MMDA at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsagawa ng full council meeting bilang paghahanda sa nakaambang krisis sa tubig

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) ngayong araw, patungkol sa preparasyon sa posibleng krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño. Pinangunahan ni MMDA Acting Chairperson at MMDRRMC Chairperson Atty. Don Artes ang pulong kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan. Sa naturang full… Continue reading MMDA at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsagawa ng full council meeting bilang paghahanda sa nakaambang krisis sa tubig

Patuloy na inobasyon sa public transportation system sa Pilipinas, para sa pagpapagaan ng buhay mg commuters, asahan pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Ipagpapatuloy ng Marcos Jr. Administration ang pagsusulong ng mas marami pang proyekto at inobasyon sa public transporation, para sa pagpapaigting ng mobility at interconnectivity ng mga Pilipino. “I assure you that this administration will continue to pursue more public transportation projects that will improve our people’s mobility and interconnectivity as well as to enhance the… Continue reading Patuloy na inobasyon sa public transportation system sa Pilipinas, para sa pagpapagaan ng buhay mg commuters, asahan pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Mga inisyatibo sa pagtitipid ng tubig, ipatutupad na rin ng QC LGU

Naglatag na rin ng mga hakbang ang Quezon City government upang makapagtipid ng tubig lalo ngayong may banta ng El Niño. Sa kasalukuyan, activated na ang Task Force El Niño ng pamahalaang lungsod para sa mga inisyatibo upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot kabilang ang mahabang water service interruption sa ilang barangay sa lungsod. Inatasan… Continue reading Mga inisyatibo sa pagtitipid ng tubig, ipatutupad na rin ng QC LGU

DTI, QC LGU, lumagda ng kasunduan para sa pag-integrate ng kanilang mga registration systems

Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Department of Trade and Industry at Quezon City Government para sa pag-integrate ng Business Name Registration System ng DTI at Online Unified Business Permit Application System ng QC LGU. Layon ng nasabing integration na i-streamline ang mga procedure at requirements ng mga LGU sa pamamagitan ng automatic verification ng Business… Continue reading DTI, QC LGU, lumagda ng kasunduan para sa pag-integrate ng kanilang mga registration systems

Suspek sa pamamaril sa lalaki sa kainan sa Pasig City, naaresto sa follow-up operation ng pulisya

Naaresto na ang armadong lalaki na basta na lamang namaril ng isang customer sa isang kainan sa Barangay Bambang, Pasig City. Kinilala ang suspek na si Kim Ebuenga, 24 na taong gulang na residente ng Farmers Avenue, Barangay Malinao, Pasig City. Batay sa imbestigasyon ng Pasig City Police, nakita sa kuha ng CCTV camera na… Continue reading Suspek sa pamamaril sa lalaki sa kainan sa Pasig City, naaresto sa follow-up operation ng pulisya

MMDA, magbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nakalatag na ang kanilang contingency plans sa pagpapagamit ng kanilang mga sasakayan para sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada na magsisimula sa araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 24. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, handa… Continue reading MMDA, magbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada

Contigency plans para sa tatlong araw na tigil-pasada, nakahanda na, ayon sa Inter-Agency Task Force Monitoring Team

Nakalatag ang mga contigency plan ng pamahalaan para sa ikakasang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport groups simula sa araw ng state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa July 24 hanggang sa July 26. Ito ay pahayag ng Inter-Agency Task Force Monitoring Team sa isinagawang pulong ngayong araw na… Continue reading Contigency plans para sa tatlong araw na tigil-pasada, nakahanda na, ayon sa Inter-Agency Task Force Monitoring Team

Daily water service interruptions sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Sinuspinde na ng Maynilad Water Services ang scheduled daily water service interruptions sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City. Sinabi ng Maynilad na nakatulong ang mga pag ulan dala ni bagyong Dodong para mapataas ang water elevation sa Ipo Dam. Ito ang dahilan kaya patuloy na natatanggap mula sa Portal… Continue reading Daily water service interruptions sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Water rationing, maaring bumalik kung magpapatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan – DENR

Hindi malayong bumalik ang water rationing sa sandaling magpatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan na inaasahan sanang magpapataas sa antas ng tubig sa Angat Dam. Ito ang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, gayung hindi pa maituturing na water crisis ang sitwasyon. Bagama’t nasa alanganing kalagayan ang suplay… Continue reading Water rationing, maaring bumalik kung magpapatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan – DENR

Manila LGU, kinilala ng World Wide Fund for Nature dahil sa kampaniya nito kontra sa paggamit ng plastic

Kinilala ng World Wide Fund for Nature – Philippines ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila dahil sa pagiging aktibo nito sa kanilang kampanya kontra sa paggamit ng plastic. Tinanggap ni Manila Department of Public Services Officer-In-Charge Kayle Nicole Amurao at City Council Committee Chairman for Environmental Protection and Ecological Preservation Timothy Oliver Zarcal ang naturang parangal.… Continue reading Manila LGU, kinilala ng World Wide Fund for Nature dahil sa kampaniya nito kontra sa paggamit ng plastic