DOLE sa mga employer: Ayusin ang wage distortion sa mga empleyado

Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na magbigay lamang ng tamang pasweldo sa kanilang mga empleyado. Ito ang inihayag ng DOLE, makaraang maglabas ng Wage Advisory number 1 ang National Wages and Productivity Commission (NWPC), na nag-aatas sa mga employer na itama ang anumang wage distortion. Magugunitang inaprubahan ng NWPC… Continue reading DOLE sa mga employer: Ayusin ang wage distortion sa mga empleyado

SSS, nagsagawa ng ‘run after contribution evaders’ sa Muntinlupa

Nagsagawa ng ‘run after contribution evaders’ ang Social Security System (SSS) sa mga delinquent employer sa Ayala Alabang sa Lungsod ng Muntinlupa, ngayong araw. Ayon kay SSS Acting Senior Vice President for NCR Operations Group Rita Aguja, nasa pitong delinquent employer ang binigyan ng notice of violation. Sa nasabing bilang ng mga employer, nasa 84… Continue reading SSS, nagsagawa ng ‘run after contribution evaders’ sa Muntinlupa

Panukalang gawing 24 oras ang operasyon ng MRT-3, malabo pang maipatupad dahil sa night time maintenance

Malabo pang maipatupad ang 24-hour operation ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3, dahil sa hindi nito kayang i-delay o paiksiin ang night time maintenance activities ayon sa pamunuan nito. Ayon kay MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar Bongon, sumasailalim sa scheduled maintenance activities ang lahat ng train sets nito matapos ang huling biyahe sa… Continue reading Panukalang gawing 24 oras ang operasyon ng MRT-3, malabo pang maipatupad dahil sa night time maintenance

Pamasahe sa eroplano, tataas sa susunod na buwan dahil sa pagmahal ng fuel surcharge

Asahan na ang pagtaas ng pamasahe sa mga eroplano sa susunod na buwan. Ito ang inanunsiyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) makaraang itaas sa Level 6 ang ipinapataw nilang fuel surcharge. Ibig sabihin, maglalaro sa P185 hanggang P665 ang inaasahang dagdag singil sa pamasahe para sa domestic flights. Habang asahan din ang P610 hanggang P4,538… Continue reading Pamasahe sa eroplano, tataas sa susunod na buwan dahil sa pagmahal ng fuel surcharge

Shortage sa suplay ng papel, hindi totoo — DTI

Walang kakulangan sa suplay ng papel. Ito ang tiniyak ni Trade Sec. Alfredo Aascual matapos itong mag-ikot sa Divisoria sa Maynila. Ayon kay Pascual, kumpleto ang mga ibinibentang school supplies sa mga bangketa gayundin sa mga kilalang tindahan. Paliwanag ni Pascual, sa mga ganitong pagkakataon, malinaw na walang kakulangan ng anumang suplay ngayong paparating ang… Continue reading Shortage sa suplay ng papel, hindi totoo — DTI

Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

Nag-abiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang customer nito sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, maging sa Bacoor, Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite, mula Aug. 21 hanggang Aug. 22 Ito ay dahil sa naka-iskedyul na pag-shutdown nito ng mga planta sa Putatan, Muntinlupa.… Continue reading Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

30% additional pay at double pay sa manggagawang papasok ngayong holiday, ipinaalala ng DOLE

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa tamang pasweldo sa mga empleyado para sa dalawang araw na holiday ngayong Agosto. Ayon sa Labor Advisory No. 17 Series of 2023 na inilabas ng DOLE, idineklarang special non-working holiday ang August 21 at regular holiday ang August 28. Dahil dito, kung… Continue reading 30% additional pay at double pay sa manggagawang papasok ngayong holiday, ipinaalala ng DOLE

Planta ng school supplies sa Malabon, dinadagsa na ng mga magulang bago ang simula ng klase

Higit dalawang linggo bago ang pasukan ng klase, dinadayo na ng mga magulang ang pabrika ng school supplies sa Potrero Malabon. Ayon kay Jennifer Yu ng Keng Hua Paper Products Co. Inc., habang papalapit ang araw ng pasukan asahan pa raw na marami ang mamimili sa pabrika. Kumpara sa pamilihan sa labas, mas mura ang… Continue reading Planta ng school supplies sa Malabon, dinadagsa na ng mga magulang bago ang simula ng klase

DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan upang tiyakin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon

Lumagda ang Department of Trade and Industry at ang Bangsamoro Ministry of Trade, Investments, and Tourism ng isang Memorandum of Agreement na magtitiyak sa pagkakaroon ng economic growth at development sa rehiyon. Binigyang diin ni DTI Secretary Alfredo Pascual na layon ng nasabing kasunduan na maisulong ang business development sa mga targeted areas sa Bangsamoro… Continue reading DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan upang tiyakin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon

Hindi pagkonsulta sa DPWH at MMDA sa pag-apruba ng mga reclamation projects, pinagtaka ng mga senador

Kinuwestiyon ng mga senador ang hindi pagkakasama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pag-apruba ng mga reclamation projects sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Works, binahagi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na wala silang kinalaman at hindi sila kinokonsulta sa pagdedesisyon tungkol sa mga reclamation projects. Hindi aniya sila… Continue reading Hindi pagkonsulta sa DPWH at MMDA sa pag-apruba ng mga reclamation projects, pinagtaka ng mga senador