Pangulong Marcos Jr., pinasuspinde ang klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lunes sa Metro Manila dahil sa bagyong #EgayPH at transport strike

Suspendido ang klase at pasok sa trabaho sa National Capital Region (NCR) sa Lunes. Ito ang nilalaman ng Memorandum Circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Inisyu ang nasabing Memorandum Circular upang matiyak na din ang kaligtasan ng bawat isa sa posibleng epektong maidulot ng bagyong Egay at makaiwas sa anumang posibleng abala na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pinasuspinde ang klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lunes sa Metro Manila dahil sa bagyong #EgayPH at transport strike

Ilang kalsada sa NCR, sumasailalim sa reblocking at repairs ng DPWH

Bago maghatinggabi, pinasimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs ng ilang kalsada sa Metro Manila na tatagal hanggang sa Lunes ng umaga, Hulyo 24. Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang iwasan ang mga apektadong daan at maghanap muna ng alternatibong ruta simula ngayong umaga. Sa abiso ng DPWH,… Continue reading Ilang kalsada sa NCR, sumasailalim sa reblocking at repairs ng DPWH

Halos isang toneladang smuggled na karne, nasabat sa Pasay City

Sinalakay ng mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) Inspectorate and Enforcement Division at National Meat Inspection Service (NMIS) ang apat na establisyimento sa Pasay City dahil sa pagtatago ng mga smuggled na karne mula sa China. Nasabat ng mga awtoridad ang 700 kilo ng mga smuggled na karne ng mga awtoridad sa isang mini-mart… Continue reading Halos isang toneladang smuggled na karne, nasabat sa Pasay City

Job Fair para sa Persons with Disability, isasagawa ng Taguig LGU bukas

Taguig LGU, magsasagawa ng bukas Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pangunguna ng Persons with Disabilities Affairs Office at Public Employment Services Office (PESO) ng isang Job Fair para sa persons with disability (PWDs), bukas, July 22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Gaganapin ang nasabing job fair… Continue reading Job Fair para sa Persons with Disability, isasagawa ng Taguig LGU bukas

Mega Job Fair, isasagawa sa Lungsod ng Caloocan; mahigit 6,000 trabaho alok sa nasabing job fair

Magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ng ika-9 na Mega Job Fair sa Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall-South sa July 26. Ayon sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO), nasa 6,400 ang bankanteng trabaho na maaaring applayan sa 73 kumpanya na lalahok sa job fair. Tampok din sa nasabing job fair ang mga… Continue reading Mega Job Fair, isasagawa sa Lungsod ng Caloocan; mahigit 6,000 trabaho alok sa nasabing job fair

Gun ban sa Lunes para sa SONA ng Pangulo, ipinaalala ng PNP sa publiko

Pinaalalahanan ng PNP ang publiko na may ipatutupad na isang araw na gun-ban sa tatlong rehiyong sa Lunes bilang bahagi ng seguridad para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Police BGen. Leo Franciso, magsisimula ang gun ban ng 12:01 ng hatinggabi sa… Continue reading Gun ban sa Lunes para sa SONA ng Pangulo, ipinaalala ng PNP sa publiko

MMDA, hinimok ang motorcyle-ride hailing firms, gas station operators na suportahan ang pagbawal sa motorcycle riders na tumigil sa maling lugar tuwing umuulan

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang motorcyle-ride hailing firms at gasoline station operators na suportahan ang mga hakbang ng ahensya para sa mga motorcycle rider na tumitigil sa maling lugar kapag umuulan. Sa isinagawang pulong ng MMDA kasama ang mga motorcyle-ride hailing firms ngayong araw, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes sa… Continue reading MMDA, hinimok ang motorcyle-ride hailing firms, gas station operators na suportahan ang pagbawal sa motorcycle riders na tumigil sa maling lugar tuwing umuulan

QC LGU at DTI, lumagda sa kasunduan para mapalakas ang ease of doing business sa lungsod

Lumagda ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City at Department of Trade and Industry (DTI) sa kasunduaan para palakasin ang ease of doing business sa lungsod. Layon nitong pagsamahin ang Business Name Registration System ng DTI sa Online Business Permit Application System ng QC LGU para mas mapadali ang proseso ng mga business transactions, ma-detect… Continue reading QC LGU at DTI, lumagda sa kasunduan para mapalakas ang ease of doing business sa lungsod

Nasa 150 motorista, natiketan matapos lumabag at dumaan sa EDSA Busway

Umabot sa 150 motorista ang natiketan matapos lumabag at dumaan sa exclusive lane ng EDSA Busway, ngayong araw. Ito ay matapos magsagawa ng multi-agency joint operation ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Inter-agency Council for Traffic (I-ACT) sa EDSA Busway. Kasunod ito ng mga… Continue reading Nasa 150 motorista, natiketan matapos lumabag at dumaan sa EDSA Busway

Navotas LGU, namigay na ng graduation incentive sa mga mag-aaral sa Navotas

Nagsimula nang mamigay ng graduation incentives ang Navotas City government sa mga mag-aaral na nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong taon. Ayon sa LGU, partikular na binibigyan ng insentibo ang mga mag-aaral ng Grade 6 at 12. Alinsunod sa umiiral na ordinansa, ang elementary school graduates ay makatatanggap ng Php500 at ang senior… Continue reading Navotas LGU, namigay na ng graduation incentive sa mga mag-aaral sa Navotas