Manila Water, pinalawak pa ang customer base sa 7.6 million

Pinalawak pa ng Manila Water hanggang 7.6 milyon ang kanilang customer base sa East Zone. Sa ngayon, mayroon na silang 8,247 bagong domestic at non-domestic water connections sa unang quarter ng taon. Ito ay 40 percent na ng kanilang bagong water service connection target para sa buong taong ito. Sa kabuuang bilang ng bagong connections,… Continue reading Manila Water, pinalawak pa ang customer base sa 7.6 million

LTFRB, itinangging di pa nakokolekta ang P10-M na multa na ipinataw sa Grab

Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alegasyong di pa nito nakokolekta ang P10-million na multa na ipinataw noon sa ride-hailing app na Grab. Binabatikos ang LTFRB dahil masyado umanong maluwag sa Grab dahil sa kabila na limang taon na ang lumipas mula nang maging final and executory ang kautusan, hindi pa… Continue reading LTFRB, itinangging di pa nakokolekta ang P10-M na multa na ipinataw sa Grab

Panukalang VAT refund para sa mga dayuhang turista, inaasahang maisasabatas ngayong taon

Ayon kay Committee Chairman Senador Sherwin Gatchalian, sa ilalim ng panukala ang VAT refund ay applicable lang sa single receipt ng mga produktong binili sa bansa na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3,000.

MIAA, nangakong tatapusin ang ginagawa nilang electrical audit sa NAIA upang ‘di na maulit ang mga nangyaring power outage sa paliparan

Muling tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kanilang pangakong tatapusin ang ginagawang electrical audit gayundin ang pagsasaayos ng kanilang mga pasilidad. Ito ay para hindi na maulit ang nangyaring power outage partikular na sa NAIA Terminal 3 noong Mayo 1, at nito lang Hunyo 9 na nakaapekto sa libu-libong pasahero. Ayon sa MIAA,… Continue reading MIAA, nangakong tatapusin ang ginagawa nilang electrical audit sa NAIA upang ‘di na maulit ang mga nangyaring power outage sa paliparan

Central Philippines Tourism Expo, gaganapin sa Iloilo City

Gaganapin sa lungsod ng Iloilo ang unang Central Philippines Tourism Expo.

Biyahe ng Cebu Pacific mula Albay pabalik ng Maynila, nakansela — CAAP

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado ang ilang biyahe ng Cebu Pacific na mula Maynila patungong Daraga sa Albay at pabalik, bunsod ng iba’t ibang dahilan. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, kabilang sa mga biyaheng nakansela ay ang Cebu Pacific flight 5J 326 na mula Daraga pabalik ng Maynila.… Continue reading Biyahe ng Cebu Pacific mula Albay pabalik ng Maynila, nakansela — CAAP

Department of Energy, nakapagtala ng ₱6.8-B halaga ng energy efficiency investments

Nakapagtala ang Department of Energy (DOE) ng aabot sa ₱6.8 bilyong halaga ng energy efficiency investments, batay sa Annual Energy Efficiency and Conservation at Annual Energy Consumption Reports na isinumite ng designated establishments para sa compliance period ng 2021-2022. Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ikinalugod niya na ang designated establishments na nagkakaroon na ng… Continue reading Department of Energy, nakapagtala ng ₱6.8-B halaga ng energy efficiency investments

ERC, naniniwalang dapat tularan ng ibang distribution utilities ang More Power sa bill deposit refund at mababang power rate

Hinimok ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta ang iba’t ibang power distribution utilities, na gayahin ang ginawang bill deposit refund ng More Electric and Power Corporation (More Power). Ito ay matapos purihin ni Dimalanta ang More sa maayos nitong pamamalakad, at pagsunod sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers kasunod ng ipinatupad… Continue reading ERC, naniniwalang dapat tularan ng ibang distribution utilities ang More Power sa bill deposit refund at mababang power rate

Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Nag-anunsiyo na ang iba’t ibang kumpanya ng langis hinggil sa ipatutupad na taas presyo sa kanilang mga produkto. Simula bukas, Hunyo 13, P1.20 ang umento sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.40 naman ang umento sa kada litro ng diesel. Alas-12:01 mamayang hatinggabi, epektibo ang oil price hike ng kumpanyang Caltex habang ala-6 naman… Continue reading Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa destinasyon dulot ng habagat na hinihila ng bagyong Chedeng. Kabilang sa mga nakanselang biyahe ngayong araw… Continue reading Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon