16 pamilya sa Marikina City, inilikas na matapos itaas sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River

Nakapag-evacuate na ang Marikina City LGU matapos umakyat na sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina river ngayong hapon. As of 12:45 ng tanghali nasa 16 na pamilya na ang naitalang nailikas ng Marikina Rescue 161 dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga low lying barangays sa lungsod. Sa barangay Nangka,… Continue reading 16 pamilya sa Marikina City, inilikas na matapos itaas sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River

P2-M halaga ng smuggled meat mula China, nasabat sa Pasay City – DA

Nasa 1,034 kilos ng frozen meat products ang nasamsam ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang joint operation sa Pasay City kamakailan. Kasama ang National Meat Inspection Service (NMIS), Philippine Coast Guard (PCG) at Pasay City LGU, sinalakay ang tatlong business establishment at nakuha ang mga smuggled frozen Peking ducks, black chickens, kalapati at iba… Continue reading P2-M halaga ng smuggled meat mula China, nasabat sa Pasay City – DA

Manila LGU, naka-monitor sa sitwasyon kaugnay ng Bagyong Egay

Patuloy na nakabantay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa lagay ng panahon dulot ng Bagyong Egay. Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, nakahanda na ang kanilang ang mga emergency equipment gayundin ang evacuation sites at food packs sa sandaling kailanganin. Umiikot na rin ang kanilang mga tauhan katuwang ang Department… Continue reading Manila LGU, naka-monitor sa sitwasyon kaugnay ng Bagyong Egay

ASEAN Ladies Foundation, magdaraos ng ASEAN Food Festival bilang pagdiriwang ng ASEAN Day

Magdaraos ang ASEAN Ladies Foundation Inc. ng taunang ASEAN Food Festival sa darating na August 6, bilang pagdiriwang ng ASEAN Day sa August 8. Ang nasabing aktibidad ay gagawin sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City kung saan tampok ang mga signature dishes ng ASEAN cuisine. Itatampok rin sa nasabing aktibidad… Continue reading ASEAN Ladies Foundation, magdaraos ng ASEAN Food Festival bilang pagdiriwang ng ASEAN Day

PPA, nagkasa ng soup kitchen para sa mga stranded na pasahero sa pantalan

Namahagi ng libreng lugaw at naghandog ng film showing ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga naistranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan partikular na sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon #EgayPH. Batay sa datos ng PPA, aabot sa humigit kumulang 3 libong pasahero ang naitala nilang stranded ngayon sa mga pantalan batay… Continue reading PPA, nagkasa ng soup kitchen para sa mga stranded na pasahero sa pantalan

Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Itinaas na sa “Yellow Alert” status ang Quezon City dahil kay bagyong #EgayPH. Ibig sabihin, may mga paghahanda nang ginagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) matapos itaas ang tropical cyclone wind signal #1 ang Metro Manila. Ayon kay QCDRRMO Spokesperson Pechie de Leon, may koordinasyon na sila sa lahat ng… Continue reading Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Eastern portion ng Babuyan Islands, itinaas na sa typhoon signal no. 5 ng PAGASA dahil sa bagyong Egay

Itinaas na sa tropical cyclone wind signal no. 5 ang eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Island) dahil sa Super Typhoon Egay. Ayon ito sa ulat ng PAGASA kaninang alas-2 ng hapon. Asahan na makakaranas ng malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lalawigan. Huling namataan ang sentro ng bagyong Egay sa layong 230km East North… Continue reading Eastern portion ng Babuyan Islands, itinaas na sa typhoon signal no. 5 ng PAGASA dahil sa bagyong Egay

Ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr. ‘Generally Peaceful,’ ayon sa PNP

Pangkalahatang naging mapayapa ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw. Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. batay sa kanilang naging assessment. Bagaman, may ilang eskena kanina tulad ng pag agaw-eksena ng isang welgista mula sa August… Continue reading Ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr. ‘Generally Peaceful,’ ayon sa PNP

QC LGU, pinayuhan ang mga raliyista na huwag maging pasaway sa SONA sa Lunes

Pinaalalahanan ng Quezon City government ang mga raliyista na sumunod sa mga batas at regulasyon sa kanilang aktibidad sa Lunes. Ginawa ni Mayor Joy Belmonte ang apela matapos payagan ang parehong pro at anti-administration rallies sa ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa alkalde, lahat ng pro-administration groups ay magdadaos ng kanilang… Continue reading QC LGU, pinayuhan ang mga raliyista na huwag maging pasaway sa SONA sa Lunes

QC LGU, magde-deploy ng mga sasakyan sa Lunes para makatulong sa commuters

Magpapakalat ng maraming sasakyan ang Quezon City government sa Lunes para sa commuters na maaapektuhan ng mga aktibidad sa Commonwealth Avenue kasabay ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Bukod sa QCity Bus, ide-deploy na rin ang mga service vehicle mula sa 142 barangay sa lungsod at tatlong unit pa ng bus mula sa… Continue reading QC LGU, magde-deploy ng mga sasakyan sa Lunes para makatulong sa commuters