Treasurer’s Office ng Lungsod ng Maynila mananatiling bukas ngayong araw para sa mga nais magbayad ng buwis sa Real Property

Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga magbabayad ng buwis partikular sa mga may transaksyon kaugnay ng real property tax. Mananatiling bukas ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 23, ang Manila City Treasurer’s Office mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon para sa mga nais magsagawa ng pagbabayad kaugnay ng nasabing buwis. Hinihikayat… Continue reading Treasurer’s Office ng Lungsod ng Maynila mananatiling bukas ngayong araw para sa mga nais magbayad ng buwis sa Real Property

Panibagong round ng oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

Nakaamba nanaman ang taas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ayon sa DOE OIMB Asst. Dir. Rodela Romero, asahan na ang nasa P0.70 – P0.90 sa gas;P0.70 – P1.00 sa diesel;P0.60 – P0.70 sa kerosene Ito naman ay bunsod ng tension sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan patuloy ang nangyayaring gulo.… Continue reading Panibagong round ng oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

Mahigit 1,000 indibiduwal, apektado ng sunog sa Brgy. Manggahan, Pasig city

Pansamantalang nanunuluyan sa dalawang evacuation centers ang nasa 1,000 indibiduwal sa Pasig City. Ito’y matapos tupukin ng apoy ang nasa 100 kabahayan sa Kangkungan Street, Villa Cruzis sa Brgy. Manggahan kagabi. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection – Pasig City, 6:35PM nang naiulat ang sunog at umabot pa ito hanggang sa ikatlong alarma.… Continue reading Mahigit 1,000 indibiduwal, apektado ng sunog sa Brgy. Manggahan, Pasig city

Vape shop sa QC na nagbebenta ng illegal vape products, sinalakay ng BIR

Iba’t ibang imported vape products na iligal na ibenebenta ng isang vape shop ang kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ginawa ito ng BIR matapos ang pagsalakay ngayong gabi sa business establishment na nasa kanto ng Tomas Morato at Sct Fuentebella sa Quezon City. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nadiskubre nilang nagbebenta… Continue reading Vape shop sa QC na nagbebenta ng illegal vape products, sinalakay ng BIR

Sunog sa Brgy. Kabayanan, San Juan City, umabot na sa ikalawang alarma

Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa F. Manalo, Barangay Kabayanan, San Juan City. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot na sa ikalawang alarma ang sunog. Idineklara ang unang alarma bandang 4:43 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma bandang 4:58 ng hapon. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsusumikap ng… Continue reading Sunog sa Brgy. Kabayanan, San Juan City, umabot na sa ikalawang alarma

Pagtaas ng bilang ng mga botante sa Makati City sa kabila ng pagkakaalis ng 10 EMBO barangay, hindi pangkaraniwan —Comelec

Sang-ayon ang Commission on Elections (Comelec) na ‘very unusual’ o kakaiba ang pagtaas ng bilang ng mga rehistradong botante sa Makati City kahit pa nabawas sa kanilang siyudad ang 10 EMBO barangay. Matatandaang base sa desisyon ng Korte Suprema ay nasa ilalim na ng Taguig City ang sampung EMBO barangay. Sa plenary budget deliberation ng… Continue reading Pagtaas ng bilang ng mga botante sa Makati City sa kabila ng pagkakaalis ng 10 EMBO barangay, hindi pangkaraniwan —Comelec

Walong focus crime sa QC, naibaba ng QCPD sa unang quarter ng taon

Ikinatuwa ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba ng walong focus crimes sa Lungsod Quezon sa unang quarter ng taong 2024. Ayon kay QCPD Acting Director Melecio Buslig Jr., mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 15 2024, nakapagtala ang pulisya ng 187 insidente ng walong major crimes kumpara sa 240 insidente na naitala mula Agosto… Continue reading Walong focus crime sa QC, naibaba ng QCPD sa unang quarter ng taon

Higit 300 evacuees sa Malabon, tinulungan ng Pamahalaang Lungsod

Aabot sa 95 pamilya o 362 na indibidwal ang hinatiran ng tulong ng Malabon City Government kasunod ng pagtama ng Super Typhoon Pepito. Kabilang sa ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ang hot meals at temporary shelter sa mga apektadong residente. Sa kabuuan, anim na evacuation centers ang binuksan sa Malabon sa kasagsagan ng Bagyong Pepito. Kabilang… Continue reading Higit 300 evacuees sa Malabon, tinulungan ng Pamahalaang Lungsod

Sunog sa isang junkshop sa Marikina City, naapula na

Tuluyan nang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Marikina ang sunog na sumiklab sa bodega ng scrap materials sa panulukan ng mga kalye Exequiel at Eraño Manalo na sakop na ng Brgy. Concepcion Uno sa Lungsod Marikina. Ayon kay Senior Fire Officer 4 Ralph Malalan, 7:14am nang ideklarang fire out ang naturang sunog na… Continue reading Sunog sa isang junkshop sa Marikina City, naapula na

Lungsod ng Maynila, patuloy ang paghahanda sa paparating na Bagyong #PepitoPH

Kasunod ng pagtaas ng Manila DRRM Office sa Red Alert Status sa Lungsod ng Maynila para sa paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito, nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan nito sa ilang paaralan na maaaring gamitin bilang evacuation centers. Ilan sa mga tinukoy na paaralan ay ang Ninoy Aquino Elementary School, Pres. Corazon Aquino… Continue reading Lungsod ng Maynila, patuloy ang paghahanda sa paparating na Bagyong #PepitoPH