Mga lugar na apektado ng ipapatupad na water interruption, aabot sa 32 barangay –Maynilad

Aabot sa 32 barangay sa Lungsod Quezon ang tiyak nang maaapektuhan ng water interruption na ipapatupad ng Maynilad Water Services, simula sa Hulyo 12. Sa abiso ng Maynilad, kabilang sa maaapektuhang lugar ay ang mga sumusunod: Apolonio Samson, Bagbag (Rockville 2 Subd.); Balingasa, Capri, Commonwealth, Doña Josefa, Greater Fairview, Greater Lagro, Gulod, Holy Spirit, Lourdes,… Continue reading Mga lugar na apektado ng ipapatupad na water interruption, aabot sa 32 barangay –Maynilad

Iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project  Phase 1, tinalakay sa pulong ng MMDA at World Bank

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at World Bank. Layon nitong matalakay ang iba’t ibang update sa implementasyon ng Component 2 ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1. Pinangunahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang nasabing pulong kung saan kabilang sa mga napag-usapan ang status ng… Continue reading Iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project  Phase 1, tinalakay sa pulong ng MMDA at World Bank

Isang 65 years-old na lola na nagtapos sa college, binigyan ng pinakatamaas na pagkilala ng Pasay LGU

Isang 65-anyos na lola na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang kabilang sa matagumpay na nakapagtapos ng kolehiyo sa City University of Pasay para sa School Year 2022-2023. Si Lola Shirley Barberan, 65 years old ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Office Administration ay magulang din ng isang may kapansanan na nagsikap,… Continue reading Isang 65 years-old na lola na nagtapos sa college, binigyan ng pinakatamaas na pagkilala ng Pasay LGU

PNP, walang namo-monitor na anumang banta sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namamataang anumang banta sa seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ito ang inihayag mismo ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr kasunod ng nagpapatuloy na threat assessment ng National Capital Region Police Office (NCRPO)… Continue reading PNP, walang namo-monitor na anumang banta sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Meralco, magpapatupad ng bawas singil ngayong buwan ng Hulyo

Magpapatupad ng bawas singil ang Manila Electric Company o Meralco para sa magiging bill ngayong buwan ng Hulyo. Ayon kay Meralco Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, 0.7213 centavos kada kilowatt hour ang itatapyas sa singil sa kuryente kaya papalo na lamang sa 11.1899 ang overall rate sa bill ngayong buwan ng Hulyo. Ibig sabihin kung… Continue reading Meralco, magpapatupad ng bawas singil ngayong buwan ng Hulyo

9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services sa mga customer nito na magkakaroon ng water interruption simula sa Miyerkules, July 12. Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division, ang water interruption ay bunsod ng mas pinababang alokasyon ng National Water Resources Board o NWRB mula Angat Dam na 48 cubic meters per second,… Continue reading 9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

Cybercrime incidents sa NCR, tumaas ng 152%

Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na tumaas ng 152 porsyento ang insidente ng Cybercrime sa National Capital Region (NCR) sa unang bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni ACG Director Police Brig. General Sydney Sultan Hernia na nakapagtala sila ng 6,250 insidente ng cybercrime sa… Continue reading Cybercrime incidents sa NCR, tumaas ng 152%

Mahinang pressure hanggang sa walang suplay ng tubig sa Navotas, asahan na simula July 12

Nag-abiso ang Navotas Public Information Office sa mga residente nito na posibleng makaranas ng mahinang pressure o kaya’y mawalan ng tubig sa kanilang lungsod. Dahil umano sa bumababang lebel ng tubig sa Angat Dam bunsod na rin ng El Niño, ay magpapatupad ang Maynilad na siyang may sakop sa Navotas, ng rotational water interruption. Kaya… Continue reading Mahinang pressure hanggang sa walang suplay ng tubig sa Navotas, asahan na simula July 12

Ilang carwash sa QC, normal pa rin ang operasyon sa kabila ng napipintong bawas sa suplay ng tubig sa NCR

Normal pa rin ang operasyon ng ilang carwash sa Quezon City. Ito ay kahit pa may anunsyo na ang Maynilad, na posibleng magkaroon ng siyam na oras na water interruption dahil na rin sa epekto ng El Niño sa suplay ng tubig sa Angat Dam. Ayon sa mga carwash, mayroon naman silang imbakan ng tubig… Continue reading Ilang carwash sa QC, normal pa rin ang operasyon sa kabila ng napipintong bawas sa suplay ng tubig sa NCR

Muntinlupa LGU, magsasagawa ng libreng kapon para sa mga alagang hayop

Magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, sa pangunguna ng City Veterinarian Office ng libreng kapon para sa mga aso at pusa sa araw ng Huwebes, July 13, sa Covered Court ng Barangay Bayanan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Ang mga interesadong pet-owners na nais ipakapon ang kanilang mga alagang hayop ay… Continue reading Muntinlupa LGU, magsasagawa ng libreng kapon para sa mga alagang hayop