PTCFOR, sinuspinde sa Metro Manila dahil sa Asia-Pacific Ministerial Conference— PNP

Ipinatupad na kaninang madaling araw ng Philippine National Police (PNP) ang suspension ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa buong Metro Manila ngayong linggo. Ang pagsuspinde sa PTCFOR ay dahil sa gaganaping Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction. Ang Pilipinas ang host sa malaking pagpupulong na inaasahang dadaluhan ng libu-libong delegado. Sa… Continue reading PTCFOR, sinuspinde sa Metro Manila dahil sa Asia-Pacific Ministerial Conference— PNP

MIAA, may paglilinaw kaugnay ng VIP service sa NAIA

Nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga maling kuro-kuro hinggil sa kanilang VIP service, partikular ang Meet-and-Assist Service (MAAS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa isang pahayag, itinanggi ng MIAA ang mga paratang na maaaring malampasan ng mga pasahero ang mga proseso sa paliparan kapalit ng P800 bayad. Binigyang-diin ng MIAA na… Continue reading MIAA, may paglilinaw kaugnay ng VIP service sa NAIA

NAIA T4, isasailalim sa renovation sa November 6

Ikakasa ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) pagsasagawa nito ng renovation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 simula Nobyembre 6, 2024, upang mapabuti ang imprastruktura at karanasan ng mga pasahero sa nasabing paliparan. Sa isang pahayag ng NNIC, sinabi nito na kanilang pagtutuunan ng pansin ang mga safety upgrade, pagpapabuti ng daloy ng… Continue reading NAIA T4, isasailalim sa renovation sa November 6

Ilang sementeryo sa QC, maghihigpit na ng seguridad bago ang Undas

Handa na ang mga sementeryo sa Lungsod Quezon para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Barangay Tandang Sora, magbubukas na ito sa publiko 24 oras simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2. Maghihigpit na sila sa seguridad sa loob at labas ng sementeryo upang matiyak ang ligtas at maayos na… Continue reading Ilang sementeryo sa QC, maghihigpit na ng seguridad bago ang Undas

Malabon LGU, pinaghahandaan na ang paggunita ng Undas

Handa na ang Malabon City local government para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2. Sa abiso ng lokal na pamahalaan, maglalagay ito ng Command Post para pangasiwaan ang seguridad at kaayusan sa mga sementeryo. Ayon kay Mayor Jennie Sandoval, titiyakin ng LGU na matutugunan ang pangangailangan ng publiko.… Continue reading Malabon LGU, pinaghahandaan na ang paggunita ng Undas

Electric QCity bus, aarangkada na

Malapit nang lumarga ang Electric QCity Bus ng Quezon City Government. Inanunsyo ito ni QC Mayor Joy Belmonte na bahagi ng 14-point agenda ng pamamahala ng alkalde. Ayon sa alkalde, 8 electric QCity bus ang malapit nang bumiyahe sa lungsod. Tampok dito ang 41 seating capacity, at wheelchair ramp at area para sa PWDs. May… Continue reading Electric QCity bus, aarangkada na

PAOCC, iginiit na matibay ang ebidensya laban sa nahuling ‘big boss’ ng POGO sa Laguna

May pinanghahawakang matibay na ebidensya ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para madiin ang nahuling Big Boss ng Lucky South 99 na si Lyu Dong. Ito ang iginiit ni PAOCC Spokesperson Winston John Casio kasunod ng pagkakaaresto kay Lyu Dong kagabi sa isang resort sa Biñan, Laguna. Sa PIA Presscon, sinabi ni Casio na malaking… Continue reading PAOCC, iginiit na matibay ang ebidensya laban sa nahuling ‘big boss’ ng POGO sa Laguna

Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Oktubre

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na bababa ang kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre. Ayon kay Meralco Spokesman at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, P0.36 per kWh ang inaasahang mababawas sa buwanang billing. Paliwanag ni Zaldarriaga, dulot ito ng pagbaba ng transmission charge na ipinapasa ng National Grid Corporation… Continue reading Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Oktubre

Bagong NCRPO Chief, gagamit ng teknolohiya sa kanyang bagong trabaho

Planong gamitin ni bagong upong NCRPO Chief PMGEN. Sidney Hernia ang teknolohiya para labanan ang krimen at imonitor nito ang mga tauhan nito. Sa ginawang turnover ceremony kahapon sa Camp Bagong Diwa, sinabi ni Hernia na nais niyang i-modernize ang paglaban sa krimen sa kanyang nasasakupan. Ito rin ang kanyang plano para mabantayan ng maayos… Continue reading Bagong NCRPO Chief, gagamit ng teknolohiya sa kanyang bagong trabaho

Panibagong round ng taas bayarin sa NAIA, ipinatupad ng bagong operator nito

Itinaas ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ang meet and assist service fees nito mula sa dating P800, ngayon ay P8,000 na kada tao. Nagdagdag din ang NNIC ng 3 service options na nagkakahalaga ng hanggang P50,000 para sa hanggang 9 na pasahero, P100,000 para sa 10 to 20 passengers at P140,000 para sa 21… Continue reading Panibagong round ng taas bayarin sa NAIA, ipinatupad ng bagong operator nito