad ng Executive Order no. 39 o ang pagtataka ng price ceiling sa bigas ngayong araw. Ayon kay DTI… Continue reading Pamamahagi ng one-time ayuda sa mga nalalabi pang maliliit na rice retailer, tuloy kahit na-lift na ang EO39

Mga liblib na paaralan sa bansa, nakatanggap ng tulong mula sa Meralco

Muling nagtulungan ang One Meralco Foundation at Lenovo Philippines Inc. para magbigay ng tulong sa mga liblib na paaralan sa bansa. Layon nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon, lalo na ang mga eskwelahan na nasa malalayong komunidad. Kaugnay nito ay namahagi ng mga laptop ang dalawang organisasyon para sa iba’t ibang paaralan sa Sarangani, Sultan… Continue reading Mga liblib na paaralan sa bansa, nakatanggap ng tulong mula sa Meralco

Presyo ng mga pangunahing produkto, bahagyang tataas dahil sa price rounding scheme ng DTI

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pananatili ng suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing produkto, hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan. Ito ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual ay dahil sa ipatutupad nila ang isang memorandum circular mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na price rounding scheme sa ₱0.25. Paliwanag… Continue reading Presyo ng mga pangunahing produkto, bahagyang tataas dahil sa price rounding scheme ng DTI

DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang pagbubukas ng Consumer Welfare Month

Hiniling ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang pakikiisa ng publiko, na tangkilikin ang mga produkto na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang mensahe ng kalihim nang pangunahan nito ang pagsisimula ng Consumer Welfare Month tuwing buwan ng Oktubre, salig sa umiiral na Consumer Welfare Act. Ang tema ng okasyon… Continue reading DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang pagbubukas ng Consumer Welfare Month

Economic team, nakatakdang repasuhin ang revenue at growth prospect ng bansa

Nakatakdang repasuhin ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang revenue at growth prospect ng bansa, sa gitna ng mga panuklang batas na hindi maipapasa ngayong taon. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, magpupulong ang cabinet-level Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa October 19, upang pag-aralan ang economic performance ng bansa partikular… Continue reading Economic team, nakatakdang repasuhin ang revenue at growth prospect ng bansa

Bagong Philippine Lottery System, inilunsad ng PCSO

Photo courtesy of PCSO FB

Inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bagong Philippine Lottery System nito na makatutulong para mapabilis ang transaksyon ng ahensya. Layon nitong gawing centralized ang sales report, pag-generate ng winning numbers, at mas accessible na pag-validate ng mga ticket. Nabatid na gumagamit ng dalawang magkaibang lottery system ang PCSO para sa mga lotto outlet… Continue reading Bagong Philippine Lottery System, inilunsad ng PCSO

Listahan ng mga kandidato para sa tatlong mga posisyon sa MIC, maaaring isumite na kay PBBM ngayong linggo – DOF

Posibleng maisumite na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong matataas na posisyon ng Maharlika investment corporation (MIC) – ito ang para sa president and CEO ng MIC, regular directors at independent directors. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department… Continue reading Listahan ng mga kandidato para sa tatlong mga posisyon sa MIC, maaaring isumite na kay PBBM ngayong linggo – DOF

Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas

Tumaas ng hanggang ₱30 ang kada tray ng itlog sa Marikina Public Market kumpara sa iba pang pamilihan na nasa ₱20 ang itinaas. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa nasabing pamilihan, ang small size na itlog ay nasa ₱210 na ang kada tray mula sa dating ₱180 na kada tray. Nasa ₱220 naman ang kada… Continue reading Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas