Bagong QCPD Chief, hinamon ni Mayor Belmonte na gawing prayoridad ang seguridad ng mga taga-Quezon City

Hinamon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang bagong liderato ng Quezon City Police District (QCPD) na iprayoridad ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan ng lungsod Quezon. Apela ito ng alkalde matapos italaga bilang bagong acting chief ng QCPD si PCol. Melecio Buslig, Jr., kapalit ni PBGen. Redrico Maranan. Sa panig ni General Maranan umaasa… Continue reading Bagong QCPD Chief, hinamon ni Mayor Belmonte na gawing prayoridad ang seguridad ng mga taga-Quezon City

Halos 200 personalidad, inaasahan ng COMELEC-NCR na maghahain ng kandidatura sa pagka-kongresista

Aabot sa halos 200 personalidad ang inaasahan ng Commission on Elections-National Capital Region na maghahain ng kandidatura sa pagka-kongresista. Ito’y sa buong panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance para sa 2025 midterm elections simula ngayong araw, October 1 at magtatapos sa October 8, 2024. Sa ambush interview kay… Continue reading Halos 200 personalidad, inaasahan ng COMELEC-NCR na maghahain ng kandidatura sa pagka-kongresista

Pasig City Hall of Justice, nakatanggap ng bomb threat, ayon sa PNP

Nakatanggap ng bomb threat ang Pasig City Hall of Justice ngayong umaga. Agad na pinalabas ang mga kawani at ipinagbabawal na rin ang pagpasok sa tanggapan habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pasig Philippine National Police (PNP). Ayon sa Pasig PNP, naganap ito bandang alas-nuebe ng umaga at ang lahat ng pagdinig ay kanselado na ngayong… Continue reading Pasig City Hall of Justice, nakatanggap ng bomb threat, ayon sa PNP

Ilang reelectionist na konsehal sa QC, kasama sa mga unang nagsumite ng COC sa Comelec

Tuloy tuloy na ang pagdating ng mga kandidatong naghahain ng Certificate of Candidacy para sa 2025 Midterm Elections dito sa Amoranto Sports Complex As of 11am, nasa siyam na kandidato na ang naghain ng COC na karamihan ay mga incumbent na konsehal. Kabilang dito sina Dist 2 Coun. Mikey Belmonte, Dist 5 Coun. Alfred Vargas,… Continue reading Ilang reelectionist na konsehal sa QC, kasama sa mga unang nagsumite ng COC sa Comelec

Nasa 61 na motorista, natiketan ng MMDA sa ikinasang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes

Umabot sa 61 na mga motorista ang natiketan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force sa isinagawang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes. Layon ng operasyong ito na alisin ang mga sagabal sa mga pangunahing kalsada at Mabuhay Lanes na alternatibong ruta ng mga motorista. Ayon sa MMDA, bukod sa mga… Continue reading Nasa 61 na motorista, natiketan ng MMDA sa ikinasang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes

In-person classes para sa PDLs sa Manila City Jail, ikinagalak ng CHR

Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang kauna-unahang in-person classes para sa Persons Deprived of Liberty sa Manila City Jail na inisyatiba ng Polytechnic University of the Philippines Open University (PUPOU). Sa kanilang pahayag, nanatiling determinado ang CHR sa pagpapatibay na ang edukasyon ay pangunahing karapatan ng lahat, kabilang ang mga PDL at ang… Continue reading In-person classes para sa PDLs sa Manila City Jail, ikinagalak ng CHR

Arraignment kay dating Bamban Mayor Alice Guo sa kasong Graft sa Valenzuela RTC, ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ng Valenzuela City Regional Trial Court branch 282 ang pagbasa sana ng sakdal laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y may kuagnayan sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ito ang dahilan ayon kay Bureau of Jail Management… Continue reading Arraignment kay dating Bamban Mayor Alice Guo sa kasong Graft sa Valenzuela RTC, ipinagpaliban

Rillo-Romualdez ambulatory care center, binuksan sa QC

Pinangunahan ni Quezon City Rep. Marvin Rillo kasama si East Avenue Medical Center (EAMC) chief Dr. Alfonso Nuñez III ang pagbubukas ng Rillo-Romualdez Ambulatory Care Center. Sa pamamagitan nito ay makakabenepisyo ang mga pasyente ng libreng serbisyong medikal gaya ng clinical consultations, endoscopy, ultrasound, iba pang diagnostic services, at laboratory tests. Mayroon ding libreng hemodialysis… Continue reading Rillo-Romualdez ambulatory care center, binuksan sa QC

Free veterinary services, alok ng Taguig LGU bilang pakikiisa sa World Rabies Day

Bilang pakikiisa sa World Rabies Day, mag-aalok ang Lungsod ng Taguig ng libreng veterinary services para sa mga alagang hayop sa darating na Pet Summit nito sa September 30 sa Taguig City University Auditorium. Bukod sa mga veterinary services, magkakaroon din ng PAWshion Show kung saan maaaring ibida ng mga pet owners ang kanilang mga… Continue reading Free veterinary services, alok ng Taguig LGU bilang pakikiisa sa World Rabies Day

Distribusyon ng Local Senior Pension, sisimulan na sa Miyerkules ng Pasig City LGU

Uumpisahan na ng Pasig City Government ang pamamahagi ng Local Senior Pension sa mga pensioner sa lungsod simula sa Oktubre 2-4 , 2024. Sa abiso ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Pasig City LGU, ang bigay na pension ay para sa ikatlong quarter ng taon mula Hulyo hanggang Setyembre. Para sa mga non-ATM… Continue reading Distribusyon ng Local Senior Pension, sisimulan na sa Miyerkules ng Pasig City LGU