QC Mayor Joy Belmonte: Gawing sentro ng Pasko ang pamilya

Sa pagdiriwang ng kapaskuhan, umaasa si Quezon City Mayor Joy Belmonte na pahahalagahan ng bawat isa ang pamilya. Sa kanyang Christmas message, binigyang diin ng alkalde na higit pa sa materyal na bagay, ang diwa ng Pasko ay nasa pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat pamilya. ”Sa kabila ng komersyalismo, ang pamilya pa rin ang sentro… Continue reading QC Mayor Joy Belmonte: Gawing sentro ng Pasko ang pamilya

GSIS, nanguna sa Project HUB yearend meet

Pinangunahan ni Government Service Insurance System (GSIS) ang quadripartite meeting kung saan nagsama-sama ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ng Quezon City Local Government Unit (LGU). Dito pinag usapan ang nagawa patungkol sa Project HUB proposal, kabilang ang mga susunod na hakbang para sa taong 2025. Ang… Continue reading GSIS, nanguna sa Project HUB yearend meet

Ibayong pag-iingat, panawagan ng isang mambabatas kasunod ng naitalang mataas na kaso ng TB sa Tondo

Nanawagan si House Deputy Majority Leader Janette Garin sa publiko na maging maingat matapos madiagnose ng Médicins Sans Frontières (MSF), isang grupo ng mga doktor, ang nasa 1,280 na residente ng Tondo Manila na may tuberculosis. Aniya nakakabahala ito at kailangan ng kagyat na tugon mula sa pamahalaan. Sabi pa ng Iloilo First District Representative… Continue reading Ibayong pag-iingat, panawagan ng isang mambabatas kasunod ng naitalang mataas na kaso ng TB sa Tondo

Pagtangkilik sa mga pelikulang kalahok sa MMFF, pinanawagan ni Senadora Imee Marcos

Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang publiko na suportahan at tangkilikin ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong kapaskuhan. Ayon kay Senadora Imee, hindi lang para sa kasiyahan ang panunuod ng mga pelikula sa MMFF, kundi para na rin mas mapalakas ang pelikulang Pilipino. Giit ng mambabatas, ang MMFF ay pagkakataon… Continue reading Pagtangkilik sa mga pelikulang kalahok sa MMFF, pinanawagan ni Senadora Imee Marcos

LRT-2, magpapatupad ng shortened operations sa Bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ito ng shortened operations sa December 24 at December 31. Ito ay upang bigyang-daan ang kanilang frontliners na makasama ang pamilya sa pagdiriwang ng Noche Buena at Media Noche. Batay sa abiso ng LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Antipolo at Recto Station ay… Continue reading LRT-2, magpapatupad ng shortened operations sa Bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Meralco, tiniyak ang kahandaan na tumugon sa mga posibleng problema sa serbisyo ng kuryente ngayong Kapaskuhan

Nakahandang tumugon 24/7 ang mga tauhan ng Manila Electric Company (Meralco) sa anumang posibleng maging problema sa serbisyo ng kuryente ngayong kapaskuhan. Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, hinihimok nila ang mga customer na maging mapagmatyag sa ligtas na paggamit ng kuryente ngayong kapaskuhan. Nagbigay din ang Meralco ng… Continue reading Meralco, tiniyak ang kahandaan na tumugon sa mga posibleng problema sa serbisyo ng kuryente ngayong Kapaskuhan

‘Blue alert’ status, nakataas na sa Metro Manila ngayong Pasko, ayon sa MMDA

Nakataas na sa ‘blue alert’ status ang operations center ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC). Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), epektibo ito simula December 23 hanggang January 6. Ibig sabihin nito, aktibo ang kalahati ng pwersa ng Office of Civil Defense (OCD), at iba pang ahensya ng pamahalaan sa… Continue reading ‘Blue alert’ status, nakataas na sa Metro Manila ngayong Pasko, ayon sa MMDA

Valenzuela City LGU, nagtalaga na ng Firecracker and Pyrothecnic Devices Display Zone

Ipinag-utos na ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang pagtatalaga ng Firecracker and Pyrothecnic Devices Display Zone sa mga barangay sa lungsod. Sa 33 barangay, hindi lahat ay pinayagan na maglagay ng Firecracker and Pyrothecnic Devices Display Zone. Ang kautusan ng alkalde ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinumang indibidwal, entity… Continue reading Valenzuela City LGU, nagtalaga na ng Firecracker and Pyrothecnic Devices Display Zone

Rider, sugatan matapos mabangga ng kotse sa Marcos Highway sa Pasig

Sugatan ang isang motor rider matapos mabangga ng isang kotse sa Marcos Highway sa Brgy. Dela Paz sa Pasig City Nakabulagta pa ngayon ang lalaking motor rider na tumilapon matapos ang aksidente at kasalukuyan nang nirespondehan ng Pasig City Rescue Ayon sa tauhan ng Barangay na rumesponde, nangyari ang aksidente mag a alas 7 ng… Continue reading Rider, sugatan matapos mabangga ng kotse sa Marcos Highway sa Pasig

BI port personnel buong pwersang magtatrabaho ngayong holiday season

Buong pwersa ang Bureau of Immigration (BI) port personnel ngayong Kapaskuhan, para siguraduhing maayos ang biyahe ng libu-libong pasahero sa mga paliparan, at iba pang port of entry and exit sa buong bansa. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, naka-deploy na ang mga frontline personnel ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport, pati na… Continue reading BI port personnel buong pwersang magtatrabaho ngayong holiday season