San Juan LGU, walang sasayanging tubig sa kapistahan ng lungsod sa Hunyo 24

Inanunsyo ni San Juan Mayor Francis Zamora na walang mangyayaring basaan ng tubig sa Wattah-wattah festival sa kapistahan ni St John the Baptist sa San Juan sa Hunyo 24. Nilinaw ng alkalde na bahagi ito ng pagtitipid ng tubig lalo na ngayong panahon ng El Niño na may nagbabadyang water shortage. Bagama’t walang basaan ng… Continue reading San Juan LGU, walang sasayanging tubig sa kapistahan ng lungsod sa Hunyo 24

Driver ng fuel tanker na naka-hit-and-run sa motorcycle rider sa Mandaluyong, arestado na

Naaresto na ng mga awtoridad ang driver ng fuel tanker na nakasagasa at nakapatay sa isang motorcycle rider sa southbound lane ng EDSA-Shaw Boulevard tunnel sa Mandaluyong City. Ayon sa hepe ng Mandaluyong City Police na si Col. Cesar Gerente, kusang isinuko ng kumpanyang nagmamay-ari ng fuel tanker ang 44-na taong gulang na driver. Umamin… Continue reading Driver ng fuel tanker na naka-hit-and-run sa motorcycle rider sa Mandaluyong, arestado na

OVP, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Novaliches, QC

Nagpaabot ng relief assistance ang Office of the Vice President sa mga naging biktima ng sunog sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City. 206 pamilya o 1,000 indibidwal ang nakatanggap ng relief boxes mula sa OVP Disaster Operations Center. Ang bawat relief box ay naglalaman ng sleeping mats, kumot, mosquito nets, hygiene kits, alcohol, face mask… Continue reading OVP, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Novaliches, QC

NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Magpapatupad ng ‘gun ban’ gayundin ng “No Fly Zone” at “No Drone Zone” sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ito ang ipinaalala ng National Capital Region Police Office o NCRPO na naglalayong masiguro ang ligtas, mapayapa at maayos na pag-uulat sa bayan ng… Continue reading NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

International flights ng PAL, nailipat na sa NAIA Terminal 1 ngayong araw

Nagsimula na ngayong araw na mailipat ang lahat ng international flights ng Philippine Airlines sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport mula sa Terminal 2. Ayon kay PAL Vice President for Airport Operations Alfred Adriano, dalawang buwang pinaghandaan ng flag carrier ang paglipat ng mga international flight patungong Terminal 1 sa tulong ng iba… Continue reading International flights ng PAL, nailipat na sa NAIA Terminal 1 ngayong araw

Pamahalaang lungsod ng Taguig, naglunsad ng isang FB group para sa mga nanay

Inilunsad ng Taguig City Government ang MOMS Taguig Facebook Group sa isinagawang Buntis Congress ng lungsod kahapon sa Taguig Lakeshore Hall. Layon ng nasabing Facebook group na magkaroon ng diskusyon at palitan ng tips ng mga nanay sa Taguig. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nais nito na tiyakin na magiging kaagapay ng mga… Continue reading Pamahalaang lungsod ng Taguig, naglunsad ng isang FB group para sa mga nanay

Mga manggagawa sa Navotas, sasailalim na sa annual drug test

Inoobliga na ng Navotas LGU ang pagpapatupad ng mandatory drug test sa piling empleyado ng mga business establishment sa lungsod. Kasunod ito ng pag-apruba ng Navotas City Council sa City Ordinance No. 2023-23 na layong isulong ang drug free workplace sa lungsod. Sa ilalim ng ordinansa, minamandato ang ilang mga negosyo sa lungsod na tumalima… Continue reading Mga manggagawa sa Navotas, sasailalim na sa annual drug test

QC-LGU, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay Bagbag

Nagpaabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Barangay Bagbag. Personal na ipinamahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tulong-pinansyal sa mga nasunugan na nasa 199 na pamilya. Tig P10,000 ang ibinigay ni Belmonte sa homeowners habang P5,000 naman sa mga nagrerenta o sharer. Patuloy… Continue reading QC-LGU, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay Bagbag

“15-minute city strategy”, isinusulong ng Quezon City Government sa mga barangay

Pinag-aaralan ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang pagpapatupad ng “15-minute city strategy” sa mga barangay. Ito ay isang konsepto o urban model na binuo ng isang propesor sa Sorbonne University, kung saan lahat ng essential services ay accessible sa mga residente sa pamamagitan ng paglalakad o pagbibisikleta mula sa tahanan. Kabilang sa mga… Continue reading “15-minute city strategy”, isinusulong ng Quezon City Government sa mga barangay

Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng libreng libing sa mga Las Piñeros na namatayan ng kanilang mahal sa buhay. Ito ang inihayag ni Las Piñas City LGU Mayor Imelda Aguilar makaraang magtungo sa kaniyang tanggapan ang ilang naulilang pamilya para humiling ng tulong. Walang pag-aatubiling pinirmahan ni Mayor… Continue reading Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy